settings icon
share icon

Aklat ni Nahum

Manunulat: Ipinakilala ng manunulat ng Akalat ni Nahum ang kanyang sarili bilang "Nahum" (Mangaaliw sa salitang Hebreo) ang Elkoshita (1:1). Maraming mga teorya tungkol sa siyudad na ito dahil walang tiyak na ebidensya kung saan ito matatagpuan. Ang isang sa mga teorya ay tumutukoy ito sa siyudad na kalaunan ay tinawag na One Capernaum (na literal na nangangahulugang "ang nayon ni Nahum") sa may dagat na Patay.

Panahon ng Pagkasulat: Dahil sa limitadong impormasyon tungkol sa pagkakailalanlan kay Nahum, mahirap matiyak ang panahon kung kailan ito isinulat. Ang pinakamalapit na panahon sa pagkasulat sa aklat ay sa pagitan ng 663 at 612 B.C. Dalawang pangyayari ang nabanggit sa aklat upang maisa alang alang ang mga taong ito. Una, nabanggit ni Nahum ang Tebes (No Amon) ng Egipto na sinakop ng mga taga Asiria (663 B.C.) sa pang-nagdaang panahunan kaya't maituturing na naganap na ang nasabing pangyayari. Ikalawa, ang mga natira sa mga hula ni Nahum ay naganap sa kasaysayan ng Israel noong 612 B.C.

Layunin ng Sulat: Hindi ni Nahum isinulat ang aklat na ito bilang babala o "tawag sa pagsisisi" sa mga mamamayan ng Niniveh. Ipinadala na ng Diyos si Propeta Jonas 150 taon na ang nakararaan at iniwanan sila ng babala kung ano ang mangyayari sa kanila kung magpapatuloy sila sa makasalanang pamumuhay. Sa panahon ni Jonas, nagsisi ang mga tao ngunit ngayon, lalong tumindi ang kanilang kasamaan ng higit kaysa dati. Naging sobrang brutal ang mga taga Asiria sa kanilang pananakop (ibinibitin nila ang katawan ng kanilang mga biktima sa mga poste at binabalatan sila ng buhay pagkatapos, idinidikit nila ang mga balat ng kanilang biktima sa mga pader ng kanilang mga kubol). Ngayon, sinasabi ni Nahum sa mga taga Juda na huwag silang panghinaan ng loob dahil iginawad na ng Diyos ang Kanyang hatol at mararanasan ng Asiria ang Kanyang poot.

Mga Susing Talata: Nahum 1:7, "Napakabuti ni Yahweh, Siya'y kanlungan sa panahon ng kagipitan; tinatangkilik niya ang napaaampon sa kanya."

Nahum 1:14a. "Ito ang pasiya ni Yahweh tungkol sa Asiria: "Malilipol ang lahi mo, wala nang magdadala ng iyong pangalan.'"

Nahum 1:15a, "Masdan mo't dumarating na ang maghahatid ng mabuting balita, at magpapahayag ng kapayapaan!" Tingnan din ang Isaias 52:7 and Roma 10:15.

Nahum 2:13a, "Makinig ka, ako'y laban sa iyo," sabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan."

Nahum 3:19, "Wala man lang gumamot sa iyong sugat na malubha at nagnanaknak. Lahat ng makabalita sa sinapit mo ay natutuwa't pumapalakpak, pagkat ginawan mo silang lahat nang napakasama."

Maiksing Pagbubuod: Minsang tumugon ang mga taga Nineveh sa pangangaral ni Jonas at nagsisi sa kanilang makasalanang pamumuhay at naglingkod sa Diyos na si Jehovah. Ngunit pagkaraan ng 150 taon, bumalik ang mga taga Niniveh sa pagsamba sa mga diyus diyusan, sa karahasan at kayabangan (Nahum 3:1-4). Muli, ipinadala ng Diyos ang isa sa Kanyang mga propeta upang mangaral tungkol sa nalalapit na hatol ng Diyos, sa pagwasak sa siyudad at sa himukin sila sa pagsisisi. Ang nakalulungkot, hindi pinakinggan ng mga taga Niniveh ang babala ni Nahum at dahil dito, ipinasakop ng Diyos ang siyudad sa Babilonia.

Mga Pagtukoy kay Kristo: Inulit ni Pablo ang Nahum 1:15 sa Roma 10:15 patungkol sa Mesiyas at sa Kanyang ministeryo gayundin sa ministeryo ng mga apostol ni Kristo ng panahong iyon. Maaari din itong maunawaan ng kahit sinong mangangaral ng Ebanghelyo na ang gawain ay ipangaral ang "Ebanghelyo ng kapayapaan." Nakikipagpayapa ang Diyos sa makasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, at binigyan Niya ang Kanyang mga Anak ng "hindi malirip na kapayapaan" (Filipos 4:7). Ang gawain ng mangangaral ay magdala ng "Mabuting Balita tungkol sa mabubuting bagay," tulad ng pakikpagkasundo, katuwiran, kapatawaran, buhay, at kaligtasang walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo na ipinako sa krus. Ang pangangaral ng Ebanghelyo at pagbabahagi ng ganitong napakagandang balita ay nagpapaganda sa mga paa ng tagapagdala nito. Ang imaheng ito ay isang paglalarawan sa isang tao na tumutulong sa iba ng buong kasigasigan at puno ng kagalakan sa pangangaral ng Mabuting Balita.

Praktikal na Aplikasyon: Ang Diyos ay matiyaga ay banayad sa pagkagalit. Binibigyan Niya ang bawat bansa ng sapat na panahon upang iproklama Siya bilang kanilang Panginoon. Ngunit hindi Siya maaaring linlangin. Anumang oras na ang isang bansa at tumalikod sa Kanya at paglingkuran ang sarili nitong motibo, darating Siya na may taglay na hatol. Halos 220 taon na ang nakararaan ng maitatag ang bansang Amerika sa pundasyon ng mga prinsipyo na matatagpuan sa Bibliya. Sa nakaraang 50 taon, nagbago na ang direksyon ng bansang ito at tayo ay tumahak sa maling landas. Bilang mga Kristiyano, obligasyon natin na manindigan sa mga prinsipyo ng Bibliya at sa katotohanan ng Kasulatan sapagkat ang katotohanan lamang ng Diyos ang pag-asa ng ating nasyon.

English



Pagsusuri sa Lumang Tipan

Aklat ni Nahum
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries