Tanong
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paninirang puri?
Sagot
Ang paninirang puri ay paggawa ng isang maling pahayag sa pananalita na sumisira sa reputasyon ng isang tao. May kaunting pagkakaiba sa pagitan ng paninirang puri (slander) at libel (paninirang puri din sa tagalog) dahil ang libel ay maling pahayag sa panulat; ang slander naman ay paninirang puri sa pamamagitan ng tsismis o verbal na pamamaraan. Maraming sinasabi ang Bibliya parehong sa Luma at Bagong Tipan tungkol sa paninirang puri, (Kawikaan 10:18; 1 Pedro 2:1). Napakataas ng ranggo ng paninirang puri sa listahan ng mga kasalanan laban sa Diyos na isinama Niya ito sa Sampung Utos. Sinasabi sa ika-siyam na utos, ""Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa." (Exodo 20:16). Kabilang ang paninirang puri sa pagsaksi nang walang katotohanan dahil ipinapakalat ang kasinungalingan laban sa isang tao. Ang paninirang puri ay simpleng pagsisinungaling patungkol sa isang tao ng may intensyon na pasamain o gawing negatibo ang pananaw ng iba sa taong iyon.
Ang paninirang puri ay malisyosong pagsisinungaling, at kinasusuklaman ng Diyos ang pagsisinungaling (Kawikaan 6:16–19; 12:22). Dahil ang Diyos ang may akda ng katotohanan (Juan 14:6; 1 Juan 5:6), anumang hindi totoo ay paglaban sa kanyang kalikasan at kasuklam-suklam sa Kanya. Ang paninirang puri at pagtitisismis sa kapwa ay parehong mali, at laging kinokondena ng Kasulatan ang dalawang ito ng magkasama (Leviticus 19:16; Kawikaan 16:27; 2 Corinto 12:20). Kinokolekta ng tsismis ang mga sekreto ng isang tao at ipinapasa iyon sa iba; ang paninirang puri naman ay gumagawa ng sariling sikreto ng iba at ikinakalat iyon kung saan mas makakasira iyon sa iba.
Tintukoy sa Bagong Tipan ang paninirang puri bilang gawain ng ating makasalanagn kalikasan. Walang puwang ang paninirang puri sa ating mga buhay ng gawin tayong mga bagong nilalang kay Cristo (2 Corinto 5:17). Sinasabi sa Colosas 3:7–8, "Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito. Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita." Dapat na nakatalaga ang ating mga salita para sa kaluwalhatian ng Diyos, gaya ng ating mga katawan (Roma 12:1–2; Efeso 4:29). Ang mga nakakakilala sa Diyos ay may responsibilidad na tumigil sa paninirang puri: "Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa panlalait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos. Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid" (Santiago 3:9–10). Ang paninirang puri ay isang pagsasanay na dapat tigilan kung nilalayon nating sumunod kay Jesus (tingnan ang Roma 6:11–14).
Sa Roma 1:28–32, inilista ni Pablo ang maraming katangian ng isang makasalang pagiisip, at kasama ang paninirang puri sa listahang ito (t. 30). Kung sinisiraan natin ang ibang tao, pinipili natin na lumabas sa landas na itinalaga sa atin gn Diyos. Hindi Siya makikilahok sa atin sa ating pagtatangka na wasakin ang isang tao sa pamamagitan ng ating pananalita. Nagmumula ang paninirang puri sa puso, at sa tuwing natutukso tayo na magsalita ng kasinungalingan tungkol sa ibang tao, dapat nating suriin ang ating sariling puso at tingnan ang pangit na ugat na lumilikha ng pagnanasang iyon. Sinabi ni Jesus, "Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso at iyon ang nagpaparumi sa tao. Sapagkat sa puso nagmumula ang masasamang pag-iisip, pagpaslang, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsisinungaling, at panlalait" (Mateo 15:18–19). Nais ng Diyos na makita natin na ang paninirang puri sa ibang tao ay isang indikasyon na hindi tama ang ating puso. Ang pagnanais na manira ng iba ay maaaring mag-ugat sa sama ng loob (Hebreo 12:15), mula sa hindi pa nalulutas na sakit ng kalooban (1 Pedro 3:14–16), mula sa hindi pagpapatawad (2 Corinto 2:10–11; Efeso 4:32), mula sa inggit at selos (Galacia 5:20; 2 Corinto 12:20), o mula sa iba pang mga kasalanan ng puso.
Ang solusyon ng Diyos sa paninirang puri ay pag-ibig sa isa't isa (Juan 13:34). Hindi natin sisiraan ang mga taong ating iniibig (1 Corinto 13:4–7). Ninanais ng pag-ibig ang ikabubuti ng iba, at nangangahulugan iyon ng pagbabantay sa kanilang reputasyon gaya ng ginagawa natin sa ating sariling reputasyon (Mateo 7:12). "Sapagkat ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kapwa, kaya ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan" (Roma 13:10). Kung itinutuon natin an gating atensyon sa pagsunod sa panginoon sa pamamagitan ng pag-ibig sa iba gaya ng pag-ibig Niya sa atin, hindi tayo matutukso ng paninirang puri.
English
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paninirang puri?