Tanong
Ano ang Kristiyanong Siyensya (Christian Science)?
Sagot
Ang Kristiyanong siyensya (Christian Science) ay pinasimulan ni Mary Baker Eddy (1821-1910), ang unang nakaimbento ng bagong ideya tungkol sa kalusugan ng katawan at espiritu. Pinukaw ng kanyang sariling karanasan ng paggaling noong 1866, ginugol ni Eddy ang maraming taon sa pagaaral ng Bibliya, pananalangin, at sa pagsisiyasat ng mga bagong pamamaraan sa panggagamot. Ang resulta ay isang sistema na kanyang tinawag na "Christian Science" noong 1879. Ang kanyang aklat na "Science and Health with Key to the Scriptures", ang nagpasimula ng bagong pangunawa sa relasyon sa pagitan ng isip, katawan at espiritu ng tao. Nagtatag din siya ng isang kolehiyo, iglesya, palimbagan ng mga libro at ng isang respetadong pahayagan na tinatawag na "The Christian Science Monitor." Dahil sa pagkakahawig nito sa ibang mga grupo ng Kristiyanismo, maraming Kristiyano ang naniwala na ang Christian science ay hindi isang kulto sa Kristiyanismo.
Itinuturo ng Christian Science na ang Diyos ang "Ama" at "Ina" ng lahat ay mabuti at isang espiritu at ang lahat ng nilikha ng Diyos at ang tunay na kalikasan ng bawat tao ay ang espiritwal na wangis ng Diyos. Dahil mabuti ang mga nilikha ng Diyos, ang mga kasamaan gaya ng sakit, kamatayan at kasalanan ay hindi maaring maging bahagi ng realidad tungkol sa Diyos. Sa halip ang mga kasamaang ito ay resulta ng pamumuhay na hiwalay sa Diyos. Ang panalangin ang pangunahing pamamaraan upang mapalapit ang tao sa Diyos at mapagaling ang lahat ng karamdaman. Ang katuruang ito ay salungat sa Bibliya na nagtuturo na ang tao ay isinilang sa kasalanan na kanyang minana dahil sa pagbagsak ni Adan sa kasalanan at ang kasalanan ang naghiwalay sa tao mula sa Diyos. Maliban sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ni Krito sa krus, hindi tayo kailaman mapapagaling sa pinakapangunahing karamdaman ng tao - ang kasalanan.
Sa halip na ituro na pinagaling ni Hesus ang mga espiritwal na karamdaman (tingnan ang Isaias 53:5), ang mga naniniwala sa Christian Science ay tinitingnan ang ministeryo ni Hesus na kanilang modelo sa kagalingan ng mga karamdaman ng katawan at kanilang pinaniniwalaan na ang kagalingan ng karamdaman ng katawan ang sentro ng mensahe ng kaligtasan. Ipinapanalangin ng mga Christian scientists na maunawaan ng tao ng mas malalim ang realidad ng Diyos at ng Kanyang pag-ibig sa araw araw at maranasan at makatulong sa iba upang maranasan din ang nakapagpapagaling na resulta ng ganitong pangunawa.
Para sa maraming Christian scientists, ang espiritwal na kagalingan ang unang hakbang at pagkatapos ay magtitiwala ang tao sa kapangyarihan ng panalangin para sa kagalingan sa halip na magpatingin at magpagamot sa isang doktor. Noon pa man, hinahamon na ng mga maykapangyarihan sa pamahalaan ang ganitong pananaw ng mga Christian scientists, lalo na sa mga sirkumstansya na ipinagkakait ang kagamutang medikal sa mga bata. Gayunman, walang anumang batas sa iglesya na naguutos sa mga miembro na magdesisyon para sa kanilang pagpapadoktor.
Walang opisyal na ministro ang Christian Science. Sa halip ang Bibliya at ang aklat ni Eddy na "Science and Health" ang nagsisilbing pastor at mangangaral. Pinagaaralan nila ang mga leksyon mula sa Bibliya araw araw at binabasa ng malakas tuwing linggo ng dalawang manggagawa na inihalal ng bawat lokal na kongregasyon. Ang mga simbahan ng Chrstian Science ay nagdadaos din ng lingguhang pagpupulong kung saan ibinabahagi ng bawat miembro ang kanilang mga karanasan ng kaligtasan at paggaling sa karamdaman.
Sa lahat ng kulto sa loob ng Kristiyanismo na makikita sa ngayon, ang Christian Science ang pinakamali ang pangalan. Ang Christian Science ay hindi talaga Christian at hindi rin Science. Tinatanggihan ng Christian Science ang mga pangunahing katuruan ng Bibliya upang matawag ang sinuman na isang Kristiyano. Sa katotohanan, ang paniniwalang ito ay lumalaban din sa Siyensya. Sa halip, isa itong mistikal na espiritwalidad na kinakasangkapan para sa pisikal at espiritwal na kagalingan. Ang Christian Science ay dapat itakwil at ituring na isang kulto na lumalaban sa Kristiyanismo at Siyensya.
English
Ano ang Kristiyanong Siyensya (Christian Science)?