settings icon
share icon
Tanong

Ano ang dapat gawin ng isang Kristiyano kung ang kanyang asawa ay hindi mananampalataya?

Sagot


Ang maging asawa ng isang hindi mananampalataya ang isa sa pinakamahirap na hamon sa pamumuhay Kristiyano. Ang pagaasawa ay isang banal na kasunduan na nagpapaging isang laman sa dalawang tao (Mateo 9:5). Maaaring maging napakahirap para sa isang mananampalataya at isang hindi mananampalataya na mamuhay sa pagkikipagkasundo sa isa't isa (1 Corinto 6:14-15). Kung ang isa sa magasawa ay maging Kristiyano pagkatapos ng kanilang kasal, ang likas na kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng dalawang kapamahalaan ay tiyak na mararanasan.

Karaniwan, ang mga Kristiyano na naiipit sa ganitong sitwasyon ay humahanap ng paraan upang humiwalay sa kanyang asawa at naniniwala na ito lamang ang tanging paraan upang magbigay karangalan sa Diyos. Gayunman, itinuturo ng Salita ng Diyos na hindi ito nararapat. Napakahalaga na hindi lamang makuntento ang isang Kristiyano sa anumang sitwasyon, kundi dapat din siyang humanap ng paraan upang makapagbigay karangalan sa Diyos sa gitna ng mahihirap na sitwasyon (1 Corinto 7:17). Partikular na tinalakay ng Bibliya ang paksa tungkol sa mga Kristiyano na may asawang hindi mananampalataya sa 1 Corinto 7:12-14. "Sa iba naman, ito ang sinasabi ko, hindi ng Panginoon: kung ang isang lalaking sumasampalataya ay may asawang di sumasampalataya at ibig nitong manatili sa kanya, huwag niyang hiwalayan. Kung ang isang babaing sumasampalataya ay may asawang di sumasampalataya at ibig nitong magpatuloy ng pakikisama sa kanya, huwag siyang makipaghiwalay. Sapagkat ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging marapat sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging marapat sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa. Kung hindi gayon, hindi malinis sa paningin ng Diyos ang kanilang mga anak; ngunit ang totoo'y marapat sila sa Diyos."

Ang mga Kristiyano na may asawang hindi mananampalataya ay kailangang manalangin sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu upang bigyan sila ng lakas na ipangaral si Kristo sa kanilang asawa at makapamuhay sa presenya ng Diyos (1 Juan 1:7). Kailangan nilang nasain ang kapangyarihan ng Diyos upang baguhin ang kanilang puso at makita sa kanilang buhay ang mga bunga ng Espiritu (Galatia 5:22-23). Ang babaeng mananampalataya ay obligadong magpasakop sa kanyang asawa kahit pa hindi ito mananampalataya (1 Pedro 3:1) at kailangan niyang manatiling malapit sa Panginoon at magtiwala sa Kanyang biyaya upang magawa niya ang lahat ng ito.

Hindi tinawag ang mga Kristiyano upang mamuhay ng magisa; kailangan nilang humanap ng suporta mula sa labas gaya ng iglesya at ng mga grupong nagaaral ng Bibliya. Ang pagiging asawa ng isang hindi mananampalataya ay hindi nakakaapekto sa pagiging sagrado ng pagsasama, kaya dapat na maging prayoridad ng bawat Kristiyano ang pananalangin para sa kanilang mga asawa at maging mabuti silang halimbawa upang ang liwanag ni Kristo ay makitang nagniningning sa kanilang buhay (Filipos 2:14). Nawa ang katotohanan na matatagpuan sa 1 Pedro 3:1 - na ang asawang hindi mananampalataya ay "madala sa Panginoon" - ang maging pagasa at naisin ng bawat Kristyano na asawa ng isang hindi mananampalataya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang dapat gawin ng isang Kristiyano kung ang kanyang asawa ay hindi mananampalataya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries