settings icon
share icon
Tanong

Ano ang tinatawag na Q gospel o Ebanghelyong Q? May kahit anong ebidensya ba para sa Ebanghelyong ito?

Sagot


Nanggaling ang titulong Ebanghelyong “Q” mula sa salitang Aleman na quelle na ang ibig sabihin ay "pinanggalingan." Ang buong ideya ng isang Q gospel ay base sa konsepto na ang mga sinoptikong (magkakatulad) Ebanghelyo (Mateo, Markos, at Lukas) ay parehong pareho at maaaring nagkopyahan sila sa isa’t isa o kinopya nila ang kanilang mga isinulat sa iisang aklat. Ang pinanggalingang ito ay binigyan ng pangalang "Q." Sa esensya, ang pinakamalakas na argumento para sa pagkakaroon ng Ebanghelyong “Q” ay ang mga sumusunod: (1) Ang mga Ebanghelyo nina Mateo, Markos, at Lukas ay isinulat pagkatapos ng AD 70 at dahil dito hindi sila maaaring sina Apostol Mateo, Juan Markos, o doktor na si Lukas ang sumulat sa kanila. (2) Dahil ang mga manunulat ng mga Ebanghelyo ay hindi mga unang saksi, gumamit sila ng ibang aklat na kanilang pinagkunan ng impormasyon. (3) Dahil ang Markos ang pinakamaiksi sa mga Ebanghelyo, at mas pinakakonti ang orihinal na materyales, ang Ebanghelyo ni Markos ang unang naisulat at ginamit nina Mateo at Lukas ang kanyang aklat para pagkunan ng impormasyon. (4) Dahil napakaraming pagkakahawig sa mga sinulat nina Mateo at Lukas na hindi nabanggit sa aklat ni Markos, may iba pang aklat na ginamit sina Mateo at Lukas para pagkunan ng impormasyon. (5) Ang aklat na pinagmulan ng kanilang impormasyon ang Q, na maaaring isang koleksyon ng mga pananalita ni Jesus na kapareho ng Ebanghelyo ni Tomas.

Sa pagsasalang-alang sa posibilidad ng isang Ebanghelyong Q, mahalagang tandaan na walang kahit anong ebidensya na natagpuan para sa pag-iral ng Ebanghelyong ito. Walang kahit isang kapiraso ng manuskrito ng Ebanghelyong Q ang natagpuan. Wala kahit isa sa mga tema ng iglesya ang bumanggit na nagkaroon ng isang Ebanghelyong Q. Ikalawa, may malakas na ebidensya na ang mga Ebanghelyo nina Mateo, Markos, at Lukas ay isinulat sa pagitan ng AD 50 at 65, hindi pagkatapos ng AD 70. Marami sa mga naunang ama ng iglesya ang naniniwala na isinulat nina Apostol Mateo, Juan Markos, at doktor na si Lukas ang kanilang Ebanghelyo. Ikatlo, dahil ang mga Ebanghelyo ay isinulat nina Mateo, Markos, at Lukas, isinulat sila ng mga aktwal na saksi ni Jesus at/o malalapit na kasama ni Jesus. Kaya nga, natural na dapat nating asahan na magkakaroon ng maraming pagkakatulad sa kanilang isinulat. Kung ang tala sa mga Ebanghelyo ay mga aktwal na salita na sinabi ni Jesus, dapat nating asahan na iuulat ng mga saksi ang mga aktwal na sinabi ni Jesus at tiyak na ang kanilang isusulat ay magkakapareho.

Panghuli, walang mali sa ideya na gamitin ng mga manunulat ng Ebanghelyo ang sulat ng isa’t isa para pagmulan ng kanilang impormasyon. Sinasabi ni Lukas sa unang kabanata ng kanyang Ebanghelyo na may pinagkunan siya ng mga impormasyon. Posible na ginamit nina Mateo at Lukas ang aklat ni Markos. Posible din na may iba pa silang aklat na ginamit bilang karagdagan sa aklat ni Markos. Ang posibleng paggamit sa isang Ebanghelyong "Q" ay hindi dahilan para tanggihan ang konsepto ng pagkasi ng Diyos sa Ebanghelyo. Ang paggamit ng ibang pinagkunan ng impormasyon na nilalaman ang mga katuruan ni Jesus ay hindi nakakaapekto sa pagkasi ng Diyos sa Bibliya. Ang dahilan kung bakit dapat tanggihan ang Ebanghelyong "Q" ay ang proposisyon ng nakararaming tagapagsulong ng Q gospel–na ang mga Ebanghelyo ay hindi kinasihan ng Diyos.

Ang higit na nakakaraming nagsusulong ng konsepto ng Q gospel ay hindi naniniwala na ang Bibliya ay kinasihan (hiningahan ng Diyos). Higit na nakakaraming tagapagsulong ng Q ang hindi naniniwala na ang mga Ebanghelyo ay isinulat mismo ng mga apostol at ng kanilang malapit na mga kasama, o ang mga Ebanghelyo ay nasulat sa panahon ng henerasyon ng mga apostol. Hindi sila naniniwala na posibleng dalawa o tatlong manunulat ang gagamit ng parehong mga pananalita ng hindi ginagamit ang sulat ng bawat isa upang pagkunan ng impormasyon. Ang krusyal ay tinatanggihan ng nakakaraming nagsusulong ng Q ang inspirasyon ng Banal na Espiritu na tumulong sa mga manunulat ng Ebanghelyo para walang pagkakamaling maitala ang mga pananalita at mga gawa ni Jesu Cristo. Muli, hindi problema ang paggamit ng isang "Q". Ang problema ay ang dahilan kung bakit naniniwala ang nakararaming nagsusulong nito na ginamit ng mga manunulat ng Ebanghelyo ang isang Q at ito ay dahil sa kanilang pagtanggi sa pagkasi ng Diyos sa Kasulatan (Mateo 5:18; 24:35; Juan 10:35; 16:12–13; 17:17; 1 Corinto 2:13; 2 Timoteo 3:15–17; Hebreo 4:12; 2 Pedro 1:20–21).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang tinatawag na Q gospel o Ebanghelyong Q? May kahit anong ebidensya ba para sa Ebanghelyong ito?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries