settings icon
share icon
Tanong

Bakit tayo nilikha ng Diyos?

Sagot


Ang maiksing sagot sa katanungang "bakit tayo nilikha ng Diyos?” ay, "para sa Kanyang kasiyahan." Sinasabi sa Pahayag 4:11, "Karapat-dapat ka, O Panginoon at Diyos namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at karangalan at kapangyarihan, sapagkat nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nabuhay sila at nalikha." Inulit ng Colosas 1:16 ang katotohanang ito: "Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa"ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya." Bilang mga nilikha para sa Kanyang kasiyahan hindi ito nangangahulugan na ginawa ang tao upang aliwin ang Diyos o kailangan Niya ng libangan. Ang Diyos ay manlilikha at kasiyahan sa Kanya ang lumikha. Ang Diyos ay personal na persona at nasisiyahan Siya na ang Kanyang mga nilikha ay magkaroon ng tunay na relasyon sa Kanya.

Bilang mga nilikha ayon sa imahe at wangis ng (Genesis 1:27), ang mga tao ay may kakayahang kilalanin ang Diyos at sa gayon ay ibigin Siya, sambahin Siya, paglingkuran Siya at makapiling Siya. Hindi nilikha ng Diyos ang tao dahil kailangan Niya sila. Bilang Diyos, hindi Siya nangangailangan ng anuman o sinuman. Sa walang hanggan, hindi Siya nakadama ng kalungkutan, kaya hindi Siya naghanap ng isang kaibigan. Iniibig Niya tayo ngunit hindi ito nangangahulugan na kailangan Niya tayo. Kahit hindi Niya tayo nilikha, ang Diyos ay mananatiling Diyos - ang Isang hindi nagbabago (Malakias 3:6). Ang "Ako Nga" (Exodo 3:14) ay hindi nawalan ng kasiyahan sa Kanyang walang hanggang pasimula. Ng likhain Niya ang sansinukob, ginawa Niya ang makasisiya sa Kanya at dahil Siya ay perpekto, ang Kanyang gawa ay perpekto din naman. "At lubos Siyang nasiyahan" (Genesis 1:31).

Gayundin, hindi gumawa ang Diyos ng mga kasalamuha o mga nilalang na kapantay Niya. Lohikal na masasabi na hindi Niya gagawin iyon. Kung ang Diyos ay lilikha ng isang nilalang na kapantay Niya sa Kanyang kapangyarihan, karunungan, at kabanalan, titigil Siya bilang nagiisang tunay na Diyos sa simpleng dahilan na magkakaroon ng dalawang Diyos at iyon ay napakaimposible. "Walang ibang Diyos maliban sa kanya" (Deuteronomy 4:35). Ang anumang nilikha ng Diyos ay tiyak na mas mababa sa Kanya. Ang bagay na nilikha lamang ay hindi maaaring maging higit o maging kapantay ng Isa na lumikha sa kanya.

Sa pagkilala sa walang hanggang kamapahalaan at perpektong kabanalan ng Diyos, namamangha tayo na lilikhain Niya ang tao at bibigyan siya ng "luningning at kadakilaan" (Awit 8:5) at bababa Siya mula sa langit upang tawagin tayong mga "kaibigan" (Juan 15:14-15). Bakit tayo nilikha ng Diyos? Nilikha tayo ng Diyos para sa Kanyang kasiyahan upang tayo, bilang Kanyang mga nilikha ay magkaroon din naman ng kasiyahan sa pagkilala sa Kanya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit tayo nilikha ng Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries