settings icon
share icon
Tanong

Mali ba na magkaroon ng mga piguring anghel?

Sagot


Sa kanila mismong sarili, walang masama sa pagkakaroon ng mga piguring anghel. Kung paano itinuturing ng isang tao ang mga piguring anghel ang maaaring magpasama sa mga ito. Ang tanging dahilan upang maging masama ang piguring anghel ay kung sinasamba na ito, dinadalanginan at pinararangalan na siyang ipinagbabawal ng Diyos (1 Samuel 12:21). Hindi dapat sambahin ang mga anghel o ang mga piguring anghel. Tanging ang Diyos lamang ang karapat dapat sa ating pagsamba (Awit 99:5; Lukas 4:8), at sa Kanya lamang tayo dapat na lubos na magtiwala (Awit 9:10). Ang Bibliya ay laban sa lahat ng pagsamba sa anumang uri ng imahen o larawan. Dahil dito, dapat na maging maingat ang mga Kristiyano at huwag magpadala sa tukso ng pagsamba sa anumang uri ng imahen, ito man ay pigurin ng anghel, larawan ni Hesus, larawan ng belen at iba pa.

Habang walang anumang masama sa pagkakaroon ng mga piguring anghel o pigurin ng iba pang nilalang, may buhay man o wala, hindi natin dapat ipagpalagay na mayroon silang hindi pangkaraniwang kapangyarihan o impluwensya sa ating buhay. Walang pigurin ang makapagiingat sa atin, magdadala sa atin ng magandang kapalaran o makakaapekto sa ating buhay sa anumang kaparaanan. Ang ganitong mga paniniwala ay mga pamahiin lamang at walang lugar sa buhay ng isang tunay na Kristiyano. May kaugnayan ang mga pamahiin sa pagsamba sa diyus diyusan at ang pagsamba sa diyus diyusan ay mahigpit na ipinagbabawal sa Bibliya at walang sinumang nagsasanay nito ang makapapasok sa kaharian ng Diyos (Pahayag 21:27).

Gayundin, dapat nating malaman na walang sinuman ang nakakaalam ng aktwal na hitsura ng mga anghel. Ang mga piguring anghel ay pagpapalagay lamang ng tao tungkol sa hitsura ng mga anghel.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Mali ba na magkaroon ng mga piguring anghel?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries