settings icon
share icon
Tanong

Ano ang dapat gawin ng mga Kristiyanong magulang kung sila ay may alibughang anak?

Sagot


Nakapaloob sa talinghaga ng alibughang anak (Lukas 15: 11-32) ang ilang mga katuruan kung paano ang mga mananampalatayang magulang ay makikitungo sa mga anak na lumalakad na taliwas sa tamang pamamaraan ng pagpapalaki sa kanila. Tandaan natin na kapag ang mga bata ay umabot na sa tamang edad, wala na sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang mga magulan.

Sa kwento ng alibughang anak, hiningi ng nakababatang kapatid ang mana pagkatapos ay nagtungo sa isang malayong bayan at nilustay iyon. Sa kaso ng isang anak na hindi mananampalataya, ito ay pangkaraniwang nangyayari. May mga anak na minsan ay malinaw na nagpahayag ng kanyang pananampalataya kay Cristo ngunit biglang naligaw ng landas, ang tawag sa mga anak na ito ay "alibugha." Ang ibing sabihin ng salitang ito ay "isang tao na inubos ang kanyang kayamanan sa walang katuturang bagay". Lahat ng taon ng pag-aalaga, pagtuturo, pagmamahal at kalinga ay kinaIimutan habang ang anak ay naghihimagsik laban sa Diyos. Dahil ang lahat ng paghihimagsik ay laban sa Dios unang una ito ay ipinahahayag lamang sa pamamagitan ng paghihimagsik laban sa magulang at sa kanilang pamamahala.

Kapansin-pansin sa talinghaga hindi pinigilan ng ama ang kanyang anak sa pag-alis. Ni hindi niya ito sinundan at sinubukang pigilan. Sa halip, ang magulang ay tapat na naghintay sa tahanan at nanalangin, at nang ang anak ay "nagising sa katotohanan" at bumalik, ang magulang ay naghihintay ay tumakbo upang salubungin ang kanyang anak kahit siya ay nasa "malayo pa."

Kapag ang ating mga anak na lalaki o babae ay humayo ayon sa kanyang naisin - ipinalalagay na sila ay nasa hustong gulang na upang gawin iyon - at gumawa ng mga pagpili na alam natin na magdudulot ng mahirap na pamumuhay, kailangang pakawalan sila at hayaang umalis ng kanilang mga magulang. Ang magulang ay hindi dapat sumunod at hindi manghihimasok sa kanilang desisyon. Sa halip, ang magulang ay dapat na na manalangin at magmasid sa mga tanda ng pagsisisi at pagbabagong buhay ng anak. Hangga't hindi ito dumarating, ang mga magulang ay hindi dapat manghihimasok sa buhay ng mga anak na nasa hustong gulang na.

Kapag ang mga anak ay nasa hustong gulang na, sila ay sumasailalim sa kapangyarihan ng Diyos at sa itinakdang mga pangyayari sa kanilang buhay (Roma 13: 1-7). Bilang mga magulang, maaari nating itaguyod ang ating mga alibughang anak sa pag-ibig at panalangin at maging handa na samahan sila sakaling gumawa sila ng hakbang papalapit sa Diyos. Ang Diyos ay kadalasang gumagamit ng mga paghihirap sa buhay upang dalhin tayo sa karunungan. Bilang mga magulang, hindi natin maililigtas ang ating mga anak - ang Diyos lang ang makagagawa noon. Hangga't hindi pa dumarating ang panahong iyon, tayo ay kailangang magbantay, manalangin at ipaubaya ang lahat ng mga bagay sa kamay ng Diyos. Hindi natin dapat hatulan ang ating mga anak, ang Diyos lamang ang may karapatang gawin iyon. May pangako ang salita ng Diyos na magbibigay sa atin ng kaaliwan, "Makatarungan ang Hukom ng buong daigdig!" (Genesis 18:25b)

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang dapat gawin ng mga Kristiyanong magulang kung sila ay may alibughang anak?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries