settings icon
share icon
Tanong

Anu-ano ang mga batas ng thermodynamics at paano ito magagamit bilang ebidensya para sa paglikha ng Diyos sa sansinukob?

Sagot


Ang mga batas ng thermodynamics ay may kinalaman sa init at mekanikal na enerhiya, at ang konbersyon sa pagitan ng dalawa. Ang lahat ng pisikal, biolohikal at kemikal na proseso na nalalaman ng tao ay nakadepende sa dalawang batas na ito.

Isinasaad ng unang batas ng thermodynamics na kilala rin sa tawag na konserbasyon, "Walang bagay na iiral pa lamang o matatapos sa pagiral; ang mga bagay at enerhiya ay maaaring gawing ibang bagay at ibang uri ng enerhiya, ngunit hindi nadadagdagan ang kabuuang bilang ng mga bagay na umiiral." Sa ibang salita, kahit gawing isang uri ng bagong bagay ang matter o anumang bagay, walang madadagdag o mababawas sa kabuuang bilang ng lahat ng bagay na umiiral.

Kaya ang tanong ay, kung ang mga bagay at enerhiya ay hindi nalilikha o nawawasak, saan ngayon nanggaling ang lahat ng mga bagay at enerhiya sa buong kalawakan? Alin sa tatlo, (a) ang sansinukob ay umiral ng walang Diyos kahit na napatunayan ng siyensya na imposible para sa isang bagay na lumabas mula sa walas. (b) Ang lahat ng bagay ay magkakasabay na umiral sa sangkalawakan, na napatunayan din ng siyensya na imposibleng mangyari, o (c) Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay. Ang pinakamakatuwiran at kapani-paniwalang paliwanag ay nilikha ng Diyos ang sangkalawakan at ang lahat ng bagay na naroroon.

Isinasaad ng ikalawang batas ng thermodynamics na ang kabuuang bilang ng isang saradong sistema ay hindi maaaring mabawasan: "Ang bawat sistema kung pababayaan sa kanyang sarili at tila gumagalaw mula sa kaayusan patungo sa kaguluhan, ang enerhiya nito ay maaaring mabago sa mas mababang antas ng paggawa hanggang sa tuluyang hindi na ito kumilos." Ipinaiiwanag ng manunulat at siyentipikong si Isaac Asimov, "Ang kalawakan ay laging nagiging magulo sa tuwina!..Ang dapat lamang nating gawin ay tumigil sa paggawa at ang lahat ng mga bagay ay masisira, guguho, maluluma kung iiwanan sa kanilang sarili – at ito ang mismong ibig sabihin ng ikalawang batas ng thermodynamics." Sa ibang salita, sa pagdaan ng panahon, ang lahat ng bagay ay patungo sa kaguluhan, kawalang kasiguraduhan at kawalan ng kaayusan.

Hinihingi ng ebolusyon na ang bawat pisikal na sistema mula sa antas ng pagigig atomic ay resulta ng kusa at pagiging mas kumplikado at may kaayusang proseso ng pagbuo. Iminungakahi ni Darwin na ang mga nabubuhay na organismo bilang halimbawa ay dumaan sa mahabang proseso ng masalimuot na mga ala-tsambang kaganapan ng ebolusyon. Gayunman, ang ganitong uri ng proreso ay tahasang pagsalungat sa ikalawang batas ng thermodynamics. Ayon sa mga pisikal na bata, ang bilang ng mga bagay ay dumarami at dahil dito, ang mga natural na proseso ay nasisira sa halip na mabuo (o nagbabago patungo sa isang bagay na mas kumplikado).

Kinukumpirma ng simpleng obserbasyon ang katotohanan ng ikalawang batas ng thermodynamics. Ang pintura ng bahay ay nababakbak at kumukupas sa paglipas ng panahon. Kumakapal ang alikabok. Ang bahay mismo ay masisira at kinakaliangan ang pagkukumpuni upang hindi lalong masira. Ang lahat ng mga bagay na nabubuhay ay namamatay, nabubulok at nagigigng alabok. Araw araw na akikita ng ating mismong mga mata ang resulta ng ikalawang batas thermodynamics.

Malinaw na ang pinakasimple at kapani-paniwalang paliwanag sa mga batas ng pisika at ang paglikha. Pinatototohanan ng Bibliya ang paglikha ng nagiisang tunay ng Diyos sa Aklat ng Genesis. Ngunit bakit kaya may mga taong naniniwala sa ebolusyon sa halip na maniwala na nilikha ng Diyos ang lahat ng tao? Ito ang sagot ng Mangaawit: "Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios" (Awit 14:1).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Anu-ano ang mga batas ng thermodynamics at paano ito magagamit bilang ebidensya para sa paglikha ng Diyos sa sansinukob?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries