Tanong
Ang asawang babae ba ay kinakailangang magpasakop sa kanyang asawang lalake?
Sagot
Ang pagpapasakop ay isang mahalagang paksa na pumapaloob sa kaugnayang mag-asawa. Kahit noong bago pumasok ang kasalanan sa daigdig, may tuntunin pa rin ng pamumuno (1 Timoteo 2:13). Si Adam ang siyang unang nilikha, at nilikha si Eva upang maging "katulong" ni Adam (Genesis 2: 18-20). Sa kapanahunang iyon, dahil walang kasalanan, walang autoridad na sinusunod ang tao maliban sa autoridad ng Dios. Noong sinuway ni Adam at Eva ang Dios, pumasok ang kasalanan sa daigdig, at kinailangan na ang autoridad. Samakatuwid, itinatag ng Dios ang autoridad na kinakailangan upang maipatupad ang mga kautusan ng lupain at saka magbigay ng pagkalinga na kinakailangan natin. Una, kailangan tayong magpasakop sa Dios na ito ang kaparaanan na tayo ay tunay na makakasunod sa Kanya (Santiago 1:21; 4:7) Sa 1 Corinto 11:2-3, matatagpuan natin na ang asawang lalake ay dapat na magpasakop kay Cristo tulad ni Cristo na nagpasakop sa Dios. At ang talata ay naghayag na ang asawang babae ay kailangang sumunod sa kanyang halimbawa at magpasakop sa kanyang asawang lalake.
Ang pagpapasakop ay isang likas na tugon sa mapagmahal na pamumuno. Kapag ang asawang lalake ay nagmamahal sa kanyang asawang babae katulad ng pag-ibig ni Cristo sa iglesia (Efeso 5: 25-33), ang pagpapasakop sa asawang lalake ay isang likas na tugon mula sa asawang babae. Ang salitang Griego na ang salin ay "pasakop," hypotasso, ay nagpapatuloy na uri ng pandiwa. Ito ay nangangahulugan na ang pagpapasakop sa Dios, sa pamahalaan, o sa asawang lalake ay hindi pang-isahang gawain lamang. Ito ay nagpapatuloy na pagkilos na nagiging huwaran ng paguugali. Ang pagpapasakop na binabanggit sa Efeso 5 ay hindi isahang panig ng pagpapasakop ng mananampalataya sa isang sakim at mapagmataas na tao. Ang pagpapasakop ayon sa Biblia ay itinalaga para sa dalawang mananampalataya na puspos ng Espriritu na kapwa sumuko sa isa't isa at sa Dios. Ang pagpapasakop ay isang magkabilaang daan. Ang pagpapasakop ay posisyon ng karangalan at kaganapan. Kapag ang asawang babae ay inibig tulad ng pag-ibig ni Cristo sa iglesia, ang pagpapasakop ay hindi mahirap. Ayon sa Efeso 5:24, "Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng bagay." Ang talatang ito ay nagsasabing ang asawang babae ay dapat na pasakop sa kaniyang asawa lalake sa lahat ng bagay dahil ito ang nararapat at matuwid. Samakatuwid, ang asawang babae ay walang karapatang sumuway sa kautusan o sa Dios sa ngalan ng pagpapasakop.
Ayon sa isinulat ni Matthew Henry, "Ang babae ay nilikha mula sa tagiliran ni Adam. Hindi siya nilikha mula sa kanyang ulunan upang pamahalaan siya, hindi mula sa kanyang mga paa upang siya ay kanyang tapak-apakan, subali"t mula sa kanyang tagiliran upang kapantay niya, sa ilalim ng kanyang bisig upang kalingain, at malapit sa kanyang puso upang ibigin." Ang mga mananampalatay ay nagpapasakop sa isa't isa dahil sa paggalang kay Cristo (Efeso 5:21). Sa kabuuan, ang lahat sa Efeso 5:19-33 ay bunga ng isang buhay na puspos ng Espiritu. Ang mananampalataya na puspos ng Espiritu ay nagpupuri (5:19), mapagpasalamat (5:20), at nagpapasakop (5:21) Sinundan ni Pablo ang hanay ng kaisipan patungkol sa buhay ng puspos ng Espiritu at iniugnay niya sa asawang lalake at babae sa mga talatang 22=33. Ang babae ay dapat na nagpapasakop sa lalake, hindi dahil sa ang mga kababaihan ay mas mababa, subali"t dahil iyan ang plano ng Dios upang ang kaugnayang mag-asawa ay pamahalaan. Ang pagpapasakop ay hindi nangangahulugang ang babae ay "kuskusan ng paa" ng kanyang asawang lalake. Manapa'y, sa tulong ng Banal na Espiritu, ang asawang babae ay nagpapasakop sa kaniyang asawang lalake at ang lalake ay iniibig ng may papapakasakit ang kanyang asawang babae.
English
Ang asawang babae ba ay kinakailangang magpasakop sa kanyang asawang lalake?