Tanong
Ano ang bituin ni David at naaayon ba ito sa Bibliya?
Sagot
Walang banggit sa bituin (o kalasag) ni David sa Bibliya. May ilang kuwento ang mga Rabbi tungkol sa pinagmulan ng bituin ni David. Ito ay mula sa hugis ng bituin na isang imbensyon diumano ni Bar Kokhba, isang lider ng mga Judio na namuno sa tinatawag na rebelyong Bar Kokhba laban sa imperyo ng Roma noong AD 132. Ang mga Mekubbalim (mga tagasunod ni Kabbala) ay nagaangkin na ang simbolo ay may kapangyarihan ng mahika. Walang maliwanag na suporta mula sa kasaysayan o arkeolohiya para sa mga pagaangking ito.
Ang bituin ay binubuo ng dalawang magkalakip na triyanggulo: ang isa ay nakaturo sa langit sa Diyos at ang isa naman ay nakaturo pababa sa tao na sumisimbolo sa relasyon sa pagitan ng dalawa—o "ang pagtatagpo ng dalawang dimensyon" (source: Franz Rosenzweig, Star of Redemption, 1912). Sinabi ni Rosenzweig na ang anim na dulo ay kumakatawan sa tatlong triads: paglikha, kapahayagan, at katubusan, kasama ang Diyos, Israel at ang mundo ng mga Hentil. Ang mga ito ay Eder na kumakatwan sa anim na aspeto ng Espiritu ng Diyos ayon sa Isaias 11:2 (Eder, The Star of David, p. 73). Itinuturo ni Kabbala na ang anim na dulo ay sumisimbolo sa kapamahalaan ng Diyos (hilaga, timog, silangan, kanluran, pataas, at pababa). Ang bituin ay may labindalawang linya sa palibot nito, na posibleng kumakatawan sa labindalawang lipi ng Israel.
Ang mga pinakaunang tuklas sa arkeolohiya na nagtataglay ng tatak ng bituin ni David ay isang puntod ng isang Judio sa Tarentum, Italy, na tinatayang inilibing noong ikatlong siglo at isang pader ng isang sinagoga noong ika-anim na siglo sa loob ng sinaunang Israel. Bihira lang itong ginamit hanggang sa opisyal itong gamitin ng mga Judio sa Prague noong ika-labimpitong siglo at kalaunan, noong 1897 ng kilusang "Zionism." Ginamit ng mga Alemang Nazi ang simbolong ito para markahan ang mga Judio sa kanilang hangganan at pagkatapos ng maraming debate, ginamit ito sa pambansang watawat ng Israel noong 1948. Dahil dito, ang bituin ni David ay kinikilala ngayon sa buong mundo bilang representasyon ng Judaismo, Israel at Zionism.
English
Ano ang bituin ni David at naaayon ba ito sa Bibliya?