Aklat ni Jeremias
Manunulat: Sa unang talata ng unang kabanata ng Jeremias, ipinakilala na si propeta Jeremias ang manunulat ng Aklat ni Jeremias.Panahon ng Pagkasulat: Ang aklat ni Jeremias ay nasulat sa pagitan ng 630 at 580 B.C.
Layunin ng Sulat: Itinala ng Aklat ni Jeremias ang mga huling propesiya sa Juda, na binabalaan sila sa nalalapit na pagkawasak ng bansa kung hindi sila magsisisi. Tinawag ni Jeremias ang bansa na magsisi sa kanilang mga kasalanan. Gayundin naman, kinilala ni Jeremias na hindi na mapipigilan pa ang pagkawasak ng Juda dahil sa hindi nito pagsisisi, patuloy na imoralidad at pagsamba sa mga diyus dyusan.
Mga susing talata: Jeremias 1:5, "Pinili na kita bago ka ipinaglihi upang maging propeta sa lahat ng bansa."
Jeremias 17:9, "Sino ang makauunawa sa puso ng tao? Ito'y magdaraya at walang katulad; Wala nang lunas ang kanyang kabulukan."
Jeremias 29:10-11, "Ito pa ang sabi ni Yahweh: "Pagkatapos ng pitumpung taon sa Babilonia, kayo'y dadalawin ko. Tutuparin ko ang aking pangakong ibabalik kayo sa lupaing ito. Ako lamang ang nakaaalam ng mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap."
Jeremias 52:12-13, "Nang ika-10 araw ng ika-5 buwan, ika-19 na taon ng paghahari ni Nabucodonosor sa Babilonia, si Nebuzaradan, kapitan ng mga bantay ng hari, ay nagpunta sa Jerusalem. Sinunog niya ang bahay ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at lahat ng bahay roon, pati ang mga tahanan ng mga kilalang tao."
Maiksing Pagbubuod: Ang Aklat ni Jeremias ay mensahe ng paghatol sa Juda dahil sa laganap na pagsamba sa diyus diyusan (Jeremias 7:30-34; 16:10-13; 22:9; 32:29; 44:2-3). Pagkatapos ng kamatayan ni haring Osias, ang huling mabuting hari ng Juda, halos iniwan ng lubusan ng mga tao ang Diyos at ang Kanyang mga Salita. Inihambing ni Osias ang Juda isang patutot (Jeremias 2:20; 3:1-3). Ipinangako ng Diyos na Kanyang parurusahanng buong higpit ang pagsamba sa diyus diyusan (Levitico 26:31-33; Deuteronomio 28:49-68), at nagbabala si Jeremias na nalalapit na ang paghatol ng Diyos. Iniligtas ng Diyos ang Juda sa hindi mabilang na pagkakataon ngunit malapit ng magwakas ang Kanyang awa para sa kanila. Itinala ni Jeremias ang pagsakop ni haring Nabucodonosor at pagpapailalim nito sa kanya (Jeremias 24:1) sa Juda. Dahil sa patuloy na paglaban sa Diyos, pinabalik ng Diyos si Nabucodonosor at ang kanyang hukbo upang pabagsakin at sakupin ang Juda at Jerusalem (Jeremias kabanata 52). Sa kabila ng mahigpit na pagpaparusa, ipinangako ng Diyos ang pagpapanumbalik sa Juda sa lupain na ipinagkaloob Niya sa kanila (Jeremias 29:10).
Mga pagtukoy kay Kristo: Inihayag sa Jeremias 23:5-6 ang hula tungkol sa pagdating ng Mesiyas, si Hesu Kristo. Inilarawan ng propeta si Hesus na gaya ng Sanga sa bahay ni David (tal. 5; Matthew 1), ang Hari na maghahari ng may karunungan at katwiran (tal. 5, Pahayag 11:15). Si Kristo ang kikilalanin ng Israel sa wakas bilang kanyang tunay na Mesiyas na nagkakaloob ng kaligtasan sa Kanyang mga hinirang (tal. 6; Roma 11:26).
Praktikal na Aplikasyon: May mensahe si Propeta Jeremias na napakahirap na ipahayag. Iniibig ni Jeremias ang Juda, ngunit higit niyang iniibig ang Diyos. Kahit gaano man nasasaktan si Jeremias sa pagpapahayag ng hatol sa kanyang bayan, sumunod siya sa nais ng Diyos na kanyang gawin at ipahayag. Umasa si Jeremias sa Diyos at nanalangin sa sa Kanyang awa para sa Juda, ngunit nagtiwala din siya na ang Diyos ay mabuti, makatarungan at banal. Dapat tayong sumunod sa Diyos, kahit na mahirap, at kilalanin na ang Kanyang kalooban ay higit na mahalaga kaysa sa ating mga naisin at para iyon sa ikabubuti ng Kanyang mga anak (Roma 8:28).
English
Aklat ni Jeremias