Tanong
Kasalanan ba ang mga biglaang masamang pagiisip? Ang biglaan bang marahas, sekswal o mapamusong na pagiisip ay kasalanan?
Sagot
Halos lahat ng tao, sa isang punto ng kanilang buhay ay nakaranas na ng biglaang masamang pagiisip. Ang mga ito ay hindi sinasadya gaya ng biglaang pagiisip dahil sa isang malaswang larawan, masasamang salita o biglaang masamang saloobin na napaka-pangkaraniwan sa lahat ng tao. Ang biglaan at hindi sinasadyang mapangahas na pagiisip ng karahasan sa mga bata o sa mga hayop, hindi tamang sekswal na gawain, at pamumusong ay maaaring lumigalig sa isip at puso at maging sanhi para sa iba upang pagdudahan ang kanilang kalgitasan. Ngunit ang mga ito ba ay kasalanan?
Hindi nasosorpresa ang Diyos ng mga mapangahas at biglaang masamang pagiisip. Alam Niyang lahat ang ating mga iniisip — sinasadya man o hindi (Awit 139:2). Alam din Niya ang kahinaan ng isip ng tao —" Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan" (Awit 94:11). Ang isa sa pinaka-kinatatakutan ng tao tungkol sa mga mapangahas na pagiisip ay kung hindi ba sila mapapatawad ng Diyos. Alam ng Diyos na namumusong ang masasamang tao (Awit 10:4), ngunit lagi Siyang handang magpatawad — "Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana" (Isaias 55:7). Bilang karagdagan, alam na alam ng Diyos ang pagkakaiba sa pagitan ng kumbiksyon ng isang makasalanang puso at ang panandaliang masamang pagiisip ng isang taong nakakakilala at sumusunod sa Kanya (1 Cronica 28:9). "Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso" (Hebreo 4:12).
Binigyan tayo ng Diyos ng armas upang labanan ang mga biglaang masamang pagiisip. Hinihimok tayo ng Awit 139:23-24 na ipasakop sa Diyos ang ating mga puso at pagiisip. Alam ng Diyos kung may isang bagay na makakasama sa atin at kailangang bigyan ng solusyon. Kung tunay na hindi sinasadya at daglian ang isang masamang pagiisip, ipinapaliwanag sa 2 Corinto 10:3-5 kung ano ang susunod nating gawin, "Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad. Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo. Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin." Ang mga mapamusong, mapanira at palabang pagiisip at saloobin ay bahagi ng espiritwal na pakikibaka at kinakailangan natin ang tulong ng Diyos upang malabanan ang mga ito. Sa pamamagitan ng pagaaral ng Salita ng DIyos, pagsasaulo ng mga talata sa Kasulatan, at sa pagpapaalala sa ating isipan ng mga katotohanan ng Salita ng Diyos, maaaring mabawasan at mapagtagumpayan ang biglaang masamang pagiisip—"Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa" (Awit 94:19).
Hindi masasabi agad-agad na kasalanan ang mga mapangahas at panandaliang masamang pagiisip—maging ang pamumusong. Mahina ang ating isip at madaling naiimpluwensyahan ng kamunduhan sa ating paligid. Ngunit ang intensyonal o sinasadyang pamumusong, karahasan, at iba pa ay kasalanan. Habang mas napapalibutan tayo ng mga makamundong bagay, mas madaling maimpluwensyahan ng mundo ang ating mga isipan. Kaya nga, dapat nating ituon ang ating pansin sa "anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan (Filipos 4:8). Kung pupunuin natin ang ating sarili ng mga bagay na mabuti, pagpapalain tayo ng Diyos: "Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa" (Awit 1:1–3).
Minsan, ang biglaang masamang pagiisip ay maaaring maging sa aspetong espiritwal. Kung hindi nasosolusyunan ng pagsasaulo ng mga talata sa Bibliya at ng panalangin ang biglaang masamang pagiisip, maaaring ang batas ng laman ang nananaig. Ang biglaang masamang pagiisip ay sintomas ng problema sa emosyon, depresyon pagkatapos ng panganganak, at kakulangan sa atensyon at iba pang karamdaman sa saykolohiya. Kung paanong nagkaloob ang Diyos ng mga propesyonal na nagsanay upang makapagpayo sa espiritwal na aspeto, ibinigay din Niya sa atin ang mga doktor at propesyonal na tagapayo upang tumulong sa ating mental at pisikal na aspeto. Kung nagpapatuloy ang pagkakaroon ng biglaang masamang pagiisip at nakakasira na ito sa pangaraw-araw na buhay ng isang tao, dapat nating tanggapin na minsan kailangan ang pagpapakumbaba at paghingi ng tulong para sa "daang walang hanggan" (Awit 139:24).
English
Kasalanan ba ang mga biglaang masamang pagiisip? Ang biglaan bang marahas, sekswal o mapamusong na pagiisip ay kasalanan?