Tanong
Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa terorismo?
Sagot
Hindi direktang tinatalakay ng Bibliya ang paksa tungkol sa terorismo, partikukar ang uri ng terorismo na alam natin sa kasalukuyan. Ang "tunay" na terorismo ay isang pagtatangka na magtanim ng takot, at kaguluhan sa isang target na populasyon sa pamamagitan ng paggamit ng dahas. Ang layunin ng mga gawain ng terorismo ay para i-bully ang isang pamahalaan o kultura para sundin ng pamahalaan ang hinihingi ng mga terorista. Sa ilang mga pagkakataon, ang pagpatay ay walang tiyak na layunin o bilang kaparusahan o dahil sa paghihiganti.
Ang balita ng pagatake noong unang panahon ay sa pamamagitan lang ng bukambibig kaya hindi agad nababalitaan. Ang kakayahan na magdulot ng malaki at mabilisang pinsala kasabay ng mabilis na pagkalat ng balita — lalo na ng mga madugong larawan at video — ang dahilan sa likod ng pangunawa natin sa terorismo ngayon. Ang mga kakayahang ito ay hindi pa umiiral sa panahon ng Bibliya. Gayunman, ang mga pahayag sa Lumang Tipan tungkol sa responsibilidad ng Israel sa panahon ng digmaan, ang komento ng Kasulatan tungkol sa mga grupong tinatarget ang mga inonsente at ang pangkalahatang diwa ng Kristiyanong moralidad ay tumututol laban sa tinatawag natin ngayon na terorismo.
Ang mga sinaunang sundalo ang mas may posibilidad na sadyang pumatay ng mga inosente: sa katunayan ang ideya ng pagiwas sa pagpatay sa mga babae at bata ay hindi pamilyar sa sinaunang mga bansa sa malayong Silangan. Gayunman, binigyan ng Diyos ng malinaw na tagubilin ang Israel sa pakikipagdigma na nagpaganda ng pagtrato sa mga tao sa sa operasyong militar. Binigyan ng pagkakataon ang mga sundalo na umuwi kung sila'y bagong kasal, natatakot o hindi handa sa pakikipaglaban. Hindi sila hinihimok na sadyang itaya ang buhay o magpakamatay sa gitna ng labanan (Deuteronomio 20:5–8). Inutusan ang Israel na magalok ng kapayapaan — kasama ang babala — sa isang siyudad bago ang isang pagatake (Deuteronomio 20:10). Ang prosesong ito ay hindi lamang naglalaan ng lugar para sa kapayapaan, kundi nagbibigay din sa mga hindi kabilang sa sandatahan ng kalabang bansa na makatakas bago ang labanan.
Hindi inuutusan ang Israel na atakehin ang mga sibilyan gaya ng ginagawa ng modernong terorismo. At laging pinaaalalahanan ang mga Israelita na ang limitado at isang beses na utos sa pagatake ay dahil sa kasamaan ng kanilang mga kaaway, hindi dahil mas makapangyarihan sila kaysa iba (Deuteronomio 9:4–6).
Ipinapahayag din ng Bibliya ang pagkondena sa pagpatay sa mga walang malay. Paulit-ulit na kinokondena sa Kasulatan ang mga gumagamit ng karahasan laban sa mga walang laban at hindi lumalaban (Deuteronomio 27:25; Kawikaan 6:16–18). Ang mga gumagamit ng pangkaraniwang taktika gaya ng pagatake sa mga sibilyan at paghimok sa terorismo ay hindi rin pinahihintulutan (Jeremias 7:6; 19:4; 22:3, 17). Maging sa mababang antas, ang paggamit ng ambush para patayin ang kalaban ay itinuturing na murder o sinadyang pagpatay (Deuteronomio 19:11).
Ang temang ito ay nagpatuloy sa Bagong Tipan kung saan malinaw na tinuruan ang mga Kristiyano na huwag gumamit ng dahas para ipagtanggol si Cristo (Mateo 10:52). Ang pagtatangka sa marahas na pagpapatalsik sa isang pamahalaan ay hindi pinahihintulutan (Roma 13:1). Sa halip, dapat na suklian ng mga Kristiyano ang kasamaan ng kabutihan (Roma 12:21).
Sa pangkalahatan, ang terorismo ay salungat sa pananaw ng Kasulatan. Ang paglaban sa terorismo ay ipinahayag sa parehong Luma at Bagong Tipan. Ang mga prinsipyo ay mailalapat sa mga bansa at sa indibidwal. Hindi malinaw na tinatalakay ang makabagong konsepto ng terorismo sa Bibliya ngunit malinaw nitong kinokondena ang lahat ng bagay tungkol dito.
English
Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa terorismo?