Aklat ng mga Hukom
Manunulat: Hindi partikular na tinukoy sa aklat kung sino ang manunulat. Ang pinaniniwalaan na manunulat ayon sa tradisyon ay si Propeta Samuel. Ang mga panloob na ebidensya ay nagpapahiwatig na nabuhay ang manunulat mula sa huling yugto ng mga Hukom. Angkop ang kwalipikasyon ni Samuel bilang manunulat ng aklat ng mga Hukom.Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng mga Hukom ay nasulat sa pagitan ng 1045 and 1000 B.C.
Layunin ng Sulat: Ang aklat ng mga Hukom ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi: 1) Ang kabanata 1-16 ay nagsasalaysay ng mga digmaan ng pagliligtas na nagpasimula sa pagtalo ng mga Israelita sa mga Cananaeo at nagwakas sa kamatayan ni Samson; 2) Ang kabanata 17-21 na sinasabing appendix at walang koneksyon sa mga sinundang mga kabanata. Ang mga kabanatang ito ay tinatawag na panahon "na walang hari na naghahari sa Israel (Mga Hukom 17:6; 18:1; 19:1; 21:25)." Ang aklat ng Ruth ay bahagi ng aklat ng mga Hukom sa orihinal, ngunit noong A.D. 450, ito ay inalis sa aklat at ginawang isang bukod na aklat.
Mga Susing Talata: Mga Hukom 2:16-19: - Ang Israel ay binigyan ni Yahweh ng mga hukom upang magtanggol sa kanila. Ngunit hindi nila pinakinggan ang mga ito. Tinalikdan nila si Yahweh at naglingkod sa mga diyus-diyusan. Lahat ng hukom na inilagay ni Yahweh ay tinulungan niya upang iligtas sila sa kanilang mga kaaway. Nababagbag ang kanyang kalooban dahil sa kanilang mga daing bunga ng hirap na dinaranas nila. Ngunit pagkamatay ng hukom na inilagay niya, ang mga Israelita'y nagbabalik sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Higit pa sa kasamaan ng kanilang mga ninuno ang kanilang ginagawa. Hindi nila maiwan ang kanilang kasamaan."
Mga Hukom 10:15: "Ngunit patuloy ang pamamanhik ng mga Israelita: "Nagkasala nga po kami at gawin ninyo sa amin ang ibig ninyong gawin, iligtas lamang ninyo kami ngayon."
Mga Hukom 21:25: "Nang panahong yaon ay walang hari sa Israel kaya nagagawa ng mga Israelita ang gusto nilang gawin."
Maiksing pagbubuod: Ang aklat ng mga Hukom ay malungkot na kasaysayan kung paano si Yahweh (Diyos) kinalimutan ng kanyang mga anak sa pagdaan ng mga taon at mga siglo. Ang aklat ng mga Hukom ay malungkot na kasalungat ng Aklat ng mga Hukom kung saan isinalaysay ang pagpapala na ipinagkaloob sa mga Israelita dahil sa kanilang pagsunod sa Diyos sa pagsakop sa lupain. Sa aklat ng mga Hukom, naging masuwayin sila at naging mananamba sa mga diyus diyusan na siyang naging daan sa kanilang maraming pagkatalo. Gayunman, patuloy na binuksan ng Diyos ang Kanyang mga kamay sa tuwing sila'y magsisisi sa kanilang mga kasalanan at tatawag sa Kanyang pangalan dahil sa Kanyang pag-ibig sa kanyang sariling bayan (Mga Hukom 2:18). Sa pamamagitan ng labinwalong (18) Hukom, tinupad ng Diyos ang kanyang pangako kay Abraham na iingatan at pagpapalain ang kanyang mga inapo (Genesis 12L2-3).
Matapos mamatay si Josue at ang kanyang mga kasabayan, bumalik ang mga Israelita sa kanilang pagsamba kay Baal at Astarot. Hinayaan ng Diyos na danasin ng mga Israelita ang konsekwensya ng kanilang pagsamba sa mga diyus diyusan. Sa mga panahon ng pagdurusa, humingi ng tulong ang mga Israelita sa tunay na Diyos. Pinadalhan ng Diyos ang Kanyang bayan ng mga hukom na mangunguna sa kanila sa matuwid na pamumuhay. Ngunit paulit ulit na tumalikod ang mga Israelita sa Diyos at bumalik sa kanilang masamang pamumuhay. Gayunman, dahil sa kanyang pangako kay Abraham, iniligtas ng Diyos ang kanyang bayan mula sa mga mananakop sa loob ng 480 taon ng kanilang kasaysayan na nakapaloob sa ng Aklat ng mga Hukom.
Maaring ang pinaka tanyag sa lahat ng mga hukom ay ang ika-labindalang hukom, si Samson, na dumating upang pangunahan ang mga Israelita pagkatapos ng 40 taon ng pagkaalipin ng Israel sa ilalim ng pamamahala ng mga walang awang Filisteo. Pinangunahan ni Samson ang mga Israelita sa tagumpay laban sa mga Filisteo at ibinuwis ang kanyang sariling buhay sa pagkttapos ng 20 taon ng pagiging hukom sa Israel.
Mga pagtukoy kay Kristo: Ang paganunsyo sa ina ni Samson tungkol sa kanyang pagsilang at sa kanyang pangunguna sa Israel bilang hukom ay naglalarawan ng paganusyo kay Maria ng kapanganakan ng Mesiyas. Ipinadala ng Diyos ang isang anghel sa dalawang babae at pareho silang sinabihan na sila ay "magdadalang tao at manganganak ng isang lalaki" (Mga Hukom 13:7; Luke 1:31) na mangunguna sa bayan ng Diyos.
Binayaran ng Diyos ang kaligtasan ng Kanyang sariling bayan sa kabila ng kanilang kasalanan at pagtanggi sa Kanya. Ito ay larawan ng ginawa ni Hesus sa Krus. Namatay si Hesus upang iligtas ang kanyang bayan - ang lahat ng sasampalataya sa Kanya - mula sa kanilang mga kasalanan. Bagama't marami sa mga sumunod sa kanya sa panahon ng Kanyang pagmininisteryo ang tumalikod at itinanggi Siya, nanatili siyang tapat sa Kanyang pangako at nagtungo sa krus upang mamatay para sa atin.
Praktikal na Aplikasyon: Laging nagbubunga ang pagsuway ng hatol ng Diyos. Ang mga Israelita ang perpektong halimbawa ng hindi natin dapat gawin. Sa halip na matuto sa karanasan na laging pinarurusahan ng Diyos ang sinumang lumalaban sa Kanya, nagpatuloy sila sa pagsuway at naranasan nila ang pagdidisiplina ng Diyos. Kung magpapatuloy tayo sa pagsuway, iniimbita natin ang pagdidisiplina ng Diyos, hindi dahil nasisiyahan Siya na disiplinahin tayo, kundi dahil "pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig niya, at pinapalo ang itinuturing niyang anak." (Hebreo 12:6).
Ang aklat ng mga Hukom ang patunay sa katapatan ng Diyos. "Kung tayo ma'y hindi tapat, si Cristo ay tapat pa rin sapagkat ang sa kanya ay hindi niya itatakwil." (2 Timoteo 2:13). Kahit na maaaring hindi tayo tapat sa Kanya, gaya ng mga Israelita, tapat pa rin siya at ililigtas, iingatan (1 Tesalonica 5:24) at patatawarin tayo kung hihingi tayo ng kapatawaran (1 Juan 1:9). "Kayo'y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo'y makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristong ating Panginoon" (1 Corinto 1:8-9).
English
Aklat ng mga Hukom