Tanong
Ano ang argumentong ontolohikal (ontological argument) para sa pagkakaroon ng Diyos?
Sagot
Ang argumentong ontolohikal (ontological argument) ay hindi base sa pagoobserba ng mundo gaya ng argumentong kosmolohikal at teleolohikal (cosmological at teleological arguments), sa halip, ito ay base lamang sa pangangatwiran. Ang argumentong ito ay pangangatwiran sa pagaaral sa pagiral (ontology). Ang pinakauna at pinakapopular na porma ng argumentong ito ay mula pa kay St. Anselm noong ika-labing isang siglo (11 AD). Nagumpisa siya sa pangangatwiran na ang konsepto ng Diyos ay isang persona (being) na walang mas mababa sa Kanya ang makakaunawa. Dahil ang pagiral ay posible at ang pagiral at higit kaysa hindi pagiral, ang Diyos kung ganoon ay dapat na umiiral (kung hindi umiiral ang Diyos o kung walang Diyos, hindi ngayon maaaring maunawaan ang mas dakilang bagay ngunit ito ay babagsak din sa kabiguan – dahil hindi ka maaaring magkaroon ng mas higit na hindi kayang maunawaan!). Kaya nga dapat na umiiral ang Diyos. Ginamit din ni Descartes ang pangangatwirang ito ni St. Anselm, bagama’t nagumpisa siya sa ideya ng isang perpektong persona.
Sinabi ng isang ateista na nagngangalang Bertrand Russell na mas madaling sabihin na ang argumentong ontolohikal ay walang silbi kaysa sa sabihin kung ano ang mali dito! Gayunman, hindi popular ang argumentong ontolohikal (ontological argument) sa mga Kristiyano ngayon. Una, inaakala nila na ang argumentong ito ay pagmamakaawa kung ano ang katulad ng Diyos. Ikalawa, ang pang-akit sa subhektibong pananaw (subjective view) ay napakababa para sa mga hindi mananampalataya, dahil ang argumentong ito ay kulang sa obhektibong ebidensya (objective evidence). Ikatlo, napakahirap na simpleng sabihin lamang na ang isang bagay ay umiiral sa pamamagitan lamang ng pagpapakahulugan, kung walang magandang pangsuporta mula sa pilosopiya (gaya ng pagsasabi na ang kabayong may isang sungay sa noo (unicorn) ay mula sa madyik kaya mayroon ngang kabayong may isang sungay sa noo). Ang problemang ito ay maaari din namang mapagtagumpayan at ilang prominenteng apolohista (apologist) sa ngayon ang patuloy na gumagamit at pinapaunlad ang hindi pangkaraniwang pormang ito ng argumentong panteolohiya.
Ano ang argumentong ontolohikal (ontological argument) para sa pagkakaroon ng Diyos?