settings icon
share icon
Tanong

Ang ideya ba ng chi ay sang-ayon sa pananampalatayang Kristiyano?

Sagot


Ang Chi (ch'i o qi) ay maaring pakahulaganan ng ganito: "ang pwersa ng enerhiya na nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay." Ang ideya ng chi ay nanggaling sa Taoismo, na nagtuturo na may espiritwal at pisikal na pakinabang sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng panloob na chi ng isang tao. Nagagawa ito sa pamamagitan ng meditasyon, ehersisyo at iba pang teknik. Ang pinakalayunin ng tadisyonal na medisinang Tsino na acupuncture at ilang pagsasanay sa pagdepensa sa sarili gaya ng Tai Chi ay ang pagbabalanse at pagpapaunlad ng antas ng chi ng isang tao sa kanyang pisikal, mental, emosyonal at espiritwal.

Sa kahulugan pa lamang, ang ideya ng chi ay hindi na sang-ayon sa pananampalatayang Kristiyano. Ang pundasyong doktrina ng Kristiyanismo ay ang Diyos ang lumikha ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesu Cristo (tingnan ang Genesis 1:1 at Juan 1:1–4). Ang Diyos ang nagbibigay ng buhay at ang Diyos din sa pamamagitan ni Jesus ang nagpapanatili sa lahat ng bagay, may buhay man o wala (Tingnan ang Awit 147:9 at Colosas 1:16–17).

May ilang nangangatwiran na ang chi ay isa lamang pakahulugan sa "buhay" na inihinga ng Diyos kay Adan (Genesis 2:7). Ngunit hindi natin maaaring gamitin ang salitang chi sa pananampalatayang Kristiyano dahil ang pilosopiya sa likod nito (Taoismo) ay hindi maaaring makasundo ng Kristiyanismo. Halimbawa, sa pananaw ng Taoismo, ang "diyos" ay kung ano ang pakahulugan ng bawat tao sa "diyos" at ang lahat ng pakahulugan ay ganap na katanggap-tanggap – walang tama at mali. Sa pananampalatayang Kristiyano, hindi maaaring pakahuluganan ng tao ang salitang Diyos sa kanyang sariling pananaw. Sa halip, ipinakilala sa atin ng Diyos ang Kanyang sarili (tingnan ang Jeremias 29:13–14). Habang walang hanggan ang Diyos at hindi kayang lubos na maunawaan ng pangunawa ng tao, ipinahayag Niya sa atin ang ilang mga bagay tungkol sa Kanyang sarili at maaari natin Siyang personal na makilala. Sa Kristiyanismo, si Jesus ang tanging daan sa isang tunay na relasyon sa Diyos (tingnan ang Juan 14:5–7).

Ang ideya ng Chi ay hindi maaaring ihiwalay sa espiritwal na mundo. Kung makikipagugnayan ang isang tao sa espiritwal na dimensyon, masasalunga niya kung hindi man ang Diyos ay ang mga demonyo. Sa Lumang Tipan, ipinagbabawal ng Diyos sa Israel ang pagsasanay ng ilang gawain ng okultismo. Ito ay para sa kanilang proteksyon; ang mga ipinagbabawal na gawain ang magiging daan sa pakikipagugnayan nila sa mga pwersa ng kadiliman (tingnan ang Deuteronomio 18:9–13).

Ang mga tila inosenteng pagsasanay gaya ng pagtatangka na ibalanse o palakasin ang chi ay maaaring lumikha ng ilang tila magagandang pakinabang – na tila walang masamang epekto – ngunit dahil hindi ayon sa makabibliyang pananaw ang mga gawaing ito, dapat silang iwasan. Ang chi ay isang huwad na panggagaya sa uri ng buhay na iniaalok ni Jesu Cristo (tingnan ang Juan 10:10).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang ideya ba ng chi ay sang-ayon sa pananampalatayang Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries