Aklat ng 2 Pedro
Manunulat: Patikular na tinukoy sa 2 Pedro 1:1 na si Apostol Pedro ang manunulat ng aklat. Ang pagiging manunulat ni Pedro ng aklat na ito ang pinaka-kinukuwestyon sa lahat ng aklat ng Bagong Tipan. Gayunman, walang nakitang sapat na dahilan ang mga ama ng unang iglesya upang pabulaanan ang pagiging manunulat ni Pedro ng aklat na ito.Panahon ng Pagkasulat: Isinulat ang Aklat ng 2 Pedro ng malapit ng mamatay si Pedro. Dahil pinatay si Pedro sa Roma bilang martir sa panahon ng paghahari ni Nero, maaaring namatay siya noong A.D. 68. Kaya't malamang na isinulat ni Pedro ang 2 Pedro sa pagitan ng A.D. 65 at 68.
Layunin ng Sulat: Naalarma si Pedro ng magumpisang pumasok ang mga bulaang guro sa mga iglesya. Tinawang niya ang pansin ng mga Kristiyano na lumago at maging matatag sa kanilang pananampalataya upang mabnatayan nila ang kanilang pananampalataya sa kumakalat na maling katuruan, Bingiyang diin ni Pedro ang katotohanan ng Salita ng Diyos at ang katiyakan na pagparitong muli ng Panginoong Hesu Kristo.
Mga Susing Talata: 2 Pedro 1:3-4, "His divine power has given us everything we need for life and godliness through our knowledge of Him who called us by His own glory and goodness. Through these He has given us His very great and precious promises, so that through them you may participate in the divine nature and escape the corruption in the world caused by evil desires." 2 Pedro 3:9: "The Lord is not slow in keeping His promise, as some understand slowness. He is patient with you, not wanting anyone to perish, but everyone to come to repentance." 2 Pedro 3:18: But grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ. To Him be glory both now and forever! Amen." The key word is knowledge; with its related words, occurring at least 13 times in the Aklat ng 2 Pedro.
Maiksing Pagbubuod: Nalalaman na malapit na siyang kunin ng PAnginoon, (2 Pedro 1:13-15), at dahil nahaharap ang mga iglesya sa panganib (2 Pedro 2:1-3), pinukaw ni Pedro ang pansin ng mga mananampalataya naupang sariwain ang nakaraan (2 Pedro 1:13) at paganahin ang kanilang isip (2 Pedro 3:1-2) upang maalala nila ang kanyang mga katuruan (2 Pedro 1:15). Hinamon niya sila na maging matibay sa kanilang pananamapalataya sa pagdadagdag ng mga paguugaling Kristiyano upang mas lalong maging epektibo at produktibo ang kanilang kaalamam kay Hesu Kristo (2 Pedro 1:5-9). Ang Luma at Bagong Tipan ang ang nagtatag at siyang awtoridad ng kanilang pananampalataya (2 Pedro 1:12-21, 3:2, 3:15-16). Nais ni Pedro na maging malakas ang kanilang pananampalataya upang malabanan ang mga bulaang guroo na nakapasok at nanggugulo sa mga iglesya. Sa kaniyang pagtuligsa sa kanila, inilarawn nila ang kanilang paguugali, ang kanilagn aanihing sumop, at ang kanilang mga katangian (2 Pedro kabanata 2), gayundin ang kanilang panlilibak sa ikalawang pagparito ng Panginoon (2 Pedro 3:3-7). Itinuro ni Pedro sa mga Kristiyano na ang ikalawang pagpariot ni Hesu Kristo ang kanilang insentibo para sa matueid na pamumuhay. Pagkatapos sabihin ang kanyang huling babala, pinalaks niya ang kanilang loob upang lumago sila sa biyaya at kaalamam sa ating PAnginoong Hwesu Kristo. NAgtapos si Pedro sa mga salita ng pagpupuri sa kanyang PAnginoon at Tagapagligtas (2 Pedro 3:18).
Koneksyon sa Lumang Tipan: Sa kanyang pagtuligsa sa mga bulaang propeta, inulit ni Pedro ang mga karaniwang tema sa Lumang Tipan na pamilyar sa kanyang mambabasa. Marami sa mga unang Kristiyano ang mga Hudyo na nagaral ng Kutusan at ng mga Propeta. Nang banggitin ni Pedro ang "salita ng mga propeta" sa Lumang Tipan sa 2 Pedro 1:19-21, kanyang tinuligsa ang mga bulaang propeta at pinatunayan kung sino ang mga totoong propeta na kinilos ng Banal na Espiritu na nagsalita sa pamamagitan nila (2 Samuel 23:2). Pinuna din ng buong sikap ni Jeeremias ang mga bulaang propeta. Kanyang itinanong, "Kailan pa ba magbabago ang mga propetang ito na nangangaral ng kasinungalingan at nagpapahayag ng sarili nilang mga katha?" (Jeremias 23:26). Malinaw na ang mga bilaang propeta na nanggulo sa mga tao sa Luma at Batang tipan ay kasama pa rin natin ngayon at dahil dito napapanahon pa rin ang ikalawang sulat ni Pedro sa kasalukuyan gaya ng una itong isulat ni Pedro may 2,000 taon na ang nakararaan.
Praktikal na Aplikasyon: Bilang mga Kristiyano sa ika 2o siglo, mas malapit na ngayon sa atin ang muling pagparito ni Kristo kaysa sa mga Kristiyano noong unang siglo na sinulatan ni Pedro. Sa pamamagitan ng telebisyon at iba pang paraan ng pakikipagkomunikasyon, alam ng mga mananampalataya na maraming mga sinungaling na nagpapanggap bilang mga totoong Kristiyano at maraming mga mahinang mananampalataya napapapaniwala ng kanilang pagsisinungaling at maling interpretasyon ng Biliya. Ang mga bulaang guro ang dahilan kung bakit dapat na alan ng mga Kristiyano ang sinasbi ng Salita ng Diyos at kilalanin ang tama sa mga mali.
Kung ilalapat natin sa ating mga buhay ang parehong payo na ibinigay ni Pedro (2 Pedro 1:5-11), tungkol sa paglago sa pananamplataya, ito ang magbibigay sa atin ng katiyakan ng gantimpla sa pagsunod at pagpaparusa naman sa mga sumusunod sa mahalay na pita ng katawan at ayaw kumilala sa Maykapangyarihan "wala silang pakundangan at lapastangan sa mga taga langit v11samantalang ang mga anghel na higit na malakas at makapangyarihan, ay hindi gumamit ng panlalait sa kanilang paghaharap sa Panginoon ng sakdal laban sa kanila." (2 Pedro 1:10-11). Ang pundasyon ng ating pananapampalataya ay katulad ng parehong Salita ng Diyos na ipinangaral ni Pedro.
English
Aklat ng 2 Pedro