settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa mga Kristiyanong ama?

Sagot


Ito ang pinaka-dakilang kautusan sa Banal na Kasulatan: "Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos ng buong puso, buong kaluluwa at lakas." (Deutronomio 6:5). Kung babalikan natin ang Deuteronomio 6:2, mababasa natin - Ang mga ito'y ibinigay sa inyo ni Yahweh sa inyong mga anak at sa mga susunod na salinlahi upang magkaroon kayo ng takot sa kanya. Kung ito'y susundin ninyo hahaba ang inyong buhay." Pagkatapos sinabi naman sa Deuteronomio 6:5, "Ituro rin ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga." (vv.6-7)

Ipinahahayag sa kasaysayan ng mga Israelita na ang mga ama ay dapat na maging masipag sa pagtuturo sa kanilang mga anak ng mga salita ng Diyos para sa kanilang espiritual na paglago at kagalingan. Tinutupad ito ng isang ama na sumusunod sa mga kautusan ng Banal na Kasulatan. Sinasabi sa atin ng Kawikaan 22:6, "Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki"y di niya ito malilimutan." Ang "pagtuturo" ay ang siyang unang gawain ng ama at ina sa kanilang anak katulad ito sa kanyang maagang pag-aaral. Ang pagtuturo ay iniutos upang ipaliwanag sa mga bata ang tamang paraan sa buhay ayon sa kalooban ng Diyos. Ang pagsisimula ng maagang edukasyon para sa mga bata na tulad nito ay napakahalaga.

Ang Efeso 6:4 ay buod ng mga katuruan para sa ama, na inilahad sa pamamagitan ng negatibo at positibong pamamaraan. "Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon." Ang negatibong bahagi ng talatang ito ay sinasabi hindi dapat gumawa ng anumang ikagagalit ng kanilang mga anak gaya ng sobrang kahigpitan, kawalan ng katarungan, pagtatangi o pagamit ng ng kapangyarihan sa maling pamamaraan at lugar. Ang masasakit na salita at hindi makatwirang pag-uugali sa harap ng isang bata ay magdudulot lamang ng kasamaan sa kanyang puso. Ang salitang "pagpapagalit" ay nangangahulugang "inisin, galitin, yamutin sa maling paraan, o udyukang magalit. Nagagawa ito sa sobrang paghihigpit, hindi makatwirang pagdidisiplina, kabagsikan, pagbanggit ng masasakit na salita, mga mahigpit na kahilingan, hindi makatarungang pagbabawal at pagpipilit na masunod ang kagustuhan sa paggamit ng kapangyarihan. Ang mga gayong pagpapagalit ay umaani ng mga negatibong reaksyon, kumikitil ng pagmamahal ng isang bata, nagbabawas ng kanilang pagnanais para sa kabanalan at nagdudulot sa kanila ng maling kaisipan na marahil ay hindi nila mabibigyang lugod ang kanilang mga magulang. Ang matalinong magulang ay naghahanap ng pamamaraan kung paano gagawing kanais-nais ang pagdidisiplina at gawin ito ng may pag-ibig at kahinahunan.

Ang positibong bahagi ng Efeso 6:4 ay ang mga sumusuonod na hamon sa mga ama - turuan sila, palakihin sila, hubugin ang kanilang pag-uugali sa lahat ng bahagi ng kanilang buhay sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo at pagpapaalala ng Salita ng Panginoon. Ito ang pamamaraan ng pagtuturo at pagdidisiplina. Ang salitang "pagpapaalala" ay may ideya ng pagpapaliwanag sa bata ng kanyang mga kamalian at mga tungkulin sa maayos na pamamaraan.

Ang Kristiyanong ama ay kasangkapan sa kamay ng Diyos. Ang buong proseso ng pagtuturo at pagdidisiplina ay dapat na naaayon sa mga pinag-uutos ng Diyos upang ang Kanyang kapangyarihan at kabanalan ay mapanatili sa isipan, puso at damdamin ng mga bata sa tuwina. Ang ama dito sa lupa ay hindi dapat ipalagay ang kanyang sarili na pinaka-makapangyarihan kundi ang Diyos na pinagkukunan ng lahat ng kaalaman.

Sabi ni Martin Luther, "Ilagay mo ang mansanas sa tabi ng pamalo bago mo ibigay sa bata bilang regalo." Ang pagdidisiplina ay dapat na ginagawa na may pag iingat at pagtuturo na may kalakip na panalangin. Ang pagtutuwid, pagdidisiplina, at pagpapayo ayon sa Salita ng Diyos, pagtutuwid, pagtatama ng maling gawa at paghimok ay siyang buod ng salitang "pagpapaalala." Ang mga pagtuturo tungkol sa Panginoon ay natututunan sa Kristianong tahanan, at pinamamahalaan ng mga magulang- unang-una na ng ama, gayon din naman, sa ilalim ng kanyang pamamahala, ng ina ng tahanan. Ang pagdidisiplinang Kristiyano ay kinakailangan upang lumaki ang mga bata ng may pagkatakot sa Diyos, may paggalang sa magulang, may kaalaman sa mga pamantayang Kristiyano at may pagpipigil sa sarili.

"Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay." (2 Timothy 3:16-17). Ang unang responsibilidad ng ama ay sanayin ang kanyang mga anak sa Banal na Kasulatan. Ang mga pamamaraan na maaring gamitin ng mga ama sa pagtuturo ng katotohanan tungkol ng Diyos ay maaaring magkaka-iba. Habang ang ama ay nagiging tapat na halimbawa , natututunan ng mga bata ang mga panuntunan mula sa Diyos na magiging kapaki -paknabang sa kanila habang sila ay nabubuhay dito sa lupa anuman ang kanilang ginagawa o saan man sila patutungo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa mga Kristiyanong ama?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries