settings icon
share icon
Tanong

Ano ang biblikal na kahalagahan ng bilang na pito/7?

Sagot


Sa buong Bibliya, laging nagbibigay ang Diyos ng mga simbolo para sa mga hindi gaanong mahalagang konsepto o bagay. Halimbawa, sa Genesis 9:12–16, ginawa ng Diyos na tanda ang bahaghari para kay Noe (at para din sa buong sangkatauhan) na hindi na Niya palulubugin muli sa baha ang buong mundo. Ginamit ng Diyos ang tinapay bilang representasyon ng Kanyang presensya sa mga tao (Bilang 4:7); ng kaloob na buhay na walang hanggan (Juan 6:35); at ng napakong katawan ni Cristo na inihandog para sa ating mga kasalanan (Mateo 26:26). Ang bahaghari at ang tinapay ay mga kilalang simbolo sa Kasulatan. Ang mga hindi gaanong halatang mga kahulugan ang tila nakaugnay sa mga ilang numero sa Bibliya, lalo na ang bilang na 7 na may mga pagkakataon na nagbibigay ng espesyal na diin sa teksto.

Ang unang teksto kung saan ginamit ang bilang na 7 sa Bibliya ay may kaugnayan sa mga araw ng paglikha sa Genesis 1. Ginugol ng Diyos ang anim na araw sa paglikha sa mga langit at lupa at pagkatapos ay nagpahinga Siya sa ikapitong araw. Ito ang ating modelo para sa pitong araw ng sanlinggo, na ginugunita sa buong mundo hanggang sa panahong ito. Ang ikapitong araw ay “ibinukod para sa Israel;” ang Sabbath na isang araw na banal na kapahingahan (Deuteronomio 5:12).

Kaya nga sa umpisa pa lamang ng Bibliya, ang bilang na 7 ay nakilala bilang isang numero na nakaugnay sa isang bagay na “natapos” o “nakumpleto” na. Mula noon, nagpatuloy ang kaugnayan dahil ang numerong 7 ay laging nakikita isang konteksto na kinapapalooban ng pagiging kumpleto o banal na perpeksyon. Kaya makikita natin na ang utos na dapat na ang isang hayop ay pitong araw na ang pinakamababang gulang bago gamitin bilang panghandog (Exodo 22:30), ang utos sa ketonging si Naaman na lumublob sa ilog Jordan ng pitong beses para makumpleto ang kanyang kagalingan (2 Hari 5:10), ang utos kay Josue na magmartsa ng paikot sa Jericho sa loob ng 7 araw (at sa ikapitong araw ay umikot ng pitong beses) at sa pagihip ng pitong saserdote sa pitong trumpeta sa labas ng moog ng siyudad (Josue 6:3–4). Sa mga pangyayaring ito, ang bilang na 7 ay nagpapahiwatig ng kaganapan: isang plano ng Diyos ang natupad.

Kapansin-pansin na nilikha ang tao sa ikaanim na araw ng paglikha. Sa ilang mga talata sa Bibliya, ang bilang na 6 ay nakaugnay sa sangkatauhan. Sa aklat ng Pahayag, “ang bilang ng halimaw” ay tinatawag na “bilang ng isang tao. Ang bilang na iyon ay 666” (Pahayag 13:8). Kung ang bilang ng Diyos ay 7, ang bilang naman ng tao ay 6. Ang bilang na 6 ay kapos sa 7, gaya ng “ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Roma 3:23). Ang tao ay hindi Diyos, kung paanong ang 6 ay hindi 7.

Ang serye ng pitong mga bagay ay laging makikita sa Bibliya. Halimbawa, makikita natin ang pitong pares ng bawat malinis na hayop sa arko (Genesis 7:2); ang pitong patungan ng ilaw sa tabernakulo (Exodo 25:37); pitong katangian ng Mesiyas sa Isaias 11:2; pitong tanda sa Ebanghelyo ni Juan; pitong bagay na kinamumuhian ng Panginoon sa Kawikaan 6:16; pitong talinghaga sa Mateo 13; at pitong kapighatian sa Mateo 23.

Marami ding ulit ng 7 ang makikita sa mga salaysay sa Bibliya: ang “pitumpong linggo” sa hula sa Daniel 9:24 ay tutumukoy sa 490 taon (7 times 7 times 10). Hinulaan sa Jeremias 29:10 na ang pagkabihag ng mga Judio sa Babilonia ay tatagal ng pitumpong taon (7 times 10). Ayon sa Levitico 25:8, ang taon ng Jubilee ay magsisimula pagkatapos ng ika-49 taon (7 times 7).

Minsan, ang simbolo ng 7 ay isang dakilang kapanatagan para sa atin: Si Jesus ang pitong “Ako nga: sa Ebanghelyo ni Juan. Sa ibang pagkakataon, hinahamon tayo ng numerong 7: Sinabi ni Jesus kay Pedro na patawarin ang nagkasala ng “pitumpung pitong” beses (Mateo 18:22). At may mga talata sa Bibliya kung saan ang bilang na 7 ay may kaugnayan sa paghatol ng Diyos: ang 7 mangkok ng Dakilang Kapighatian, halimbawa (Pahayag 16:1), o babala ng Diyos sa Israel sa Levitico 26:18.

Tungkol sa aklat ng Pahayag, ang bilang na 7 ay ginamit ng 50 beses sa iba’t ibang konteksto: may 7 sulat sa 7 iglesya sa Asya at 7 espiritu sa harap ng trono ng Diyos (Pahayag 1:4), 7 gintong kandelero (Pahayag 1:12), 7 bituin sa kanan ni Cristo (Pahayag 1:16), 7 tatak ng hatol ng Diyos (Pahayag 5:1), 7 anghel na may 7 trumpeta (Pahayag 8:2), atbp. Sa pinakamalapit, ang bilang na 7 muli ay kumakatawan sa kakumpletuhan ng katawan ni Cristo, ang 7 tatak sa balumbon ay kumakatawan sa kakumpletuhan ng parusa ng Diyos sa makasalanang mundo. At siyempre, ang aklat ng Pahayag mismo, sa mga binanggit nitong 7, ay ang batong pantakip ng Salita ng Diyos sa tao. Sa aklat ng Pahayag, nakumpleto ang Salita ng Diyos (Pahayag 22:18).

Lahat-lahat, ang mga salitang may kaugnayan sa 7 (mga salitang gaya ng pitong beses o pitumpo o pitong daan), ay ginamit sa Bibliya ng mahigit sa pitong daang beses. Kung isasama din natin ang mga salitang may kaugnayan sa 7 (gaya ng mga salitang pitong beses, o pitumpo, o pitong daan), mas mataas pa dito ang bilang. Siyempre, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may malalim na kahulugan ang bilang na 7 sa Bibliya. Minsan, ang bilang na 7 ay simpleng 7 at dapat tayong maging maingat sa paglalagay ng kahulugan sa anumang teksto, lalo na kung hindi sinasabing maliwanag ng Kasulatan ang ganoong pakahulugan. Gayunman, may mga pagkakataon na tila ipinapaalam ng Diyos ang isang ideya ng pagiging kumpleto, ganap, o buo sa pamamagitan ng bilang na 7.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang biblikal na kahalagahan ng bilang na pito/7?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries