settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa karahasan?

Sagot


Ang karahasan ay “ang paggamit ng pisikal na lakas sa layunin na makapang abuso, makasakit o lumabag sa batas,” at nakalulungkot na ang karahasan ay bahagi na ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Mapapanood ito sa pelikula at mga palabas sa telebisyon at nabubuhay tayo sa isang mundo kung saan ang kapangyarihan ay natatag sa pamamagitan ng karahasan. Ngunit para sa mga Kristiyano, ang Salita ng Diyos ay laging mas mataas kaysa sa paraan ng sanlibutan. Kaya ano nga ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa karahasan?

Una sa lahat, ang karahasan sa isipan ay kasing sama ng aktwal na karahasan. Sinasabi sa Levitico 19:17, “Huwag kayong magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya.” Kung alam natin na nagkakasala ang isang tao, mabuti ba na manatiling tahimik at magtanim ng galit at sama ng loob sa taong iyon? Ang Diyos ang nagsasabi na dapat nating sabihin ng direkta ang katotohanan. Sinabi ni Hesus sa Mateo 5:21-22 na ang pagkapoot ay katumbas din ng pisikal na pananakit at karapatdapat din sa kaparusahan ng Diyos. Ang karahasan na ipinakikita ng isang tao sa kanyang kapwa ay maaaring ibalik sa kanya ng Diyos.

Paano naman ang karahasan sa konteksto ng digmaan? Naisalin ng mali ang Exodo 20:13 sa “huwag kang papatay,” ngunit ang literal na salin nito ay “huwag mong sasadyaing pumatay.” Pinahintulutan ng Diyos ang mga digmaan sa kasaysayan ng Kanyang bansang hinirang. Mula kay Abraham hanggang kay Deborah, nakipaglaban ang mga Israelita bilang instrumento upang malaman ng mga bansa ang katarungan at kabanalan na Diyos. Sinasabi sa atin sa Roma 13:1-4 na dapat tayong magpasakop sa mga pamahalaang umiiral dahil may karapatan silang magparusa sa mga gumagawa ng masama.

Nangyayari ang karahasan, ngunit dapat nating kilalanin ang pagkakaiba sa pagitan ng banal na hatol ng Diyos sa kasalanan at ang ating paghihiganti laban sa ating mga kaaway na hindi maiiwasang resulta ng pagmamataas (Awit 73:6). Habang may inklinasyon ang mga tao na tanggapin ang karahasan (lalo na sa mga kultura na inilalarawan ang mga tunay na lalaki na hindi umiiyak, laging may nakahandang plano at may dalang baril), isinulat ng pinakamatalinong taong nabuhay sa mundo, “Huwag kang maiinggit sa taong marahas ni lalakad man sa masama niyang landas” (Kawikaan 3:31). Ginagapi ng panalangin at katiyagaan ang karahasan sa lahat ng panahon.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa karahasan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries