settings icon
share icon
Tanong

Ang isang Kristiyano ba ay maaaring pang tablan ng sumpa?

Sagot


Sinasabi sa atin ng Bibliya na, "Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab" (Kawikaan 26:2b). Nangangahulugan ito na walang epekto ang mga sumpa na walang kabuluhan. Hindi hahayaan ng Diyos na tablan ng anumang sumpa ang Kanyang mga anak. Walang hanggan ang kapamahalaan at kapangyarihan ng Diyos. Walang sinuman ang may kapangyarihan na sumpain ang isang tao na nais na pagpalain ng Diyos. Ang Diyos lamang ang tanging may kakayahan at karapatan na magpataw ng hatol sa sinuman.

Laging negatibo ang paglalarawan ng pag-oorasyon sa Bibliya. Sa Deuteronomio, ibinilang ang mga tao na nagsasagawa ng orasyon sa mga taong gumagawa ng mga bagay na "kasuklam suklam sa Panginoon" gaya ng pagsusunog ng anak bilang handog, pangkukulam, panggagaway, at pakikipagusap sa patay. Sinabi sa Mikas 5:12 na wawasakin ng Diyos ang pangkukulam at ang mga manggagaway. Inilarawan ang "orasyon" sa Pahayag 18 bilang bahagi ng pandaraya na gagamitin ng antikristo at ng kanyang "dakilang siyudad ng Babilonia" (talata 21-24). Bagamat napakasidhi ng pandaraya na magaganap sa mga huling panahon na anupat maging ang mga hinirang ay dadayain kung hindi tayo iingatan ng Diyos (Mateo 24:24), sa huli, lubusang pupuksain ng Diyos si Satanas, ang antikristo, at ang lahat ng kanilang mga tagasunod (Pahayag kabanata 19-20).

Isinilang na muli ang mananampalataya bilang isang bagong nilalang kay Hesu Kristo (2 Corinto 5:17), at mayroon tayong pakikisama tuwina Diyos sa pamamagitan ng presensya ng Banal na Espiritu na nananahan sa atin at nasa ilalim tayo ng Kanyang pagiingat (Roma 8: 11). Hindi tayo dapat magalala sa kanino man na magtatangka na ipailalim tayo sa sumpa ng mga pagano. Ang orasyon, voodoo, kulam, gayuma, at sumpa ay walang kapangyarihan sa atin dahil nagmula sila kay satanas at nalalaman natin na "Siya na nasa atin (Kristo) ay higit na makapangyarihan kaysa sa kanya (satanas) na nasa mundo" (1 Juan 4:4). Talo siya ng Diyos at pinalaya na tayo upang sumamba sa Diyos ng walang pagkatakot (Juan 8:36). "Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot?" (Awit 27:1).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang isang Kristiyano ba ay maaaring pang tablan ng sumpa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries