settings icon
share icon
Tanong

Maaari bang magkaroon ang isang Kristiyano ng kasama sa buhay ng walang legal na kasal?

Sagot

May ilang bagay na dapat isaalang-alang sa tanong na ito. Una sa lahat, hayaan munang linawin natin ang salitang "Kristiyano." Maraming tao ang nag-aakalang sila ay Kristiyano dahil lamang sa hindi sila kaanib ng anumang ibang relihiyon. Pumupunta sila sa simbahan at sumasang-ayon sa karamihan ng sinasabi ng Bibliya. Gayunman, itinuturo ng Bibliya na ang isang Kristiyano ay isang alagad o tagasunod ng Panginoong Hesu Kristo (Gawa 11:26). Ang isang Kristiyano ay isang taong sumasampalataya sa kamatayan, paglilibing, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesu Kristo bilang kabayaran sa kanyang sariling kasalanan (Juan 1:12; Gawa 16:31). Ang isang alagad ni Kristo ay pinili na "tumanggi sa kanyang sarili, dalhin ang kanyang krus araw-araw at sumunod kay Jesus (Lucas 9:23). Kaya't anuman ang sinasabi sa kanya ni Jesus na kanyang gagawin sa pamamagitan ng Kanyang Salita, sinusubukan ng isang Kristiyano na gawin iyon. Hindi tayo naging mga Kristiyano sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting bagay; ngunit, dahil tayo ay mga Kristiyano, nais nating sundin si Jesus sa lahat ng mga bagay (Efeso 2:8-9; Santiago 2:26). Sa Juan 15:14, sinabi ni Jesus, "Kayo ay aking mga kaibigan kung gagawin ninyo ang mga utos ko."

Kaya ang isang Kristiyano ay gumagawa ng mga desisyon sa buhay batay sa kung ano ang nagbibigay ng kaluwalhatian kay Jesus (1 Corinto 10:31). Mas mabuti kaysa sa tanong kung ang isang sitwasyon ay "maaari" ay ang tanong na "Paano nito igagalang ang aking Panginoon?" Nilikha ng Diyos ang kasal, at ang Kanyang pakahulugan dito ang dapat nating gamitin bilang ating pundasyon. Inilalarawan ng Diyos ang kasal bilang isang panghabambuhay na relasyon kung saan ang isang lalake ay iniiwan ang kanyang ama at ina at nakikipagkaisa sa kanyang asawa. Ang dalawa ay naging "isang laman," at ang pagkakaisa ay hindi dapat mawala dahil sa kalooban ng tao (Genesis 2:24; Marcos 10:7-9; Efeso 5:31). Sinasabi sa Malakias 2:14 na isa sa mga dahilan kung bakit kinamumuhian ng Diyos ang diborsyo ay dahil Siya ang saksi sa oras ng panunumpa ng mag-asawa sa isa’t isa. Sa Bibliya, ang kasal ay ang pagkakaisa ng isang lalake at isang babae sa isang espiritwal at pisikal na tipan na pang habambuhay. Ang pagkakaisang ito ang dahilan para sa pagdiriwang at nararapat na igalang.

May ilang mga magasawa ngayon, lalo na sa mga nakatatanda ang nais na magsama bilang mga mag-asawang "kasal" nang hindi opisyal na ikinasal. Madalas na ito ay ginagawa para sa ilang inaakalang pakinabang sa pinansiyal o pakiramdam ng kahit na ano. Ang ilang mga mag-asawang ito ay sumasailalim sa isang seremonyang pangrelihiyon sa simbahan at iniisip na ang kanilang sarili bilang mag asawang nakatakda na para sa Diyos. Gayunman, ang isang mag-asawang naghahanap ng "espiritwal na kasal" habang iniiwasan ang legal na kasal ay naghahangad na takasan ang mga hinihingi ng batas at iyon ay nagdudulot ng bagong problema para sa mga Kristiyano (Roma 13:1-7). Kung ang mag-asawa ay naniniwala na kalooban ng Diyos na sila ay magsama, dapat silang magpakasal ayon sa mga batas sa lupa, at magtiwala sa Diyos para sa kanilang pinansyal.

Walang batayan sa Kasulatan para sa pagsasama ng hindi ikinakasal, kahit na ang dalawang sangkot ay may hangaring maging iisa lang ang kakasamahin habambuhay. Ang mga hangarin ay nabibigo, at nagiging mas madali ang paghihiwalay kung walang tunay na kasal. Kung walang tunay na kasal, ang relasyong sekswal ay imoral at itinuturing na kasalanan sa Kasulatan (Galacia 5:19; Efeso 5:3; 1 Tesalonica 4:2). Ang terminong "kasama sa buhay" ay hindi tiyak ang kahulugan at isang kwestyonableng pagsasanay. Ipinahihiwatig nito na ang relasyon ay hindi opisyal o moral na pinagtibay at ito ay maaaring hindi magtatagal. Ito ay hindi sumasang-ayon sa tipan na nilikha ng Diyos na dapat na ang kasal ay para sa kaparehong Kristiyano at ito nagdadala ng pagdududa sa tao sa kanilang pagiging Kristiyano at sa huli, sa reputasyon ni Kristo. Ang sinumang mag-asawang Kristiyano na nag-iisip ng isang "habambuhay na pagsasama" ay dapat na magtanong: "Paano nito winawalang-bahala ang tradisyonal na kasal na nagbibigay ng kaluwalhatian sa Panginoong Hesus?”

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries