settings icon
share icon
Tanong

Papaano ako mananalangin na tutugunin ng Diyos?

Sagot


Maraming tao ang naniniwala na ang panalangin na dinirinig ng Diyos ay ang mga kahilingan na ipinagkaloob na sa kanila. Kung ang kahilingan ay hindi ibinigay ng Diyos, inaakala ng iba na ang panalanging iyon ay "hindi dininig" ng Diyos. Ngunit ito ay maling pang-unawa sa panalangin. Ang Diyos ay tiyak na dinirinig ang bawa't panalangin na idinudulog sa Kanya. Kung minsan nga lamang ang tugon ng Diyos ay "hindi" o kaya naman ay "maghintay." Nangako ang Diyos na gagawin Niya ang ating mga idinalangin kung ang mga ito ay ayon sa Kanyang kalooban. "Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya, sapagkat alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin na naaayon sa kanyang kalooban. Yamang alam nating dinirinig nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang hinihiling natin sa kanya" 1 Sulat ni Juan 5:14-15.

Ano ang ibig sabihin ng pananalangin ayon sa kalooban ng Diyos? Ang pananalangin ayon sa kalooban ng Diyos ay paghingi ng mga bagay na magbibigay ng karangalan at kaluwalhatian sa Diyos o di kaya ay panalangin para sa mga bagay na malinaw na kalooban ng Diyos ayon sa nakasulat sa Bibliya. Kung tayo ay mananalangin para sa isang bagay na hindi magbibigay ng karangalan sa Diyos o di kaya nama'y hindi ayon sa kalooban ng Diyos para sa ating buhay, hindi ipagkakaloob ng Diyos ang ating kahilingan. Papaano natin malalaman ang kalooban ng Diyos? Ipinangako sa atin ng Diyos na bibigyan tayo ng karunungan kung ito ay ating hihingin sa Kaniya. Sinabi sa Santiago 1:5, "Ngunit kung kulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan; sapagkat ang Diyos ay saganang magbigay at di nanunumbat." Ang magandang lugar para mag-umpisa ay sa unang sulat sa Mga Taga Tesalonica 5:12-24, ipinaliliwanag nito sa atin kung ano ang kalooban ng Diyos sa ating buhay. Kapag mas nauunawaan natin ang Salita ng Diyos, atin ding malalaman kung ano ang ating dapat na ipanalangin (Juan 15:7). Kung mas malawak ang ating kaalaman sa mga bagay na dapat nating ipanalangin ayon sa kalooban ng Diyos, ay makakaasa tayo na ang Diyos ay sasagot ng "oo" sa ating mga kahilingan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang panalangin na dinirinig ng Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries