Aklat ni Mikas
Manunulat: Ang sumulat ng Aklat ni Mikas ay ang propetang si Mikas (Mikas 1:1).Panahon ng Pagkasulat: Ang Aklat ni Mikas ay malamang na naisulat sa pagitan ng 735 at 700 B.C.
Layunin ng Sulat: Ang mensahe ng Aklat ni Mikas ay pinaghalong paksa ng paghahatol at pag-asa. Sa isang banda, ang propesiya ay nagpahayag ng paghahatol sa Israel para sa mga kasamaan sa lipunan, mga sirang pinuno at pagsamba sa mga diyos-diyosan. Ang paghuhukom na ito ay inaasahang hahantong sa pagkawasak ng Samaria at Jerusalem. Sa kabilang banda, inihahayag ng aklat hindi lamang ang pagkabuo muli ng bansa, kundi ang pagbabagong-anyo at pagtataas sa Israel at Jerusalem. Ang mensahe ng pag-asa at kapahamakan ay hindi nangangahulugan ng pagkakasalungat, yamang ang pagbabagong-anyo ay magaganap lamang matapos ang paghuhukom.
Mga Susing Talata: Mikas 1:2, "Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Diyos ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa Kaniyang banal na templo."
Mikas 5:2, "Nguni't ikaw, Bethlehem, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang Isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan Niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan."
Mikas 6:8, "Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Diyos."
Mikas 7:18-19, - Sino ang Diyos na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob; Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; Kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at Kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.
Maiksing pagbubuod: Isinusumpa ng propeta ang mga pinuno, pari at mga propeta ng Israel na nagsamantala at niligaw ang mga tao. Dahil sa kanilang mga kagagawan kaya ang Jerusalem ay wawasakin. Ipinahayag ni Mikas ang pagpapalaya sa mga tao na tutungo mula sa Jerusalem patungo sa Babilonia at magtapos sa pangangaral para sa Jerusalem na wasakin ang mga bayan nanagtipon laban sa kaniya. Isang ulirang pinuno ang darating mula sa Bethlehem upang ipagtanggol ang bansa at inihayag ng propeta ang tagumpay ng lahi ni Jacob at nakikitang isang araw lilinisin ni Yahweh ang bansa na naniwala sa mga diyos-diyosan at nagtiwala sa kalakasan ng kanilang militar. Siya'y nagtakda ng makapangyarihan at tiyak na buod ng kinakailangang katarungan at katapatan ni Yahweh at at pinahayag ang paghatol sa mga sumunod kina Omri at Ahab. Isinara ang aklat ng isang propesiyang pagsamba na binubuo ng mga elemento ng pananaghoy. Tinanggap ng Israel ang kasalanan nito at nakatitiyak sa kalayaan sa pamamagitan ng Dakilang pagkilos ni Yahweh.
Mga pagtukoy kay Kristo: Ang Mikas 5:2 ay isang propesiyang ukol sa Mesiyas ayon sa isang mago na naghahanap sa hari na ipanganganak sa Bethlehem (Mateo 2:6). Dahil ang mga haring mula sa Silangan ay nakakaintindi sa Kasulatan na naisulat sa salitang Hebreo, nalalaman nilang magmumula sa maliit na nayon ng Bethlehem magmumula ang Prinsipe ng Kapayapaan, ang Liwanag ng mundo. Ang mensahe ni Mikas sa ukol sa kasalanan, pagsisisi at panunumbalik ay nakita ang ganap na katuparan kay HesuKristo na Siyang nagtubos ng ating kasalanan (Roma 3:24-25) at ang Tanging Daan sa Diyos (Juan 14:6).
Praktikal na Aplikasyon: Ang Diyos ay nagbigay ng mga babala upang tayo ay hindi maghirap sa Kanyang poot. Tiyak ang paghatol kung ang mga babala ng Diyos ay babalewalain at ang Kanyang inialok na Alay para sa ating mga kasalanan ay tatanggihan. Para sa mga mananampalataya kay Kristo, tayo ay didisiplinahin ng Diyos -hindi dahil sa galit- kundi dahil mahal Niya tayo. Nalalaman Niya na tayo ay mawawasak ng kasalanan at nais Niyang tayo ay maging buo. Ang pagiging buo na pangako ng pagpapanumbalik na naghihintay para sa mga mananatiling masunurin sa Kanya.
English
Aklat ni Mikas