settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kalungkutan?

Sagot


Ang pagiisa at kalungkutan ay dalawang magkaibang bagay. Maaaring nag-iisa ang isang tao ngunit hindi nakakadama ng kalungkutan at ang isa naman ay nalulungkot sa isang silid na puno ng tao. Ang kalungkutan kung gayon ay isang kalagayan ng pagiisip, isang emosyon na sanhi ng pakiramdam ng pagkahiwalay mula sa ibang tao. Ang pakiramdam ng pag-iisa ay malalim na nadarama ng mga taong malungkot. Ang salitang Hebreo na isinalin sa salitang "mapanglaw" o "malungkot" sa Lumang Tipan ay nangangahulugang "walang kasama," nagiisa, isang taong walang kasama, iniwanan, sawimpalad." Wala ng mas malalim pang kalungkutan na maaaring pumasok sa isipan kaysa sa ideya na nagiisa tayo dito sa mundo, na walang sinuman ang nagmamalasakit sa anumang bagay na nangyayari sa atin, o wala man lang magmamalasakit sa atin kahit sa oras ng kamatayan.

Maaaring walang sinuman ang nakadama ng kalungkutan na gaya ng nadama ni David. Sa isang serye ng maalab at buong pusong pagtawag sa Diyos, dumaing si David sa Diyos dahil sa kalungkutan at kawalang pag-asa. Nag-alsa laban sa kanya ang kanyang anak, hinabol siya ng mga lalaki ng Israel, at sapilitan siyang tumakas mula sa siyudad at iniwan ang kanyang tahanan at pamilya. Malungkot at puno ng pasakit, (Awit 25:16), ang kanyang tanging magagawa ay lumapit sa Diyos at magmakaawa para sa Kanyang pagkilos (Awit 25:16–21) dahil ang Kanyang tanging pag-asa ay sa Kanya. Mahalagang pansinin na ang salitang "malungkot" ay hindi ginamit sa Bagong Tipan para ilarawan ang tao. Sa Bagong Tipan, ang salitang "malungkot" ay nabanggit lamang ng dalawang beses at sa parehong pagkakataon, ito ay tumutukoy sa mga lugar na mapanglaw o walang tao (Markos 1:45; Lukas 5:16), kung saan pumunta si Jesus upang mapag-isa.

Anuman ang dahilan ng kalungkutan, para sa isang Kristiyano, laging iisa ang lunas — ang muling nagbigay ng katiyakan at nagpanumbalik ng lakas ng loob ng hindi mabilang na mga Kristiyano na nagdusa sa mga bilangguan hanggang sa humarap sa kamatayan alang-alang kay Cristo. Si Cristo ang ating "kaibigang higit pa sa kapatid" (Kawikaan 18:24), na nag-alay ng Kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan (Juan 15:13-15), at ang nangako na hindi tayo iiwan ni pababayaan man hanggang sa katapusan ng sanlibutan (Mateo 28:20). Maaari tayong makatagpo ng kaaliwan sa isang lumang imno kung saan napakagandang inilarawan ang mapagmahal na kalinga ng ating Panginoong Jesu Cristo: "Bibiguin ako ng aking mga kaibigan, sasaktan ako ng aking mga kaaway, ngunit kasama ko Siya hanggang wakas. Halleluiah, O aking Tagapagligtas!"

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kalungkutan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries