Tanong
Ano ang sinasabi ng Biblia patungkol sa pagiging isang Kristyanong ina?
Sagot
Ang pagiging ina ay isang napakahalagang tungkulin na ibinigay ng Diyos sa maraming mga kababaihan. Iniuutos sa Kristiyanong ina na mahalin niya ang kaniyang mga anak (Titus 2:4-5) upang hindi siya maging dahilan ng katitisuran sa kanyang mga anak at maging dahilan sa paglaban nila sa Panginoon at sa Tagapaligtas, at masira ang pangalang kanilang dinadala bilang mga kristiyano.
Ang mga anak ay kaloob mula sa Panginoon (Awit 127:3-5). Sa Titus 2:4 na ang kahulugan ng salitang philoktenos sa wikang Griego ay isang inang umiibig sa kanyang mga anak. Nagpapahayag ang salitang ito ng natatanging uri ng "pag-ibig ng ina." Ang ideya ng salitang ito ay ang pag aalaga sa mga anak, pagpapalaki, pagyakap ng may pagmamahal, pagtugon sa kanilang pangangailangan, at masuyong pakikipagkaibigan sa bawat isa sa kanila bilang katangi-tanging kaloob mula sa Diyos.
May ilang mga bagay na ipinag-uutos sa mga Kristiyanong ina mula sa Salita ng Diyos.
Palagi siya sa tabi ng kanyang mga anak - sa umaga, tanghali at gabi (Deuteronomio 6:6-7)
Kasa-kasama - nakikipag-ugnayan, nakikipag-talakayan, nag-iisip, at kasamang gumagawa ng pamamaraan para mabuhay (Efeso 6:4)
Pagtuturo - ng Banal na Kasulatan at ng maka Bibliyang pananaw. (Awit 78: 5-6; Deuteronomio 4:10; Efeso 6:4)
Pagsasanay - paglinang sa kakayahan ng kanilang mga anak upang matuklasan ang kanilang mga kalakasan (Kawikaan 22:6) at mga espirtiwal na kaloob. (Roma 12:3-8 at 1 Corinto 12)
Pagdidisiplina "pagtuturo ng pagkatakot sa Panginoon, paglalagay ng hangganan ng may buong pagmamahal at katatagan (Efeso6:4; Hebreo 12:5-11; Kawikaan 13:24; 19:18 22:15; 23:13-14; 29:15-17)
Pagpapalaki- pagbibigay ng isang malayang kapaligiran, na may kalayaang magkamali, may pagtanggap, pagmamahal at pag-ibig na walang kundisyon (Tito 2:4-2; 2Timoteo 1:7; Efeso 4:29-32; 5:1-12; Galacia 5:22; 1 Pedro 3:8-9)
Pagiging mabuitng halimbawa - ipinamumuhay ang sinasabi, maging isang halimbawa na nakakahawa sa mga anak upang sila magkaroon ng maka-Diyos na pamumuhay. (Deuteronomos 4:9, 15, 23; Kawikaan 10:9; 11:3; Awit 37:18, 37)
Hindi binanggit sa Biblia na ang bawat babae ay kailangang maging ina. Gayon man, sinasabi ng Bibliya na yaong pinagpala ng Panginoon para maging ina ay dapat gawin ang kanyang katungkulan ng buong kahusayan. Ang mga ina ay may natatangi at napakahalagang tungkulin sa buhay ng kanilang mga anak. Ang pagiging ina ay hindi lang isang gawaing bahay o isang nakayayamot na tungkulin. Katulad ng pagdadala ng ina sa kanyang anak sa kanyang pagbubuntis at kung paano pinasuso at inaalagaan niya ang anak noong ito ay sanggol pa, ang ina ay patuloy na gumaganap ang kanyang tungkulin sa buhay ng kaniyang mga anak, sa lahat ng panahon mula sa kanilang pagkabata hanggang sa kanilang pagtanda. Habang ang tungkuling ginagampanan ng ina ay nagbabago ayon sa hinihingi ng sitwasyon, ang pagmamahal, pag-aaruga, pagtuturo at pagpapalakas ng loob na ibinibigay ng ina ay hindi natatapos.
English
Ano ang sinasabi ng Biblia patungkol sa pagiging isang Kristyanong ina?