settings icon
share icon
Tanong

Ano ang Miyerkules ng Abo?

Sagot


Ang "opisyal" na tawag sa Miyerkules ng Abo ay "Araw ng mga Abo." Ang dahilan kung bakit ito tinawag na Miyerkules ng abo ay sa dahilang lagi itong natatapat sa araw ng Miyerkules, apatnapung araw bago ang "Mahal na Araw." Hindi binabanggit sa Bibliya ang "Miyerkules ng Abo" o "Araw ng mga Abo."

Ang buong Kwaresma ay nakatalaga para sa pagtitika at pagiwas sa paggawa ng mga makasalanang aktibidad. Ang "Miyerkules ng Abo" ang pasimula ng panahong ito ng pagtitika sa kasalanan. Naglalaman ang Bibliya ng napakaraming tala kung saan gumagamit ang mga tao ng "alikabok" at "abo" bilang simbolo ng kanilang pagsisisi o pagluluksa (Genesis 18:27; 2 Samuel 13:19; Esther 4:1; Job 2:8; Daniel 9:3; Mateo 11:21). Ayon sa tradisyon, ang simbolo diumano ng krus ay gawa sa abo na ipinapahid sa noo ng tao bilang simbolo ng pakikiisa sa paghihirap ni Kristo. Binanggit din ang parehong konsepto sa Pahayag 7:3; 9:4; 14:1 at 22:4.

Nararapat ba na ang mga Kristiyano ay magdiwang ng Miyerkules ng abo? Ang Miyerkules ng abo, maging ang Kwaresma ay ginaganap ng karamihan sa mga Romano Katoliko, mga denominasyong Orthodox at maging ng ilang denominasyong Protestante. Dahil hindi iniuutos o kinukundena saan man sa Bibliya ang gawaing ito, ang isang Kristiyano ay kinakailangang manalangin bago magdesisyon kung isasagawa ba niya o hindi ang gawaing ito. Kung nararamdaman ng isang Kristiyano na kinakailangan niyang magobserba ng Miyerkules ng Abo o ng Kwaresma - ang mahalaga ay gawin niya ito ayon sa perspektibo ng Bibliya. Isang magandang bagay ang magisisi at tumigil sa sa paggawa ng kasalanan. Isang magandang bagay na ipakita sa iba ang pagiging Kristiyano. Ngunit hindi ayon sa katuruan sa Bibliya ang paniniwala na pagpapalain ng Diyos ang isang Kristiyano dahilan sa pagganap ng isang ritwal. And Diyos ay interesado sa nilalaman ng ating puso, hindi sa pagsasakatuparan natin ng anumang ritwal. Tingnan din ang Mateo kabanata 6, talata 1 hanggang 8.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang Miyerkules ng Abo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries