Tanong
Dapat bang sumunod ang mga Kristiyano sa mga batas sa lupa?
Sagot
Sinasabi sa Roma 13:1-7 "Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo ng buwis; sapagka't sila'y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan."
Ang mga talatang ito ay malinaw na nagtuturo na nararapat tayong sumunod sa pamahalaan na pinaglagyan sa atin ng Diyos. Itinatag ng Diyos ang pamahalaan upang mangalaga ng kaayusan, magparusa sa masasama at maglapat ng hustisya (Genesis 1:6; 1 Corinto 14:33; Roma 12:8). Dapat tayong magpasakop sa gobyerno sa lahat ng bagay, magbayad ng buwis, sumunod sa mga alituntunin at mga batas at gumalang sa mga namumuno. Kung hindi natin ito gagawin, tayo ay nagpapakita ng kawalang galang sa Diyos dahil Siya ang nagtatag ng lahat ng pamahalaang umiiral sa lupa. Ng isulat ni Apostol Pablo ang kanyang aklat sa mga taga Roma, ang Roma ay nasa ilalim ng pamamahala ni Emperador Nero, ang isa sa pinakamalupit na Emperador ng Roma. Ngunit kinikilala pa rin ni Pablo na ang gobyerno ng Roma ay may kapamahalaan sa kanya sa kabila nito. Tayo pa kaya ang hindi kumilala sa ating pamahalaan?
Ang sunod na katanungan ay "mayroon bang mga pagkakataon na ang mga Kristiyano ay dapat sumuway sa batas sa lupa?" Ang sagot sa katanungang ito ay matatagpuan sa Gawa 5:27-29, "At nang kanilang mangadala sila, ay kanilang iniharap sa Sanedrin. At tinanong sila ng dakilang saserdote, na sinasabi: Ibinala naming mahigpit sa inyo na huwag kayong mangagturo sa pangalang ito: at narito, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral, at ibig ninyong iparatang sa amin ang dugo ng taong ito. Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao." Mula sa mga talatang ito, malinaw na habang ang batas sa lupa ay hindi sumasalungat sa batas ng Diyos, tayo ay nararapat na magpasakop at sumunod sa lahat ng batas. Ngunit kung ang batas dito sa lupa ay sumasalungat na sa batas ng Diyos, nararapat tayong sumuway sa batas sa lupa at sumunod sa batas ng Diyos. Gayunman, maging sa mga ganitong pagkakataon, nararapat nating tanggapin ang kapamahalaan ng gobyerno sa atin. Ito ay ipinakita ni Pedro at Juan ng hindi sila magreklamo habang hinahagupit ng mga sundalong Romano. Sa halip nagpuri at nagpasalamat sila sa gitna ng kanilang pagdurusa dahil sa kanilang pagsunod sa Diyos (Gawa 5:40-42).
English
Dapat bang sumunod ang mga Kristiyano sa mga batas sa lupa?