settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin na si Hesus ang Bugtong na Anak ng Diyos?

Sagot


Ang pariralang “bugtong na Anak ng Diyos” ay makikita sa Juan 3:16, na kung babasahin sa saling King James ay, “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ang pariralang “Bugtong na Anak” ay ang salin sa Tagalog ng salitang Griyego na “monogenes.” Ang salitang ito ay isinalin sa iba'tibang wikang Tagalog na “nagiisa,” “tangi” at “bugtong.”

Ang huling parirala na “bugtong na Anak” na ginamit sa saling King James, NASB at NKJV ang dahilan ng maling interpretasyon ng iba. Maraming mga bulaang guro ang ginagamit ang pariralang ito upang patunayan na si Hesus ay hindi Diyos o si Hesus ay hindi kapantay ng Diyos Ama bilang ikalawang persona ng Trinidad. Itinuturo nila na ang salitang “bugtong na Anak” ay nangangahulugan na si Hesus ay nilikha lamang ng Diyos dahil ang isang may pasimula lamang ang maaaring tawaging “bugtong.” Ang hindi naiintindihan ng mga bulaang gurong ito ay ang salitang “bugtong” ay salin lamang mula sa salitang Griyego na “monogenes.” Dahil dito, kinakailangan nating tingnan ang orihinal na kahulugan ng salitang Griyego na “monogenes” na isinalin sa salitang tagalog na “bugtong.”

Ano ang ibig sabihin ng salitang “monogenes?” Ayon sa Greek-English Lexicon ng Bagong Tipan at ng iba pang naunang literaturang Kristiyano, ang salitang “monogenes” ay may dalawang pangunahing kahulugan. Ang una ay tumutukoy “sa pagiging nagiisa at natatangi sa isang partikular na relasyon.” Ito ang kahulugan ng paggamit nito sa Hebreo 11:17 ng tukuyin ng manunulat si Isaac bilang “bugtong na anak” ni Abraham. May higit sa isang anak si Abraham, ngunit si Isaac ang tanging anak niya kay Sarah at ang tanging anak ayon sa pangako ng Diyos.

Ang ikalawang kahulugan at tumutukoy sa “pagiging nagiisa sa uri o klase o sa pagiging natatangi sa lahat ng uri.” Ito ang kahulugan ng salitang “bugtong” sa Juan 3:16. Sa katotohanan, si Juan lamang ang nagiisang manunulat sa Bagong Tipan na gumamit ng salitang ito sa pagtukoy kay Hesus (tingnan din ang Juan 1:14, 18; 3:16, 18; 1 Juan 4:9). Ang pangunahing layunin ni Juan ay ipakilala si Hesus bilang Anak ng Diyos (Juan 20:31), at ginamit Niya ang salitang “bugtong” upang bigyan diin ang pagiging natatangi ni Hesus bilang nagiisang Anak ng Diyos na may kalikasan ng Diyos, hindi katulad ng mga mananampalataya na mga inampon lamang bilang anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.

Ang mga terminolohiyang “Ama” at “Anak” ay paglalarawan sa Diyos Ama at kay Hesus sa pananalita ng tao upang tulungan tayong maunawaan ang relasyon ng mga persona ng Trinidad sa isa't isa. Kung naiintindihan natin ang relasyon sa pagitan ng ama at anak, maiintindihan rin natin kahit paano ang relasyon sa pagitan ng una at ikalawang persona ng Trinidad. Ang paghahambing ay masisira kung tatangkain natin na ipaliwanag ito ng hindi ayon sa ibig sabihin ng manunulat na si Apostol Juan gaya ng ginagawa ng mga kulto (gaya ng saksi ni Jehovah) na itinuturo na si Hesus ay “literal na bugtong na anak” na “ginawa” o “nilikha” lamang ng Diyos Ama.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang ibig sabihin na si Hesus ang Bugtong na Anak ng Diyos?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries