Tanong
Ano ang hitsura ng impiyerno? Gaano ito kainit?
Sagot
Hindi natin alam ang hitsura ng impiyerno at kung gaano ito kainit. Ngunit ang Kasulatan ay gumagamit ng ilang mapaglarawang pananalita patungkol sa impiyerno, nagbibigay ito sa atin ng ideya kung ano ang impiyerno. Tiyak na isang lugar ito ng pagdurusa na madalas inilalarawan ng Bibliya bilang nagniningas na apoy. Para sa mga layunin ng artikulong ito, ang mga terminong impiyerno at lawa ng apoy ay ginagamit ng palitan.
Itinuturing ng ilang interpreter na simboliko ang mga paglalarawan ng Bibliya sa impiyerno dahil ang ilan sa paglalarawan ay mahirap ipagkasundo sa isa’t isa. Halimbawa, ang paglalarawan sa impiyerno bilang parehong apoy (Mateo 25:41) at kadiliman (Mateo 8:12) na tila magkasalungat. Walang imposible para sa Diyos at maaari Siyang gumawa ng anuman kabilang ang paggawa ng madilim na apoy. Kaya maaaring literal ang mga paglalarawan. Kahit na ang wika na ginagamit upang ilarawan ang impiyerno ay simboliko, ang lugar mismo ay totoo - at walang pagaalinlangan na mas masahol pa kaysa sa mga simbolo ang realidad.
Ang mga paglalarawan sa Banal na Kasulatan ng impiyerno ay ginawa upang bigyang-diin ang pagdurusa at paghihirap na mararanasan ng mga ipinapadala doon. Maaaring maglarawan ng galit ng Diyos ang “apoy” na mararanasan ng mga hindi naniniwala sa impiyerno, samantalang ang “pusikit na kadiliman” ay maaaring maglarawan ng pagkalayo sa pag-ibig, awa, at biyaya ng Diyos. Simboliko man o literal ang pananalita, tiyak na mapanganib at nakakatakot ang impiyerno. Marahil ang tagal nito ang mas pinaka- nakakatakot na aspeto. Walang hanggan ang pagdurusa. Wala itong katapusan. Para sa atin ngayon, ang konsepto ng impiyerno ang dapat na magtulak sa atin sa krus ni Cristo. Sa pamamagitan lamang ng pagsisisi at pananampalataya kay Cristo tayo maliligtas sa paparating na poot ng Diyos.
Narito ang mga ilan sa mga sipi na naglalarawan sa impiyerno:
Mateo 25:41, “Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa harapan ko, kayong mga isinumpa! Doon kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon.”
Mateo 8:12, “Ngunit ang mga taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman; mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”
2 Tessalonica 1:6-9, “Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. Kayo namang mga nagtitiis ay aaliwin niyang kasama namin kapag ang Panginoong Jesus ay inihayag na mula sa langit kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel, na may naglalagablab na apoy. Parurusahan ang lahat ng hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Panginoong Jesus. Magdurusa sila ng walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay sila sa Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan.”
Pahayag 20:10, 15, “At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa lawa ng apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta. Pahihirapan sila doon araw at gabi, magpakailanman.… Ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.”
Roma 2:8, “Ngunit sa kanila na makasarili at masuwayin sa katotohanan at sumusunod sa kalikuan ay tatanggap ng poot at galit.”
Mateo 25:30, “Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.”
Bagama’t hindi natin alam kung ano ang magiging hitsura ng impiyerno, magiging isang lugar ito ng walang katapusang pagdurusa kung saan walang makakatakas. Samakatuwid, ngayon ang araw ng kaligtasan. Ngayon ang araw para magsisi at maniwala sa Ebanghelyo. Ngayon ang araw para ipahayag natin ang Mabuting Balita na dumating si Kristo upang iligtas ang mga makasalanan na nagtitiwala sa Kanya para sa kapatawaran. Ang mga umaasa kay Cristo ngayon ay tiyak na maliligtas sa poot ng Diyos (1 Tesalonica 1:9-10).
English
Ano ang hitsura ng impiyerno? Gaano ito kainit?