Tanong
Ano ang Mahal na Araw / Biyernes Santo?
Sagot
Ang Mahal na Araw o tinatawag ding Biyernes Santo ay ang Biyernes bago ang Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay ang araw kung kailan ipinako si Hesus na ipinagdiriwang ayon sa nakaugalian. Kung interesado ka na malaman ang tungkol sa bagay na ito, maaari mong basahin ang aming mga artikulo na tumatalakay sa iba't ibang paniniwala kung anong araw ba talaga ipinako si Hesus. Ipagpalagay natin na ipinako at namatay si Hesus sa araw ng Biyernes, kailangan bang alalahanin ng mga Kristiyano ang ang kamatayan ni Hesus sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Mahal na Araw o Biyernes Santo?
Hindi itinuturo ng Bibliya na alalahanin ang kamatayan ni Hesus sa pamamagitan ng pagdiriwang nito sa isang natatanging araw. Binibigyan tayo ng Bibliya ng kalayaan sa bagay na ito. Sinasabi sa atin ng Roma 14:5, "May mga taong naniniwala na mas mahalaga ang isang araw kaysa sa ibang araw. May tao namang pare pareho lang sa kanya ang lahat ng araw. Ang bawat isa'y magpasya sa kanyang sarili tungkol sa bagay na iyan." Sa halip na gunitain ang kamatayan ni Hesus sa isang partikular na araw, isang beses sa isang taon, itinuturo sa atin ng Bibliya na dapat nating alalahanin ang kamatayan ni Hesus sa pamamagitan ng Huling Hapunan. Idineklara sa 1 Corinto 11:24-26, "...gawin ninyo ito bilang pagalaala sa Akin..sapagkat sa tuwing kakain kayo ng tinapay at iinom sa sarong ito, ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa Kanyang muling pagbabalik."
Bakit tinatawag ang Biyernes na ito na "Mahal"? Ang ginawa ng mga pinunong Hudyo at mga Romano kay Hesus ay tunay na hindi kaibig-ibig (tingnan ang Mateo kabanata 26-27). Gayunman ang resulta ng kamatayan ni Hesus ang kaibig-ibig! Sinasabi sa Roma 5:8, "Ngunit ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin sa ganitong paraan: namatay si Kristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa." Sinasabi sa atin sa 1 Pedro 3:8, "Sapagkat si Kristo nga'y pinatay kahit wala Siyang nagawang masama, at minsan lamang Siyang namatay upang mabayaran ang mga kasalanan natin...Pinatay Siya sa laman ngunit binuhay Siya sa espiritu."
Maraming Kristiyanong iglesya ang nagdiriwang ng Mahal na Araw sa pamamagitan ng isang natatanging gawain, kalimitan ay sa gabi, kung saan inaalala nila ang kamatayan ni Hesus sa pamamagitan ng mga malumanay na awit, panalangin ng pasasalamat, isang mensahe na nakasentro sa pagdurusa ni Kristo alang alang sa atin at sa pagsasalu salo sa Huling Hapunan. Kung piliin man o hindi ng isang Kristiyano na magdiwang ng Biyernes Santo, ang mga pangyayari sa araw na iyon ay dapat na makintal sa ating mga puso at isip dahil ang kamatayan ni Hesus ang pinakamahalagang pangyayari sa pananampalatayang Kristiyano.
Kung nais mong malaman kung bakit nagbunga ng mga "kaibig ibig" na mga bagay ang kamatayan ni Hesus, pakibasahin lamang ang aming artikulo na may pamagat na "Ano ang ibig sabihin ng pagtanggap kay Jesus bilang personal na Tagapagligtas?
English
Ano ang Mahal na Araw / Biyernes Santo?