settings icon
share icon
Tanong

Ano ba ang pagbautismo sa Banal na Espiritu?

video
Sagot


Ang pagbautismo ng Banal na Espiritu ay nagaganap kung kailan ang Espiritu ng Diyos ay ibinibigay sa isang mananampalataya sa kanyang pakikipag-isa kay Kristo, sa sandaling siya ay nakaranas ng pagliligtas ng Diyos. Ang mga pangunahing talata sa Bibliya na katatagpuan ng ganitong doktrina ay ang 1 Corinto 12:12-13 at Roma 6:1-4. Sinasabi ng 1 Corinto 12:13, “Ito ay sapagkat sa pamamagitan ng iisang Espiritu, tayo rin ngang lahat ay binautismuhan sa iisang katawan kahit tayo ay Judio o Griyego, alipin o malaya. At tayo rin ay pinainom sa iisang Espiritu.” Sinasabi naman ng Roma 6:1-4, “Ano ngayon ang sasabihin natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan upang ang biyaya ay sumagana. Huwag nawang mangyari. Papaano nga na tayong mga namatay sa kasalanan ay patuloy na mamumuhay pa roon? Hindi ba ninyo nalalaman na tayong mga nabautismuhan kay Kristo Hesus ay nabautismuhan sa Kaniyang kamatayan? Kaya nga, tayo ay inilibing na kasama Niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, si Kristo ay ibinangon mula sa mga patay. Sa gayunding paraan dapat tayong lumakad sa panibagong buhay.” Kahit na hindi direktang binanggit ng Roma 6 ang Espiritu ng Diyos, inilalarawan naman nito ang katayuan ng mga mananampalataya sa harapan ng Diyos at ipinapakita naman sa atin ng 1 Corinto 12 kung papaano ito nangyari.



Tatlong katotohanan ang kinakailangan nating isaalang-alang upang mas maunawaan natin ang ibig sabihin ng pagbautismo ng Espiritu. Una, maliwanag na sinasabi sa 1 Corinto 12:13 na ang lahat ay nabautismuhan kagaya na ang lahat ay uminom (Ang pananahan ng Espiritu). Pangalawa, hindi makikita sa Bibliya na hinihikayat ang mga mananampalataya na mabautismuhan ng Banal na Espiritu. Ito'y nagpapakita na ang lahat ng mga mananampalataya ay pinagdaanan na ang pangyayaring ito. At ikatlo, tinutukoy ng Efeso 4:5 ang tungkol sa pagbautismo ng Espiritu na isang katotohanan para sa lahat ng mga mananampalataya, kagaya ng pagakasabi na mayroon silang”isang pananampalataya” at “isang Ama.”

Ang pagbautismo ng Banal na Espiritu ay may kinapapalooban ng dalawang bagay, (1) inaanib tayo sa Katawan ni Kristo o sa katawan ng mga mananampalataya, at (2) nararanasan natin ang “pagkakapako natin sa krus” kasama ni Kristo. Bilang bahagi ng Kanyang katawan ito'y nangangahulugang tayo'y nabuhay na mag-uli sa panibagong buhay (Roma 6:4). Dapat nating gamitin ang ating mga Espiritwal na kaloob upang mapanatili na gumagana ng maayos ang katawan kagaya ng sinasabi sa konstekto ng 1 Corinto 12:13. Ang karanasan ng bautismo ng Espiritu ay batayan din ng pagpapanatili ng Iglesia, na isinasaad sa konteksto ng Efeso 4:5. Ang pagkakasama kay Kristo sa Kanyang pagkamatay, paglibing, at muling pagkabuhay sa pamamagitan ng pagbautismo ng Espiritu ay nagpapatunay ng ating pagkahiwalay mula sa kapangyarihan ng kasalanan tungo sa isang panibagong buhay (Roma 6:1-10, Colossas 2:12).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ba ang pagbautismo sa Banal na Espiritu?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries