settings icon
share icon
Tanong

Kailangan ba nating tumayo habang nagbabasa ng Bibliya?

Sagot


Sa Nehemias 8:5, tinipon at hinimok ng paring si Ezra ang mga tao na muling nagtayo ng pader ng Jerusalem para sa pagbabasa ng “Banal na Kasulatan:” “Binuksan ni Ezra ang aklat” habang nakikita siya ng lahat dahil mataas ang kanyang kinatatayuan; at nang sandaling buksan niya ito, “tumayo lahat ng tao.” Ang ilang Iglesya ngayon ay sumusunod sa ganitong tradisyon at itinuturo na tayo ay dapat tumayo kapag binabasa ang Salita ng Diyos.

Ang pagtayo habang nakikinig sa pagbabasa ng Bibliya ay isang pagpapakita ng paggalang sa Salita ng Diyos. Gayunman, walang nakasulat sa Bibliya na naguutos sa mga tao na dapat tumayo kapag binabasa ang Banal na Kasulatan. Sa katunayan, si Ezra ay hindi nagbasa ng Bibliya sa loob ng Bahay Sambahan. Si Ezra ay nagbasa ng Torah mula sa isang entablado sa labas sa Jerusalem sa isang minsan lang na pangyayari daang taon na ang nakalipas bago magsimula ang pananambahan (tingnan ang Gawa 2). Bagama’t maraming positibong prinsipyo na maaaring mapulot sa talatang ito, walang tahasang utos para ulitin ang gawaing ito sa kasalukuyang paraan ng pananambahan sa loob ng iglesya.

Sa karagdagan, ang pagtayo habang nagbabasa ng Bibliya sa aklat ni Nehemias ay hindi nagtagal. Ang sumunod na talata ay nagsabi na, “Si Ezra ay nagpuri sa Panginoon, ang Dakilang Diyos; at ang lahat ay nagtaas ng kamay at nagsabi ng, ‘Amen! Amen!’ at nagsiyuko din sila at sumamba sa Panginoon. (Nehemias 8:6)

Sinasabi din sa mga talatang 7-8 na, “Ang mga Levita ay nagpaliwanag ng Kautusan ng Diyos habang nakatayo ang mga tao. Nagbasa sila mula sa Kautusan ng Diyos, ipinaliwanag ang mga kahulugan upang maunawaan ng mga tao ang kanilang binasa.” Tinulungan ng mga Levita na maisalin ang mga utos sa wika na nauunawaan ng mga tao sa Jerusalem.

Ang Nehemias 8:12 ay nagsasabi na noong araw na nagbasa si Ezra ng Kasulatan ay panahon ng pagdiriwang: “At umuwi ang mga tao upang kumain at uminom, binahagihan ang walang pagkain at nagdiwang na puno ng kagalakan, sapagkat naunawaan nila ang ipinaliwanag sa kanila.” Katulad ng nabanggit sa Awit 119:162, “Nagagalak ako sa Iyong Salita katulad ko ay taong nakatuklas ng kayamanan.”

Sa pakikinig ng Salita ng Diyos, nalaman ng mga Israelita ang tungkol sa mga Pista ng Tabernakulo. Pinili nila na ipagdiwang ito sa kauna-unahang pagkakataon mula ng sila ay magbalik sa Jerusalem. Ang Pista ay tumagal ng pitong araw na sinundan ng sagradong araw ng pamamahinga.

Katulad ng lipi ni Juda noong panahon ni Ezra, tayo ay dapat na nagpapakita ng paggalang para sa Salita ng Diyos. Ang pagtayo habang nagbabasa nito ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang, bagama’t marami pang ibang paraan. Ang pinakamahusay na paraan sa pagpapakita ng paggalang sa Salita ng Diyos ay pakinggan at isapuso ang mga ito at hayaang baguhin nito ang ating mga buhay “Ang banal Mong Kautusan sa puso ko ay iingatan upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman” (Awit 119:11).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kailangan ba nating tumayo habang nagbabasa ng Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries