settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa paghawak ng pera ng magasawa?

Sagot


Hindi partikular na binabanggit sa Bibliya ang tungkol sa paghawak ng pera ng magasawa, ngunit nakapaloob ang isyung ito sa mga prinsipyo patungkol sa relasyon sa pagitan ng lalaki at babae sa kanilang buhay bilang magasawa. Sa ibang salita, nasasakop ng mga prinsipyong itinatag ng Diyos sa Efeso 5:22-33 at Colosas 3:18-19 ang lahat ng aspeto ng buhay mag-asawa. Nangangahulugan ito na ang indibidwal na personal na pakikipagrelasyon sa Diyos ng magasawa ay direktang nakakaapekto sa relasyon ng magasawa. May kalakip na pagpapala at pagdurusa ang anumang relasyon, at ang mga prinsipyo ay naaapektuhan ng desisyon ng bawat isa na lumalakad ng masunurin sa Panginoon.

Dinadala ng babae at lalaki ang kanilang mga lakas at kahinaan sa kanilang relasyon bilang magasawa. Ang paghubog sa paguugali ng bawat isa sa kanilang relasyon ay nakasalalay sa kanilang pangunawa sa kaayusang nais ng Diyos sa relasyon at sa Kanyang biyaya. Ang mga desisyon sa pananalapi ay isang pinagsamang responsibilidad at nakakaapekto sa tagumpay ng pamilya anuman ang pinagmumulan ng pagpapalang pinansyal. Kung iyon may ay mula sa trabaho ng lalaki o trabaho ng babae o pareho, ang kanilang mga pagaari ay pareho nilang responsibilidad. Ang mahalagang prinsipyo patungkol sa mga pagdedesisyon sa pananalapi ay "gawin ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos" (1 Corinto 10:31; Roma 14:8; Colosas 3:23-24).

Gayunman, likas sa dalawang Kristiyano na pinagbuklod ng pagaasawa ang pangunawa na ang lalaki ang pinuno ng pamilya at may huling salita sa lahat ng desisyon. Mananagot ang lalaki sa Diyos sa Kanyang pangunguna bilang pastor ng kanyang pamilya, samantalang ang babae naman ay mananagot sa kanyang asawa at katulong sa lahat ng desisyon at gawain ng asawa. Sa isyu ng pera, maaaring ang lalaki ang may kontrol sa kanilang salapi, ang nagbabayad ng lahat ng buwanang bayarin, at sinisiguro ang pagiimpok at pagpapalago ng pananalapi at maging ng pagbibigay ng tulong sa iba habang kinokonsulta ang kanyang asawa at humihingi ng payo para sa kanyang mga desisyon. Maaaring ipagkatiwala ng lalaki sa kanyang asawa ang kanyang gawain, lalo na kung nasisiyahan siya sa kanyang ginagawa at mas marunong ito sa kanya sa paghawak ng pera at may kakayahan na ingatan at palaguin ang kanilang pananalapi. Ngunit ang lalaki pa rin ang may responsibilidad na magbantay sa aspetong ito. Sa huli, ang magasawang nagtutulungan sa aspetong pinansyal ng pamilya ay may magandang komunikasyon at malalim na paggalang sa isa't isa.

Panghuli, binigyan tayo ng mga prinsipyo gaya ng makikita sa Lukas 6:38, kung saan sinasabi na mas pagpapalain tayo ng Diyos kung tayo'y magbibigay. Nangangahulugan ito na may relasyon sa pagbibigay sa gawain ng Diyos at sa pagpapala na ating tinatanggap sa espiritwal at pinansyal. Hindi natin kayang pantayan ang pagkakaloob ng Diyos. Kung magtatapat tayo sa pagbabalik ng para sa Panginoon, makikita natin na ang natira ay kanyang pararamihin at magiging higit pa kaysa sa ating mga pangangailangan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa paghawak ng pera ng magasawa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries