settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga pamahiin?

Sagot


Ang mga pamahiin ay nakabase sa isang ignoranteng paniniwala na may kapangyarihan diumano ang mga bagay-bagay. Ang isa pang terminolohiya para sa pamahiin ay “pagsamba sa diyus diyusan.” Hindi itinuturo sa Bibliya na may mga pangyayaring nagkataon lamang sa halip, walang anumang nagaganap sa mundo na labas sa walang hanggang kapamahalaan ng Diyos. Siya ang nagpapahintulot at gumagawa sa lahat ng bagay upang maganap ang Kanyang walang hanggang layunin (Gawa 4:28; Efeso 1:10).

Maraming iba’t ibang uri ng pamahiin sa mundo, mula sa hindi paglakad sa ilalim ng hagdan hanggang sa mga gawain ng okultismo gaya ng astrolohiya, itim at puting mahika, panghuhula, voodoo at pangkukulam. Kinokondena ng Kasulatan ang mga taong nagsasanay ng astrolohiya (Deuteronomio 4:19), mahika, panghuhula, at pangkukulam (2 Hari 21:6, Isaias 2:6). Ipinagbabawal din ang pagsamba sa diyus diyusan at walang sinuman na nagsasanay ng mga ito ang papasok sa kaharian ng Diyos (Pahayag 21:27). Ang mga ganitong uri ng gawain ay lubhang mapanganib dahil binubuksan nila ang isip ng mga nagsasanay nito sa mga gawain at impluwensya ng mga demonyo. Binalaan ang mga Kristiyano sa 1 Pedro 5:8: “Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya.”

Dapat nating iwaksi ang ating paniniwala sa mga bagay at mga ritwal na gawa ng tao. Ang ating pananampalataya ay dapat na nakatuon lamang sa nagiisang tunay na Diyos na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. “Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo: Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman at sa kaniya kayo'y napuspus na siyang pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan” (Colosas 2:8-10).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga pamahiin?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries