Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga babae na nagtatrabaho sa labas ng tahanan?
Sagot
Minsan, isang hindi madaling usapin para sa mga Kristiyanong magasawa o pamilya ang pagtatrabaho ng asawang babae sa labas ng tahanan. May itinuturo ang Bibliya tungkol sa papel ng mga babae sa tahanan. Sa Tito 2:3-4, ibinigay ni Pablo ang instruksyon kung paanong ang mga nakababatang Kristiyanong babae ay sasanayin ng mga nakatatandang Kristiyanong babae: "Na gayon din ang matatandang babae ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan; upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon." Sa talatang ito, malinaw na sinasabi ng Bibliya na kung may mga anak ang isang batang babae, iyon ang kanyang unang responsibilidad. Ang mga nakatatandang babae ay magtuturo sa mga nakababatang babae upang mamuhay na nagbibigay luwalhati sa Diyos. Habang nasa isip ang mga responsibilidad na ito, maaaring gugulin ng isang babae ang kanyang oras sa pagsunod sa pangunguna at kalooban ng Diyos.
Binabanggit sa Kawikaan 31 ang isang "asawa na may namumukod tanging katangian." Mula sa talatang 11, pinuri ng manunulat ang babaeng ito dahil sa kanyang paggawa ng lahat kanyang makakayanan upang ipagmalasakit sa kanyang pamilya. Nagtatrabaho siya ng buong sikap para sa kanyang pamilya upang maging maayos iyon. Sa mga talatang 16, 18, 24 at 25, ipinakikita na siya ay napakasipag at gumagawa ng mga pamamaraan upang matugunan ang pinansyal na pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang motibasyon ng babaeng ito ay napakahalaga na ang kanyang negosyo ay kasangkapan lamang para sa isang layunin hindi katapusan sa kanyang sarili. Ipinagkakaloob niya ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya at hindi inaasikaso ang kanyang sariling pagunlad lamang o kaya naman ay nakikipagtsismisan sa kanyang mga kapit-bahay. Ang kanyang trabaho ay pangalawa lamang sa kanyang pagkatawag - ang maging mabuting katiwala ng kanyang asawa, mga anak at tahanan.
Hindi ipinagbabawal saanman sa Bibliya ang pagtatrabaho ng isang babae sa labas ng tahanan. Gayunman, itinuturo ng Bibliya kung ano ang dapat ang kanyang mga prayoridad.Kung ang pagtatrabaho sa labas ng tahanan ay nagiging dahilan upang mapabayaan ng isang babae ang kanyang asawa at mga anak, hindi siya nararapat na magtrabaho sa labas ng tahanan. Kung ang isang babae ay nagtrabaho sa labas ng tahanan at may kakayahan pa rin na magbigay ng mapagmahal na kapaligiran sa kanyang pamilya, sa kanyang asawa at mga anak, katanggap tanggap ang kanyang pagtatrabaho sa labas ng tahanan. Sa mga prinsipyong ito, may kalayaan tayo kay Kristo. Hindi dapat hatulan ang mga babae na nagtatrabaho sa labas ng kanilang tahanan gayundin naman ang mga nananatili lamang sa tahanan at nakatuon ang atensyon sa pagiging mabuting katiwala ng kanyang asawa at mga anak ay hindi dapat na ituring na mas mababa kaysa sa mga babaeng nagtatrabaho sa labas ng tahanan.
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga babae na nagtatrabaho sa labas ng tahanan?