settings icon
share icon
Tanong

Dapat bang maglaro ang mga Kristiyano ng video games?

Sagot


Nakumpleto halos dalawanlibong taon na ang nakalilipas, hindi itinuturo ng Bibliya kung maaari o hindi maaaring maglaro ang isang Kristiyano ng video games. Ngunit ang mga prinsipyo ng Bibliya ay mailalapat sa kasalukuyan tungkol sa pinakamagandang paggamit ng ating oras. Kung ipinapakita sa atin ng Diyos na ang isang partikular na gawain ay komokontrol na ng ating buhay dapat tayong kumawala sa gawaing iyon. Maaaring ang gawaing ito ay pagkain, panonood ng sine o TV, pakikinig ng musika, video games at anumang bagay na nakasasagabal sa ating atensyon sa pagkilala at pag-ibig sa Diyos at sa paglilingkod sa Kanyang mga anak. Habang ang ilan sa mga bagay na ito ay hindi likas na masama sa kanilang sarili, sila'y nagiging diyus-diyusan kung nagiging hadlang na sila sa ating unang pag-ibig (Colosas 3:5; Pahayag 2:4). Narito ang ilang mga prinsipyo na maaring ikunsidera kung dapat bang ang isang Kristiyano ay maglaro ng video games o manood ng sine, TV at iba pang mga gawaing panlupa.

1. Ang video games ba ay makapagpapatibay sa aking pananampalataya o aaliwin lang ako? Ang ibig sabihin ng salitang patibayin ay patatagin. Ang paglalaro ba ng video games ay makapagpapatatag ng iyong pag-ibig sa Diyos, kaalaman tungkol sa Kanya at pagmiministeryo sa iba? "Malaya mong magagawa ang anuman"ngunit hindi lahat ng bagay ay nakatutulong. "Maaaring gawin ang anumang bagay"ngunit hindi lahat ay makakapagtibay" (1 Corinto 10:23-24; Roma 14:19). Kung binibigyan tayo ng panahon para magpahinga, kailangan nating maghanap ng isang aktibidad na makapagpapatibay at magbibigay din naman sa atin ng kasiyahan. Pinipili ba natin ang isang bagay na maaari lang gawin o isang bagay na kapuri puring gawin? Kung may pamimilian tayo sa pagitan ng isang bagay na mabuti at isang bagay na napakabuti, kailangan nating piliin ang pinakamabuti (Galatia 5:13-17).

2. Ang paglalaro ba ng video games ay pagsunod sa sariling kalooban o sa kalooban ng Diyos? Ang kalooban ng Diyos para sa Kanyang mga anak ay mabubuod sa Kanyang pinakadakilang utos: "Tumugon siya, 'Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip'; at, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili' (Lukas 10:27). Ang ating kalooban ay nadumihan ng kasalanan. Dahila naligtas na tayo sa ating pagiging makasarili, kailangan nating isuko ang ating kalooban sa Diyos (Filipos 3:7-9). Babaguhin ng Diyos ang ating kalooban (Awit 143:10). Ang layunin ng Diyos ay maging kalooban din natin ang Kanyang kalooban.

Marami ang naniniwala na ang kalooban ng Diyos ay nakababagot at nakakahiya. Inilalarawan nila ang kalooban ng Diyos tulad sa isang monghe sa isang malungkot na monasteryo o isang janitor na nagrereklamo sa trabaho. Taliwas sa paglalarawang ito, ang mga taong sinusunod ang kalooban ng Diyos sa kanilang mga buhay ay ang mga pinakamaligaya at pinaka-mapagsapalarang taong nabuhay sa mundo. Ang pagbabasa ng mga talambuhay ng mga bayani ng pananampalataya gaya nina Hudson Taylor, Amy Carmichael, Corrie Ten Boom, at George Mueller ang makapagpapatunay dito. Walang duda na ang mga banal na ito ay humarap sa mga kahirapan ng mundo, lumaban sa kanilang sariling kagustuhan at sa diyablo. Maaring hindi sila nagkamit ng maa bagay ng mundong ito, ngunit ginamit sila ng Diyos upang gumawa ng mga dakilang bagay. Sa una tila imposible na maging banal at maging maligaya sa parehong panahon, ngunit ang Diyos ang magbibigay sa atin ng kapangyarihan upang maging banal at naisin ang maging maging maligaya sa kalagayang ito. "Kinaluluguran kong sundin ang iyong kalooban, O Diyos ko" (Awit 40:8; tingnan din ang Hebreo 13:21).

3. Nakaluluwalhati ba sa Diyos ang video games? May ilang video games na itinatampok ang karahasan, karumihan at maling desisyon (halimbawa: "I"m out of the race, so I"ll just wreck my car"). Bilang mga Kristiyano, ang lahat ng ating gawain ay nararapat na nagbibigay luwalhati sa Diyos (1 Corinto 10:31) at tumutulong sa atin lumago tayo sa ating kaalaman at sa biyaya ni Kristo.

4. Ang paglalaro ba ng video games ay magbubunga ng mabubuting gawa? "Tayo'y kanyang nilalang, nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti, na itinalaga na ng Diyos para sa atin noon pa mang una." (Efeso 2:10; tingnan din ang Tito 2:11-14 at 1 Pedro 2:15). Ang katamaran at pagkamakasarili ay lumalabag sa layunin ng Diyos para sa atin - ang gumawa ng mabuti sa iba (1 Corinto 15:58; tingnan din ang Galatia 6:9-10).

5. Ang paglalaro ba ng video games ay kinakikitaan ng pagkokontrol sa sarili? Marami ang nagsasabi na ang video games ay maaaring maging obsesyon na hahantong sa adiksyon. Walang lugar sa buhay ng Kristiyano para sa mga ganitong bagay. Inihalintulad ni Pablo ang buhay Kristiyano sa isang atleta na dinidisiplina ang sarili upang makamtan niya ang gantimpala. May higit na mobibasyon ang mga Kristiyano na mamuhay ng buhay na nakahiwalay sa kasalanan at may pagkokontrol sa sarili - upang makamtan ang gantimpala sa langit (1 Corinto 9:25-27).

6. Ang paglalaro ba ng video games ay pagsasamantala sa panahon para as paggawa ng mabuti? Magbibigay sulit ka sa Diyos kung paano mo ginamit ang iyong oras. Ang paggugol ng mga oras sa paglalaro ng video games ay mahirap na matawag na mabuting pangangasiwa ng oras. "Kaya't ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon." (Efeso 5:15-17). "At ang pinag-uukulan niya ng buong panahon sa buhay na ito ay ang kalooban ng Diyos, at hindi ang mga pinakamimithi ng tao." (1 Pedro 4:2; tingnan din ang Colosas 4:5; Santiago 4:14 at 1 Pedro 1:14-22).

7. Papasa ba ito sa pagsubok ng Filipos 4:8? "Sa wakas, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. - (Filipos 4:8). Kung maglalaro ka ng video games, nagiging laman ba ng iyong isip ang mga bagay na makadiyos o bagay na makamundo?"

8. Ang paglalaro ba ng video games ay sangayon sa layunin ko sa buhay? Isinulat ni Pablo na sa mga huling araw, ang mga tao ay magiging "..mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios" (2 Timoteo 3:4). Ang kultura sa Silangan ngayon ay umaakma sa ganitong deskripsyon. Ibig nating maglaro. Ang mga hindi Kristiyano ay naaadik sa pagbibigay aliw sa sarili gaya ng sine, sports, at musika dahil wala silang layunin na mas mataas upang masiyahan sa buhay bago ang kamatayan. Ang ganitong mga libangan ay hindi makapagbibigay ng tunay na kasiyahan (Mangangaral 2:1). Kung maadik ang isang Kristiyano sa mga bagay na adik din ang mga hindi Kristiyano, masasabi ba natin na nagpapakita tayo ng buhay na nagliliwanag gaya ng mga tala sa kalangitan? "Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan" (Filipos 2:15). O pinatutunayan natin sa iba na kakaiba tayo at si Kristo ay gumawa ng malaking pagbabago sa ating mga buhay?

Itinuring ni Pablo na ang pagkilala, pag-ibig, at pagsunod sa Diyos ang kanyang pinakamataas na prayoridad. "Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo. Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo, at ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya: Upang makilala ko siya, at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay" (Filipos 3:7-10). Ang paglalaro ba ng video games ay nagpapakita ng aking pag-ibig sa Diyos o sa aking pag-ibig sa mga bagay sa mundo? (1 Juan 1:15-17).

9. Ang paglalaro ba ng video games ay magbibigay sa akin ng pananaw para sa walang hanggan? Ang mga Kristiyano ay may pag-sa ng walang hanggang gantimpala sa langit kung magiging tapat sila sa Panginoon dito sa lupa (Mateo 6:19-21; 1 Corinto 3:11-16). Kung pagtutuunan natin ng pansin ang buhay sa walang hanggan ng kaysa sa mga bagay na lumilipas dito sa mundo, isinusuko natin ang ating mga tinatangkilik, panahon at ang ating puso sa ministeryo (Colosas 3:1-2; 23-24). Kung ang ating mga tinatangkilik at mga atktibidad ang nagiging dahilan upang mawala ang ating mga gantimpala sa walang hanggan, gaano ba sila kahalaga (Lukas 12:33-37)? Malimit na sinusubukan ng mga Kristiyano na maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kanilang sariling mga naisin. Ngunit sinabi ni Hesus, "walang makapaglilingkod ng sabay sa dalawng panginoon" (Mateo 6:24). Binigyan tayo ng Diyos ng kalagakan sa pamamagitan ng ating trabaho at pagpapahinga (Mangangaral 5:19; Mateo 11:28-29; Colosas 3:23-24). Kailangan nating hanapin ang balanse sa pagitan ng pagtatrabaho at paglilibang. Kung magtatabi tayo ng panahon para sa paglilibang gaya ng ginawa ng Panginoong Hesu Kristo (Markos 6:31), kailangan nating pumili na isang libangan na makapagpapatibay sa ating pananampalataya.

Ang tanong ay hindi, "maari ba akong maglaro ng video games?" kundi "Ang paglalaro ba ng video games ang pinakamabuting bagay?" Makapagpapatibay ba ito sa akin, magpapakita ng aking pag-ibig sa aking kapwa, at makaluluwalhati ba ito sa Diyos? Nararapat tayong maggugol ng panahon sa mga makabuluhang bagay hindi lamang sa mga bagay o gawain na maaaring gawin. Saan ka man Niya dalhin, sundin mo siya ng buong sikap ng higit sa lahat. Maghanda ka sa walang hanggan. Ang bawat pagpapakasakit ay magiging balewala kung makaharap mo na si Kristo Hesus.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Dapat bang maglaro ang mga Kristiyano ng video games?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries