settings icon
share icon
Tanong

Sino si Ashera?

Sagot


Si Ashera o si Astarot, ay ang pangunahing babaeng diyus diyusan na sinasamba sa sinaunang Syria, Phoenicia, at Canaan. Tinatawag siya ng mga taga Phoenicia bilang si Astarte, sinasamba naman siya ng mga taga Asiria bilang si Ishtar, at ang mga Palestino naman ay tinatawag ang kanyang templo na templo ni Ashera (1 Samuel 31:10). Dahil sa hindi kumpletong pagsakop ng mga Israelita sa lupain ng Canaan, nagpatuloy ang pagsamba kay Ashera at ito ang nagpahirap sa Israel pagkatapos na mamatay ni Josue (Hukom 2:13).

Inilalarawan si Ashera bilang isang walang buhay na puno na nakatanim sa lupa. Ang katawan ng puno ay karaniwang nililok sa isang simbolikong representasyon ng diyosa. Dahil sa kaugnayan sa mga nililok na puno, ang mga lugar ng pagsamba para kay Ashera ay karaniwang tinatawag na “kakahuyan” at sa salitang Hebreo ay “Ashera” (Asherim” sa pangmaramihan) na maaaring tumukoy sa diyosa o sa plantasyon ng mga puno. Ang isa sa mga masasamang ginawa ni Haring Manases ay “kinuha niya ng kanyang nililok na puno ni Ashera at inilagay iyon sa templo” (2 Hari 21:7). Ang isa pang salin sa “nililok na puno ni Ashera” ay “nililok na imahe ni Ashera sa isang kahoy.”

Itinuturing na diyos ng buwan, si Ashera ay laging ipinapakilala na kasama ni Baal, ang diyos ng araw (Hukom 3:7, 6:28, 10:6; 1 Samuel 7:4, 12:10). Sinasamba din si Ashera bilang diyos ng pag-ibig at digmaan at iniuugnay minsan kay Anath, isa pang diyosa sa Canaan. Ang pagsamba kay Ashera ay kilala sa pagiging senswal at sa pagkakaroon ng prostitusyon sa kanilang mga ritwal. Ang mga lalaki at babaeng saserdote ni Ashera ay nagsasanay din ng pangkukulam at panghuhula.

Sa pamamagitan ni Moises, ipinagbawal ng Panginoong Diyos ang pagsamba kay Ashera. Partikular na tinukoy ng isang batas na walang kakahuyan ang dapat na malapit sa altar ni Yahweh (Deuteronomio 16:21). Sa kabila ng malinaw na utos ng Diyos, laging problema ng Israel ang hindi mapigilang pagsamba kay Ashera. Nang bumagsak si Haring Solomon sa pagsamba sa mga diyus diyusan, ang isa sa mga diyus diyusan ng mga pagano na kanyang dinala sa kaharian ay si Ashera at tinawag niya ito na “diyosa ng mga taga Sidon” (1 Hari 11:5, 33). Kalaunan, lalong pinalawak ni Jezebel ang pagsamba kay Ashera at may 400 propeta ni Baal ang sinuswelduhan ng kaharian (1 Hari 18:19). May mga panahong nakaranas ang Israel ng pagpapanibagong sigla sa pananampalataya, katulad ng pakikipaglaban ng Israel laban sa pagsamba kay Ashera sa pangunguna ni Gideon (Hukom 6:25-30), ni Haring Asa (1 Hari 15:13), at ni Haring Josias (2 Kings 23:1-7).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Sino si Ashera?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries