Tanong
Sino ang bayan ng Diyos?
Sagot
Ang pariralang “bayan ng Diyos” ay laging naglalarawan sa isang relasyon. Tinawag ng Diyos si Abram (na tinawag ng lumaon na Abraham) sa Genesis 12 upang lisanin ang kanyang sariling bayan para sa isang bagong bayan na ipakikita sa kanya ng Diyos. Nang naroon na si Abram, sinabi ng Diyos sa Genesis 12:2, “Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin kong isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at mababantog ang iyong pangalan at magiging pagpapala sa marami.” Ang bayang ito ang magiging bansang Israel, ang unang grupo ng mga tao ng Diyos na tatawaging ‘bayan ng Diyos.’
Sinabi ng Diyos sa Israel sa pamamagitan ni Propeta Isaias, “Itinuro ko na upang malaman mo ang aking salita, At sa aking palad kita kinalinga; Ako ang nagladlad nitong kalangitan, Pati patibayan ng buong daigdig, ako ang naglagay; Sabi ko sa Jerusalem, 'Ikaw ang bayan ko na aking hinirang'" (Isaiah 51:16). Tiniyak din ng Diyos na ang bansang Israel ang Kanyang sariling bayan sa Ezekiel 38:14 sa isang hula sa katabing bansang Gog.
Ang mga tao bang hindi kabilang sa bansang Israel na naniniwala sa Mesiyas (si Hesu Kristo) na kabilang sa bansang Israel ay maituturing na bayan ng Diyos? Oo. Nagtungo si Hesus sa lupa hindi lamang upang iligtas ang mga kabilang sa bansang Israel kundi para din sa buong sangkatauhan (Roma 1:16, 10:12; Galacia 3:28). Ang relasyon ng Diyos sa kanyang bayan ay higit sa kanyang pagkatawag; tinatawag din nila Siya na kanilang Diyos. Sinabi ni David, “Alam kong nasasaliksik mo ang puso ng tao, at natutuwa ka sa matuwid. O Diyos, buong-puso kong ipinagkakaloob sa iyo ang lahat ng ito” (1 Cronica 29:17). Sa talatang ito, ipinakilala ang bayan ng Diyos sa kanilang kahandaan na ipagkaloob ang sarili sa Kanya sa halip na sa kanilang pagiging Israelita.
Ang sinumang kumilala kay Hesu Kristo bilang Tagapagligtas at Panginoon ay kabilang sa bayan ng Diyos. Ang relasyong ito ay hindi dahil sa pagiging miyembro ng simbahan o sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Ito ay ang pagdedesisyon na sumunod tanging sa Diyos lamang. Ito ang dahilan kung bakit inilalarawan sa 2 Corinto 6:16 at Markos 8:38 na kailangang mamili ang tao. At kung yayakapin natin ang Diyos at ang katotohanan tungkol sa kanya, yayakapin din Niya tayo. Kung naganap ito sa atin, tunay na tayo ay kabilang sa Kanyang bayan.
English
Sino ang bayan ng Diyos?