settings icon
share icon
Tanong

Ano ang Talmud?

Sagot


Ang salitang “Talmud” ay isang salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay “kaalaman, pagtuturo.” Ang Talmud ang pangunahing kasulatan ng kilalang Judaismo at pangunahing kinapapalooban ng mga diskusyon at komentaryo sa kasaysayan ng mga Judio, kautusan (lalo’t higit ang praktikal na aplikasyon nito sa buhay), mga kaugalian, at kultura. Ang Talmud ay binubuo ng kilala sa tawag na Gemara at Mishnah.

Bilang karagdagan sa mga kinasihang kasulatang Hebreo, na tinatawag ng mga Kristiyano na Lumang Tipan. Ang Judaismo ay may “binibigkas na Torah” na isang tradisyon na ipinapaliwanag kung ano ang kahulugan ng mga kasulatan at kung paano ang mga iyon uunawain at isasapamuhay. Naniniwala ang mga Judiong Orthodox na itinuro ng Diyos ang “binibigkas na Torah” kay Moises at sa iba pa, hanggang sa kasalukuyan. Pinanatili ang tradisyong ito sa anyo ng pagbigkas lamang hanggang sa humigit kumulang ikalawang siglo AD, noong ang binibigkas na kautusan ay tinipon at isinulat sa isang dokumento na tinatawag na Mishnah. Sa pagdaan ng ilang siglo, isinulat din ang mga karagdagang komentaryo sa Jerusalem at Babilonia na ipinapaliwanag ang Mishnah. Ang mga karagdagang komentaryong ito ay tinatawag na Gemara. Ang magkasamang Gemara at Mishnah ay tinatawag na Talmud. Ito ay nakumpleto noong ikalimang siglo AD.

Sa aktwal ay may dalawang Talmud: Ang Jerusalem Talmud at ang Babylonian Talmud. Mas komprehensibo o malawak ang Babylonian Talmud, at ito ang tinutukoy ng nakararami kung sinasabi nila ang salitang "ang Talmud" ng hindi binabanggit kung alin sa dalawa ang kanilang tinutukoy. Hindi medaling basahin ang Talmud. Laging may mga puwang sa pangangatwiran kung saan ipinagpapalagay na alam mo na ang iyong sinasabi at ang mga konsepto ay laging ipinapaliwanag sa maiiksing salita. Ang mga talata sa Bibliya na sumusuporta sa isang katuruan ay laging binabanggit sa pamamagitan lamang ng dalawa o talong salita. Iniingatan ng Talmud ang iba’t ibang pananaw sa bawat isyu at hindi laging malinaw na ipinapakita kung aling pananaw ang tinatanggap.

Hindi kinikilala ng Kristiyanismo na kinasihan ng Diyos ang Talmud na katulad ng 66 na aklat ng canon ng Bibliya na “hiningahan ng Diyos” (2 Timoteo 3:16). Habang ang ilan sa mga katuruan mula sa Talmud ay sang-ayon sa mga katuruan ng Bibliya, masasabi din ito sa ibang mga kasulatan mula sa maraming iba’t ibang relihiyon. Para sa mga Kristiyano, ang pagaaral ng Talmud ay maaaring maging isang magandang paraan para matutuhan ang mga tradisyon, kasaysayan, at interpretasyon ng mga Judio, ngunit ang Talmud ay hindi maituturing na may awtoridad na Salita ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang Talmud?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries