settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng Genesis 2:18 patungkol sa relasyon ng asawang babae sa kanyang asawa?

Sagot

Sinasabi sa Genesis 2:18, “At sinabi ng Panginoong Diyos, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa; siya'y igagawa ko ng isang katuwang na nababagay sa kanya.” Ano ang ibig sabihin nito?

Mapapansin na ang tanging bahagi ng paglikha ng Diyos na idineklarang “hindi mabuti” ay may kinalaman sa pagiging mag-isa ni Adan. Sinabi ng Diyos na hindi mabuti para kay Adan na mag-isa (Genesis 2:18). Ang tao ay likas na nakikisalamuhang nilalang; Nilikha tayo ng Diyos na nangangailangan ng kasama. At siyempre ang isang taong nag-iisa ay hindi maaaring magparami. Si Adan ay hindi kumpleto kung mag-isa lang siya. Ito ang dahilan kung bakit nilikha ng Diyos si Eva bilang isang nararapat na “katuwang o katulong”: upang makumpleto si Adan, upang makasama niya at upang magkaroon siya ng anak. Si Eva ang kailangan ni Adan—isang angkop na katuwang niya.

Nangangahulugan ba ito na ang bawat lalaki ay dapat magkaroon ng asawa, o ng isang katuwang upang makumpleto siya? Hindi. Sa katunayan sinabi ni Apostol Pablo na ang hindi pag-aasawa ay isang mabuting bagay para sa lingkod ng Diyos (1 Corinto 7:7–9). Nangangahulugan ba na ang bawat babae ay kailangang mag-asawa at maging tagakumpleto sa isang lalaki? Hindi. Hindi lahat ng babae ay nais magpakasal o humantong sa pag-aasawa. Gayunman, ang talata sa Genesis ay nagtatakda ng pamantayan para sa mga tao sa maraming sitwasyon. Ang asawang babae ay ang angkop na katuwang ng kanyang asawa.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging angkop na katuwang? Ang susi ay ang salitang angkop. Ang isang angkop na asawang babae ay tugma sa kanyang asawa sa maraming aspeto—sa pisikal, mental, emosyonal, at espiritwal. Hindi ito nangangahulugan na ang lalaki at babae ay magkapareho sa lahat ng bagay, kundi sila ay magkatugma sa pagkakaisa. Sila ay kumukumpleto sa isa’t isa. Ang B-flat key sa piano ay hindi katulad ng G, ngunit magkasama silang gumagawa ng isang magandang tunog. Sa parehong paraan, ang angkop na katuwang para sa isang asawang lalaki ay asawang babae na iba sa kanya ngunit angkop sa kanya na kumukumpleto sa kanya sa lahat ng paraan at nagdadala ng pagkakaisa, hindi ng alitan sa relasyon.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries