settings icon
share icon
Tanong

May naiaambag ba tayong kahit ano sa ating sariling kaligtasan?

Sagot


May dalawang paraan para sagutin ang tanong na ito—mula sa isang praktikal na pananaw at mula sa isang biblikal na pananaw. Una, mula sa isang praktikal na pananaw, ipagpalagay natin na ang isang tao ay may naiiambag sa kanyang sariling kaligtasan. Kung posible ito, sino ang mabibigyan ng parangal sa langit? Kung sa anumang paraan ay may naiaambag ang tao sa kanyang sariling kaligtasan, magkakaroon ng karangalan ang tao. At kung ang sinuman ay may maiiambag, tiyak na mababawasan ang halaga ng ginawa ng Diyos. Kung posible na makapagambag tayo ng kahit ano sa ating pagpunta sa langit, lalabas na ang bawat taong pumupunta sa langit ay babatiin ang kanyang saarili dahil sa kanyang ginawa para maging mamamayan ng langit. Ang mga taong ito ay await ng ganito: “Purihin ang aking sarili, nakapagambag ako sa aking sariling kaligtasan.” Hindi kayang isipin na ang mga tao sa langit ay pinupuri ang sarili sa halip na ang Diyos. Sinabi ng Diyos, Hindi ko kailanman ibibigay ang aking kaluwalhatian sa kaninuman” (Isaias 42:8; 42:11).

Mula sa isang biblikal na pananaw, walang kahit anong maiaambag ang sangkatauhan sa kanilang kaligtasan. Ang problema ng sangkatauhan ay ang kanilang pagiging makasalanan. Kalimitang tinutukoy ng mga teologo ang katayuang ito bilang “ganap na kawalan ng kakayahan na iligtas ang sarili” (Total Depravity). Ang Total Depravity ay ang paniniwala na ang sangkatauhan ay makasalanan sa lahat ng aspeto at walang magagawa upang umani ng pabor ng Diyos. Dahil sa makasalanang kalikasang ito, walang pakialam ang tao sa Diyos (tingnan ang Roma 1:18-32). Ligtas sabihin na dahil ang sangkatauhan ay likas na makasalanan, pinipili ng mga tao na magkasala, iniibig ang kasalanan, ipinagtatanggol ang kasalanan at niluluwalhati ang kasalanan.

Dahil sa kalagayang ito ng tao, nangangailangan siya ng direktang pagkilos ng Diyos. Ang direktang pagkilos na ito ng Diyos ay Kanyang ipinakita sa pamamagitan ni Jesu Cristo, ang Tagapamagitan sa makasalanang sangkatauhan at sa banal na Diyos (1 Timoteo 2:5). Gaya ng nasabi na, walang pakialam ang sangkatauhan sa Diyos, ngunit nais ng Diyos na makialam sa mga tao. Ito ang dahilan kung bakit Niya isinugo ang Kanyang Anak na si Jesu Cristo upang mamatay para sa mga kasalanan ng sangkatauhan —ang perpektong panghalili ng Diyos (1 Timoteo 2:6). Dahil namatay si Jesus, sa pamamagitan ng pananampalataya, maaari ng ideklara ng Diyos ang isang tao na pinawalang sala at matuwid (Roma 5:1). Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang tao ay tinubos, binili mula sa pagkaalipin sa kasalanan, at pinalaya mula doon (1 Pedro 1:18-19).

Ang mga nabanggit na gawa ng Diyos—ang paghalili, pagpapawalang sala, at pagtubos—ay ilan lamang sa mga ipinagkaloob ng Diyos na walang kahit anong ambag ang tao. Malinaw ang itinuturo ng Bibliya na hindi makakapagambag ng anuman ang tao sa kanyang kaligtasan. Anumang sandali na may isang taong magisip na maaari siyang makapagambag sa kanyang kaligtasan, sa esensya, siya ang gumagawa para sa kanyang ikaliligtas na malinaw na sumasalungat sa mga pahayag ng Bibliya (tingnan ang Efeso 2:8-9). Kahit na ang pananampalataya ay isang regalong mula sa Diyos. Ang kaligtasan ay isang walang bayad na kaloob (Roma 6:23), at dahil ito nga ay isang regalo o kaloob, wala kang magagawa para bayaran ito. Ang tangi mong dapat gawin ay tanggapin ang regalo. "Subalit ang lahat ng tumanggap (kay Jesus) at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos" (Juan 1:12).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

May naiaambag ba tayong kahit ano sa ating sariling kaligtasan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries