Tanong
Ano ang antikristo?
Sagot
Ipinakilala sa 1 Juan 2:18 ang Anticristo: “Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang kaaway ni Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga kaaway ni Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas.” Ang partikular na salitang antikristo ay ginamit ng 7 beses sa Kasulatan, dalawang beses dito sa 1 Juan 2:18 at gayundin sa 1 Juan 2:22; 4:3; at dalawa din sa 2 Juan 1:7. Kaya, ano ang antikristo na binabanggit ni apostol Juan?
Ang kahulugan ng salitang antikristo ay simpleng “laban kay Cristo.” Gaya ng itinala ni Apostol Juan sa una at ikalawang Juan, tinatanggihan ng antikristo ang Ama at ang Anak (1 Juan 2:22), hindi kinikilala si Jesus (1 Juan 4:3), at tinatanggihan na Siya ay nagkatawang tao (2 Juan 1:7). Nagkaroon na ng maraming mga “antikristo,” gaya ng sinasabi sa 1 Juan 2:18. Pero may padating pa rin na isang Antikristo.
Nakakaraming eksperto sa mga hula sa Bibliya/eskatolohiya ang naniniwala na ang antikristo ay ang ganap na pakahulugan ng pagiging kalaban ni Cristo. Sa mga huling panahon/huling oras, isang lalaki ang lalabas at lalaban kay Cristo at sa mga tagasunod ni Cristo ng higit kaysa sa kaninumang tao sa kasaysayan. Magpapanggap bilang tunay na Mesiyas, maghahangad ang Antikristo na pamunuan ang buong mundo at susubukang puksain ang lahat na mga tagasunod Jesu Cristo at ang bansang Israel.
Ang mga sumusunod ang iba pang mga talata kung saan binabanggit ang Antikristo:
Ang mapagmataas na hari ng Daniel 7 na umaapi sa mga Judio at sinusubukang “baguhin ang mga itinakdang kapanahunan at mga kautusan” (talata 25).
Ang pinuno na makikipagkasundo sa Israel sa loob ng pitong taon at pagkatapos ay sisira sa kasunduan sa Daniel 9.
Ang hari na gagawa ng kasuklam-suklam na katampalasanan sa Markos 13:14 (tingnan din ang Daniel 9:27).
Ang lalaking Suwail sa 2 Tesalonica 2:1–12.
Ang lalaking lulan ng isang puting kabayo (na ipinapakilala ang kanyang sarili bilang isang lalaki ng kapayapaan) sa Pahayag 6:2.
Ang unang halimaw—na umahon mula sa dagat—sa Pahayag 13. Ang halimaw na tio ay tumanggap ng kapangyarihan mula sa dragon (Satanas) at nagsasalita “ng mga kayabangan at kapusungan laban sa Diyos” (talata 5) at makikipagdigma laban sa mga banal (talata 7).
Salamat na ang Antikristo/halimaw, maging ang kanyang bulaang propeta ay itatapon sa lawang apoy kung saan nila gugugulin ang walang hanggang pagdurusa (Pahayag 19:20; 20:10).
Ano ang Antikristo? Sa paglalagom, ang Antikristo ang bulaang Mesiyas sa mga huling panahon na maghahangad at maaaring nakamit ang pamumuno sa buong mundo para puksain ang Israel at ang lahat na mga tagasunod ni Jesu Cristo.
English
Ano ang antikristo?