settings icon
share icon

Aklat ni Amos

Manunulat: Ipinakilala si Propeta Amos bilang manunulat sa Amos 1:1.

Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ng Amos ay nasulat sa pagitan ng 760 at 753 B.C.

Layunin ng Sulat: Si Amos ay isang pastol at mamimitas ng prutas sa Tekoa isang baryo sa Judea. Tinawag siya ng Diyos kahit na wala siyang sapat na edukasyon at walang karanasan bilang isang saserdote. Ang misyon ni Amos ay para sa kaharian sa norte, ang Israel. Hindi tinatanggap at pinaniniwalaan ang kanyang mensahe ng napipintong pagbagsak ng Israel at ang pagkabihag ng bansa dahil sa kanilang kasalanan dahil sa mayos ang kalagayan ng Israel ng panahong iyon na halos kapareho ng kalagayan noong panahon ni Solomon. Naganap ang ministeryo ni Amos sa panahon ng paghahari ni Rehoboam II sa Israel at Oseas sa Juda.

Mga Susing Talata: Amos 2:4, - Sinabi naman ni Yahweh tungkol sa Juda: "Ang mga taga-Juda ay paulit-ulit na nagkasala. Hindi sila makaliligtas sa aking parusa, sapagkat hinamak nila ang mga aral ko at nilabag ang aking mga utos. Iniligaw sila ng mga diyus-diyusang pinaglingkuran ng kanilang mga ninuno."

Amos 3:7, "Tunay na si Yahweh ay di gumagawa ng anumang bagay na di ipinababatid ang kanyang balak sa kanyang mga lingkod---ang mga propeta."

Amos 9:14, "Ibabalik ko sa kanilang lupain ang aking bayan. Itatayo nilang muli ang kanilang mga lunsod na nawasak at doon sila maninirahan, tatamnan nilang muli ang mga ubasan at iinom ng alak; magtatanim sila uli sa mga halamanan at kakain ng mga bunga niyon."

Maiksing pagbubuod: Nakikita ni Amos na sa likod ng panlabas na kapangyarihan at kasaganaan ng Israel na ang bansa ay bulok sa kaibuturan. Ang mga kasalanan na ipinaparatang ni Amos sa mga tao ay napakalalim at napakalawak: pagpapabaya sa Salita ng Diyos, pagsamba sa diyus-diyusan, pagsambang pagano, kasakiman, tiwaling pamamahala, at pang-aapi sa mahihirap. Nagsimula si Amos sa pagpapahayag ng sumpa sa lahat ng bansa sa palibot, at pagkatapos ay sa kanyang bayan ng Juda at huli ay sa paghahayag ng pinakamalubhang kaparusahan sa Israel. Inihayag ng kanyang pangitain mula sa Diyos ang tiyak na babala: nalalapit na ang paghuhukom. Nagtapos ang aklat sa pangako ng Diyos kay Amos sa Kanyang pagliligtas sa mga nalabi sa Israel.

Mga pagtukoy kay Kristo: Nagtapos Aklat ng Amos sa isang pangako ng maluwalhating hinaharap."Ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa kanila at hindi na sila maaalis pang muli roon."Si Yahweh na inyong Diyos ang nagsalita" (9:15). Ang perpektong katuparan ng pangako ng Diyos kay Abraham ay (Gen. 12:7; 15:7; 17:8) matutupad a isanlibong taon ng paghahari ni Hesus sa lupa (tingnan ang Joel 2:26, 27). Inilalarawan sa Pahayag 20 ang isanlibong taon ng paghahari ni Hesus sa lupa, ang panahon ng kapayapaan at kagalakan sa mundo sa ilalim ng pamamahala ng perpektong kaharian ng mismong Tagapagligtas. Sa panahong iyon, ang mga mananampalatayang Israelita at ang mga Kristiyanong Hentil ay magsasama bilang isang iglesya at maghaharing kasama ni Kristo.

Praktikal na Aplikasyon: Minsan itinuturing natin ang ating sarili na mababa ang kalagayan. Sinasabi natin na isa lamang tayong ahente, magsasaka o di kaya nama'y isa lamang maybahay. Si Amos ay maituturing na isa lamang karaniwang taong gaya natin. Hindi siya isang saserdote o propeta o anak ng mga taong gaya nito. Isa lamang siyang pastol, isang karaniwang negosyante sa Juda. Sino ang makikinig sa kanya? Ngunit sa halip na magdahilan, sumunod si Amos sa Diyos at naging isang makapangyarihang tagapagsalita ng Diyos para sa pagbabago.

Ginamit ng Diyos ang mga karaniwang tao gaya ng mga pastol, karpintero, at mangingisda sa buong Bibliya. Anuman ang kalagayan mo sa buhay, maaari kang gamitin ng Diyos. Si Amos ay isang lingkod ng Diyos. Isang napakataas na pagkatawag ang maging isang lingkod ng Diyos.

English



Pagsusuri sa Lumang Tipan

Aklat ni Amos
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries