settings icon
share icon
Tanong

Bakit kailangang mamatay ni Jesus?

Sagot


Kung tinatanong tayo ng katanungang gaya nito, dapat tayong maging maingat na hindi natin kukwestyonin ang Diyos. Ang magisip kung bakit hindi makahanap ang Diyos ng ibang paraaan para gawin ang isang bagay ay pagpapahiwatig na ang Kanyang piniling paraan ay hindi ang pinakamagandang paraan at may iba pang paraaan na mas maganda. Kadalasan, ang naiisip nating mas “magandang paraan” ay isang bagay na maganda para sa atin. Bago natin maunawaan ang anumang bagay na ginagawa ng Diyos, dapat muna nating kilalanin na ang ating paraan ay hindi Niya paraan, ang Kanyang isipan ay hindi natin isipan—mas mataaas ang Kanyang isipan kaysa sa atin (Isaias 55:8). Bilang karagdagan, ipinapaalala sa atin ng Deuteronomio 32:4 na, “Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.” Kaya nga, ang plano ng kaligtasan na Kanyang isinakatuparan ay perpekto, makatuwiran, at walang kapintasan at walang sinuman ang maaaring makaisip ng mas magandang paraan.

Sinasabi sa atin kasulatan, “Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang katuruan na tinanggap ko rin: si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa sinasabi sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan” (1 Corinto 15:3-4). Kinukumpirma ng mga ebidensya na ang walang kasalanang Jesus ay nagbuhos ng dugo at namatay sa krus. Ang pinakamahalaga, ipinapaliwanag sa atin ng Kasulatan kung bakit ang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli si Jesus ang tanging daan patungo sa kalangitan.

Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.

Nilikha ng Diyos ang mundo at ang tao na perpekto. Ngunit ng suwayin nina Adan at Eba ang utos ng Diyos, kailangang parusahan Niya sila. Ang isang Hukom na nagpapatawad sa mga sumusuway sa batas ng basta na lamang ay isang hindi makatuwirang hukom. Gayundin naman, magiging hindi makatarungan ang Diyos kung palalampasin Niya ang kasalanan. Ang kamatayan ang karampatang konsekwensya para sa kasalanan. “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan” (Roma 6:23). Hidi matatapalan ng mabubuting mga gawa ang mga kasalanan laban sa banal na Diyos. Kung ikukumpara sa katuwiran ng Diyos, “ang mabubuting gawa nati'y maruruming basahan ang katulad” sa harapan ng Diyos (Isaias 64:6). Mula ng magkasala si Adan, ang bawat isang tao sa mundo at nagkasala ng pagsuway sa makatuwirang utos ng Diyos. “sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Roma 3:23). Ang kasalanan ay hindi lamang malalaking pagkakasala gaya ng pagpatay at pamumusong, kundi maging ng pag-ibig sa salapi, pagkamuhi sa kaaway, at pagsisinungaling at pagmamataas. Dahil sa kasalanan, ang lahat ay nararapat na mamatay–at walang hanggang mahiwalay sa Diyos sa impiyerno.

Ang pangako ay nangangailangan ng kamatayan ng isang walang kasalanan.

Bagama’t pinalayas ng Diyos sina Adan at Eba mula sa hardin ng Eden, hindi Niya sila iniwan na walang pag-asa ng pakikipagkasundo sa Diyos. Ipinangako Niya na magpapadala Siya ng isang Tagapagligtas upang talunin ang ahas (Genesis 3:15). Mula noon, naghahandog na ang mga tao ng mga tupa bilang pagpapakita ng kanilang pagsisisi sa kasalanan at pananampalataya sa isang paghahandog na mula sa Diyos sa hinaharap na aako sa kaparusahan ng kasalanan. Muling kinumpirma ng Diyos ang Kanyang pangako para sa isang handog sa mga lalaking gaya nina Abraham at Moises. Dito natin makikita ang kagandahan ng perpektong plano ng Diyos: Ang Diyos mismo ang magkakaloob ng tanging handog (si Jesus) na makakatubos sa mga kasalanan ng kanyang bayan. Ginanap ng perpektong Anak ng Diyos ang perpektong kundisyon ng perpektong kautusan ng Diyos. Ito ay perpektong napakarunong sa kasimplehan nito. “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos” (2 Corinto 5:21).

Hinulaan ng mga propeta ang kamatayan ni Jesus.

Mula kay Adan hanggang kay Jesus, isinugo ng Diyos ang mga propeta sa sangkatauhan na binabalaan sila sa kaparusahan ng kasalanan at hinuhulaan ang pagdating ng Mesiyas. Inilarawan si Jesus ng propetang si Isaias:

“Sumagot ang mga tao, Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito? Kanino mo ipinakita ang iyong kapangyarihan? Kalooban ni Yahweh na matulad sa isang halaman ang kanyang lingkod, parang ugat na natanim sa tuyong lupa. Walang katangian o kagandahang makatawag-pansin, walang taglay na pang-akit para siya ay lapitan. Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng hapdi at hirap. Wala man lang pumansin sa kanya. Binaliwala natin siya, na parang walang kabuluhan. “Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling niya ang ating mga karamdaman. Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya. Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap. “Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita; tulad ay tupang nakatakdang patayin, parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan, at hindi umiimik kahit kaunti man. Nang siya'y hulihin at hatulan upang mamatay, wala man lamang nagtanggol sa kanyang kalagayan. Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan. Siya'y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman, kahit na siya'y walang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan.” Sinabi ni Yahweh, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala. Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli siyang lalasap ng ligaya; malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami, at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin. Dahil dito siya'y aking pararangalan, kasama ng mga dakila at makapangyarihan; sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng masasama. Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin” (Isaias 53:1-12). Inihalintuald ni Isaias ang paparating na handog sa isang tupa na papatayin para sa kasalanan ng iba.

Daan-daang taon ang lumipas, naganap ang hula ni Isaias sa perpektong Panginoong Jesus, na isinilang ni birheng maria. Nang makita Siya ni Juan Bautista, sumigaw ito, "“Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29). Sinundan Siya ng maraming tao para sa kagalingan at katuruan, ngunit kinutya Siya ng mga lider ng relihiyon. Isinigaw ng mga tao, “Ipako Siya sa krus!” Pinalo Siya ng mga sundalo, pinagtawanan at ipinako sa krus. Gaya ng inihula ni Isaias, ipinako si Jesus sa pagitan ng dalawang kriminal ngunit inilibing Siya sa libingan ng isang lalaking mayaman. Ngunit hindi Siya nanatili sa libingan. Dahil tinanggap ng Diyos ang handog ng Kanyang Kordero, ginanap Niya ang isang pang hula ng buhayin Niya si Jesus mula sa mga patay (Awit 16:10; Isaias 26:19).

Bakit kailangang mamatay ni Jesus? Tandaan na hindi ipagwawalang bahala ng Diyos ang kasalanan. Parurusahan Niya ang mga makasalanan at daranas sila ng hatol ng Diyos sa apoy ng impiyerno. Purihin ang Diyos! Tinupad Niya ang Kanyang pangako na magpapadala at maghahandog ng perpektong Kordero para akuin ang mga kasalanan ng mga nagtitiwala sa Kanya. Kailangang mamatay ni Jesus dahil Siya lamang ang nagiisang makakabayad sa kabayaran ng ating mga kasalanan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit kailangang mamatay ni Jesus?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries