settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga karanasan ng pagkabingit sa kamatayan?

Sagot


Ang isang karanasan ng pagkabingit sa kamatayan ay nangyayari kung ang isang tao ay muntik-muntikanan ng mamatay at pagkatapos na makaligtas sa kamatayan ay nagkukuwento ng isang hindi karaniwang karanasan, na sa pangkalahatan ay isang karanasan ng labas sa katawan o isang uri ng pangitain ng langit o impiyerno. Walang partikular na suporta mula sa Bibliya sa mga karanasang ito. Maraming tao ang ginagamit ang 2 Corinto 12:2-5 bilang teksto na nagpapatunay diumano sa mga karanasan habang nasa bingit sa kamatayan. Gayunman, ang paggamit sa talatang ito ay pagkakaroon ng malayang interpretasyon at pagpapalagay na ang taong tinutukoy sa talata (ipinagpapalagay na si Pablo) ay talagang namatay na o di kaya naman ay malapit ng mamatay ng matagpuan niya ang kanyang sarili sa langit. Hindi sinasabi saanman sa talata na ang taong iyon ay namatay o nasa bingit ng kamatayan. Ito ay isang pangitain tungkol sa langit na ibinigay ng Diyos sa taong iyon, hindi isang karanasan habang nasa bingit ng kamatayan.

Sa kabila nito, hindi naman imposible para sa Diyos na bigyan ang isang tao ng mga kakaibang karanasan habang nasa bingit ng kamatayan o bigyan ang sinuman ng isang pangitain ng langit. Gayunman, sa pagkakumpleto ng canon ng Bibliya, ang mga pangitain ay hindi na normal na karanasan para sa mga Kristiyano ngayon.

Dapat tayong maging napakaingat kung paano natin uunawain ang ating mga karanasan. Ang pinakamahalagang pagsusuri sa anumang karanasan ay ang pagkukumpara sa mga iyon sa Salita ng Diyos. Laging handa si Satanas na mandaya at mambaluktot ng isip ng tao. "At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa" (2 Corinto 11:14-15).

Dahil tahimik ang Bibliya patungkol sa mga kakaibang karanasan habang nasa bingit ng kamatayan, at hindi rin kayang patunayan ang katotohanan ng mga ito ng mga pagsasaliksik sa siyensya, simpleng hindi natin matatanggap ang katotohanan ng mga karanasang ito. Labis din naman kung sasabihin na ang isang kakaibang karanasan habang nasa bingit ng kamatayan ay inimbento, o gawa ni Satanas, ngunit may seryosong dahilan ang Bibliya upang hindi sila paniwalaan. Muli, ang anumang paglalarawan ng isang karanasan habang nasa bingit ng kamatayan ay dapat na suriin ayon sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Kung ang isang karanasan ay nagmula sa Diyos, ito ay sasang-ayon sa mga kapahayagan ng Diyos na Kanyang ipinaalam sa atin sa pamamagitan ng Bibliya at makalululwahati sa Kanya at sa pangalan ni Hesu Kristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga karanasan ng pagkabingit sa kamatayan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries