Tanong
Ano ang teorya ng abiogenesis? Ano ang kahulugan ng abiogenesis?
Sagot
Ang Abiogenesis ay ang ideya na ang buhay ay nagmula sa mga bagay na walang buhay. Lumawak pa ang konseptong ito habang lumalaki ang kaalaman ng tao sa siyensya, ngunit may pagkakatulad ang lahat ng anyo ng abiogenesis: lahat sila ay hindi kayang suportahan ng siyensya. Walang anumang eksperimento ang makapagpapakita na nagaganap ang abiogenesis. Hindi ito kailanman naobserbahan sa natural o artipisyal na kapaligiran. Ang kalagayan sa mundo na pinaniniwalaan na umiral sa mundo kund hindi man walang kakayahang makalikha ng kinakailangang pundasyon para magkaroon ng buhay mula sa walang buhay ay sinasalungat ang sarili. Walang ebidensya ang makakapagpatunay kung saan at kailan maaaring magmula ang buhay mula sa walang buhay. Sa katotohanan, tila nagpapahiwatig ang lahat ng ating nalalaman sa siyensya na hindi maaaring maganap ang abiogenesis sa anumang posibleng natural na kundisyon.
Napakasimple ng mga naunang konsepto ng abiogenesis. Nagkakaroon ng uod mula sa nabubulok na karne kaya ipinagpalagay na nagiging uod ang karne. Kadalasang nakikita ang mga daga sa mga lugar kung saan nakaimbak ang mga dayami kaya ipinagpalagay na nagiging daga ang mga dayami. Ang ganitong anyo ng abiogenesis ay kilala sa tawag na "dagliang pagkakaroon ng buhay." Ito ay aktwal na isang popular na paliwanag ng siyensya para sa pagpaparami ng mga bagay na may buhay sa nakalipas na ilang daang taon. Noong kalagitnaan ng 1800's, napatunayan ng mga eksperimento ng mga siyentipikong gaya ni Pasteur na maaari lamang manggaling ang mga bagay na may buhay sa mga nabubuhay ding mga bagay. Kalaunan, napatunayan ng siyensya na ang tanging maaaring panggalingan ng anumang nabubuhay na selula ay isa pang nabubuhay na selula.
Maaaring maging napakakumplikado ng mga makabagong ideya ng abiogenesis at halos walang pagkakatulad sa isa't isa. Napakarami ng mga hula sa pinagmulan ng buhay, mula sa lava ng bulkan sa ilalim ng dagat hanggang sa mga lugar sa mundo na tinamaan ng mga meteors at maging sa mga tabing dagat na radioactive. Sa pangkalahatan, ang lahat ng makabagong teorya ng abiogenesis ay mula sa imahinasyon ng ilang senaryo kung saan ang mga natural na kundisyon ay lumikha, bumuo, at umayos sa mga molekula sa isang paraan na nagumpisa silang magkabuhay. Nagkakaiba ang mga teoryang ito depende sa kalikasan ng mga kundisyon, sa pagkamasalimuot at iba pa. Ang lahat ng teoryang ito ay nagtataglay ng isang karaniwang katangian: hindi sila kapanipaniwala ayon mismo sa pamantayan ng siyensya.
Ang isang malaking problema sa makabagong teorya ng abiogenesis ay ang napakakumplikadong katangian ng mga nabubuhay na organismo. Pinatunayan ng mga eksperimento na maaaring mabuo ang mga napakasimplemg amino acids sa laboratoryo. Ngunit kung paghihiwalayin ang mga sangkap ng asidong ito, hindi ito sapat para makalikha ng buhay na organismo. Sa halip, papatayin lamang ng kundisyon na lumikha sa mga asidong ito ang anumang selula pagkatapos na sila ay mabuo at hindi kailanman makakalikha ng bagay na may buhay ang mga kundisyong ito sa kasaysayan ng mundo. Ang anumang teorya ng ebolusyon na nagpapahiwatig na napaksaimple lamang ng proseso ng pagkakaroon ng isang bagay na may buhay mula sa isang bagong selula ay walang anumang paliwanag ang nakapagpatunay sa umpisa pa lamang. Walang anumang tinatawag na unang selula na pinanggalingan ng lahat ng selula. Ni hindi makapagpakita ang siyensya ng ebidensya na may isang nagiisang nabubuhay na selula na nalikha o nabuhay sa kapaligirang kinakailangan upang mabuo ang mga bahagi nito.
May nagsabi, "kamatayan ang tanging problema ng pilosopiya." Maaaring totoo ito o hindi, ngunit ang kamatayan ang hamon sa anumang pananaw sa pilosopiya. Sa ganito ring paraan, ang abiogenesis ang pinakamalaking problema ng mga syentipikong naturalista. May mga sapantaha na maaaring magkaroon ng buhay kahit walang matalinong Manlilikha o sinumang nagdisenyo. Ngunit ang mga natural na paliwanag na ito ay sinasasalungat ng mismong siyensya. Ang nakapagtataka, kahit hindi kayang ipaliwanag, napakaraming tao ang nagsasabi na ang ganitong pananaw ay "napatunayan," "maitatatag," at "maipapakita" ng buong linaw. Sa kabila nito, laging nakaugnay ang naturalismo sa abiogenesis, na imposibleng mangyari ayon sa siyensya.
Ang napakaraming ebidensya na hindi maaaring magmula ang buhay sa mga bagay na walang buhay ay isang matibay na patunay na isang hindi makatotohanang pananaw ang naturalismo. Alinman sa dalawa ang totoo, ang buhay ay may natural na pasimula o may isang supernatural na pinagmulan (matalinong deisenyo). Ang pagiging imposible ng abiogenesis ayon sa siyensya ay isang argumento para sa isang supernatural na pinagmulan ng buhay. Ang tanging paraan upang makalikha ng kahit na pinakasimpleng uri ng buhay ay sa isang paraang hindi natural, may mataas na disenyo at may kontroladong kundisyon. Ito mismo ang dahilan upang ipagpalagay na hindi maaaring magsimula ang buhay ng walang matalinong tagadisenyo o matalinong Manlilikha.
English
Ano ang teorya ng abiogenesis? Ano ang kahulugan ng abiogenesis?