settings icon
share icon
Tanong

Sino ang anghel ng Panginoon?

Sagot


Ang eksaktong pagkakakilanlan sa "anghel ng Panginoon" ay hindi ibinigay sa Bibliya. Gayon man, may mahahalagang ‘palatandaan’ sa kanyang pagkakakilanlan. May mga banggit sa Luma at Bagong tipan tungkol sa "mga anghel ng Panginoon," "isang anghel ng Panginoon," at "ang anghel ng Panginoon." Mapapansin na kung ginagamit ang pantukoy na ‘ang,’ ito ay tumutukoy sa isang natatanging persona na bukod tangi sa ibang mga anghel. Ang anghel ng Panginoon ay tinutukoy bilang Diyos, ipinakilala ang sarili bilang Diyos at ginampanan ang mga gawain ng Diyos. (Genesis 16:7-12; 21:17-18; 22:11-18; Exodo 3:2; Hukom 2:1-4; 5:23; 6:11-24; 13:3-33; 2 Samuel 24:16; Zacarias 1:12; 3:1; 12:8). Sa ilan sa mga pagpapakitang ito, ang mga nakakita sa Anghel ng Panginoon ay natakot para sa kanilang mga buhay dahil ‘nakita nila ang Panginoon.’ Kaya nga malinaw sa ilang mga pagkakataon na ang anghel ng Panginoon ay ‘theopany,’ o pagpapakita ng Diyos sa isang pisikal na kaanyuan.

Ang pagpapakita ng anghel ng Panginoon ay tumigil pagkatapos na magkatawang tao si Kristo. Ang mga anghel ay binabanggit ng maraming beses sa Bagong Tipan, ngunit "ang anghel ng Panginoon" ay hindi kailanman nabanggit sa Bagong Tipan. Posible na ang pagpapakita ng anghel ng Panginoon ay mga manipestasyon ni Hesus bago Siya magkatawang tao. Idineklara ni Hesus na Siya’y Siya na "bago pa si Abraham" (Juan 8:58), kaya't lohikal na isipin na Siya ay aktibo at gumagawa na sa mundo bago pa Siya nagkatawang tao. Alinman sa dalawa, kung ang anghel ng Panginoon ay ang pagpapakita ng Panginoong Hesu Kristo bago Siya magkatawang tao (Christophany) o pagpapakita ng Diyos Ama (theophany), masasabing ang salitang "ang anghel ng Panginoon" ay tumutukoy sa pagpapakita ng Diyos sa isang anyong pisikal.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Sino ang anghel ng Panginoon?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries