settings icon
share icon
Tanong

Ano ang pananaw ng Kristiyano tungkol sa cloning ng tao?

Sagot


Habang hindi partikular na tinalakay sa Bibliya ang paksa tungkol sa cloning ng tao, may mga prinsipyo sa Kasulatan na maaaring ilapat sa konseptong ito. Kinakailangan sa cloning ang DNA at selula ng semilya. Una, inaalis ang DNA mula sa nucleus ng selula ng pinanggalingang semilya. Ang materyales na nagtataglay ng mga impormasyon ng genetic code mula sa pinanggalingan ay ilalagay sa nucleus ng selula ng semilya. Aalisin ang DNA sa selula na tumanggap ng bagong impormasyon mula sa genetic code ng taong pinanggalingan ng semilya upang tanggapin ang bagong DNA. Kung tatanggapin ng selula ang bagong DNA, isang duplikadong semilya ang mabubuo. Gayunman, maaaring tanggihan ng selula ng semilya ang bagong DNA at mamatay ito. Gayundin, posible na ang semilya ay mamatay kapag inalis ang orihinal na materyales ng genes habang inaalis ito mula sa kanyang nucleus. Sa maraming pagkakataon ng pagtatangka sa cloning, maraming mga semilya ang ginagamit upang mas maraming posibilidad na magtagumpay ang pagtatanim ng bagong genetic na materyales. Habang posible na ang isang kapareho o duplikadong nilalang ay magawa sa ganitong kaparanaan (gaya halimbawa ng tupang si Dolly), ang tsansa na matagumpay na makalikha ng isang duplikadong nilalang na walang pagkakaiba o kumplikasyon ay napakaliit.

Ang pananaw ng Kristiyano sa proseso ng pag-clone ng tao ay makikita sa liwanag ng ilang mga prinsipyo ng Bibliya. Una, ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos, at dahil dito, siya ay natatangi sa lahat ng nilalang. Isinaysay sa Genesis 1:26-27 na ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos at tangi sa lahat ng nilalang ng Diyos. Malinaw na ang buhay ng tao ay dapat na pahalagahan at hindi dapat ituring na isang bagay na maaaring bilhin o ipagbili. May mga sumusuporta sa pag-clone ng tao dahilan sa layunin na makagawa ng mga sangkap o organ ng tao para maipagbili sa mga taong nangangailangan nito. Ang kaisipan na ang pagkuha ng DNA sa isang tao at paglikha ng duplikadong organ mula sa DNA na iyon ay magbabawas sa posibilidad ng pagtanggi sa organ na ililipat sa isang maysakit. Habang maaaring ito ay may katotohanan, ang prosesong ito ay nagpapababa sa halaga ng buhay ng tao. Kinakailangang gamitin ang semilya ng tao sa cloning. Habang ang ibang semilya ay maaaring gamitin upang makagawa ng bagong organ, kinakailangan din na patayin ang ibang mga semilya upang makuha ang kinakailangang DNA. Sa esenya, ang cloning ay "pagtatapon" ng maraming semilya ng tao bilang "waste material" at pigilin ang mga semilyang iyon upang lumaki at mabuhay.

Maraming tao ang naniniwala na hindi naguumpisa ang buhay sa pagbubuntis at sa pagkabuo ng semilya sa matris at dahil doon ang semilya diumano ay hindi pa ganap na tao. Ngunit iba ang itinuturo ng Bibliya. Sinasabi sa Awit 139:13-16, "Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha, sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim. Ako'y iyong nakita na, hindi pa man sumisilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.” Sinabi ng manunulat na si David na kilala na siya ng Diyos bago pa man siya isilang na nangangahulugan na simula pa lamang sa panahon ng pagbubuntis, siya ay isa ng ganap na tao na may inihandang bukas ayon sa itinakda ng Diyos.

Gayundin, sinasabi sa Isaias 49:1-5 na tinawag ng Diyos si Isaias habang siya ay nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina. Maging si Juan Bautista ay sinasabing puspos ng Espiritu habang siya ay nasa sinapupunan ng kanyang ina (Lukas 1:15). Ang lahat ng ito ay nagpapatunay na ang buhay ay naguumpisa sa pagbubuntis pa lamang. Sa liwanag nito, ang human cloning ay pagwasak sa mga nabubuong semilya at salungat sa pananaw ng Bibliya tungkol sa buhay ng tao.

Bilang karagdagan, kung ang tao ay nilikha, mayroong isang Lumikha at mananagot siya sa Manlilikhang iyon. Kahit ituro ng sekular na saykolohiya at makataong sining na hindi mananagot ang tao kaninuman maliban sa kanyang sarili at siya ang tanging awtoridad sa kanyang sarili, iba ang itinuturo ng Bibliya. Nilikha ng Diyos ang tao at binigyan Niya ito ng responsibilidad upang pamahalaan ang lahat ng nilikha (Genesis 1:28-29, 9:1-2). Kasama sa mga responsibilidad na ito ang pananagutan sa Diyos. Hindi ang tao ang ultimong awtoridad ng kanyang sarili at dahil dito wala siya sa posisyon na gumawa ng desisyon o pananaw tungkol sa halaga ng buhay ng tao. Hindi rin ang siyensya ang awtoridad kung saan nakabatay ang pananaw tungkol sa cloning ng tao, aborsyon at pagpapasya kung kailan wawakasan ang buhay ng isang maysakit (euthanasia). Ayon sa Bibliya, ang Diyos lamang ang tanging may kontrol at may karapatan sa buhay ng tao. Ang pagtatangka ng tao na kontrolin ang mga bagay bagay ay pagtataas ng sarili sa posisyon ng Diyos. Malinaw na hindi ito nararapat na gawin ng tao.

Kung titingnan natin ang tao bilang isang nilalang na hindi tangi sa lahat ng nilalang, madaling ituring ang tao na tulad sa makina na nangangailangan ng pagpapanatili at pagsasaayos. Ngunit hindi lamang tayo mga koleksyon ng molekula at kemikal. Itinuturo ng Bibliya na nilalang ng Diyos ang bawat tao at mayroon Siyang partikular na plano sa bawat isa sa atin. Higit pa dito, nagnanais siya na magkaroon tayo ng personal na relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo. Habang ang ibang mga aspeto ng cloning ay mukhang makabubuti, walang kontrol ang tao kung saan aabot ang teknolohiyang ito. Isang kahangalan ang magpalagay na ang magandang motibo ang magdidikta ng paggamit sa cloning. Wala ang tao sa posisyon na husgahan kung ano ang mga kinakailangan upang pamahalaan ang pag-clone sa tao.

Ang isang tanong na laging naitatanong kung sakaling magtagumpay ang pag-clone sa tao ay kung ang mga clone ay magkakaroon din ng kaluluwa. Sinasabi sa Genesis 2:7, "At nilalang ng Panginoong Diyos ang tao mula sa alabok ng lupa, at hiningahan ang mga butas ng kanyang ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging buhay na kaluluwa." Ito ang paglalarawan ng paglikha ng Diyos sa isang kaluluwang may buhay. Ang kaluluwa ay kung ano mismo tayo at hindi kung ano ang mayroon tayo (1 Corinto 15:45). Ang tanong ay anong uri ng kaluluwa ang magagawa sa pamamagitan ng cloning? Ito ay tanong na hindi masasagot ng tiyakan ngunit masasabi na kung sakaling maging matagumpay ang cloning, ang clone ay maaaring katulad din ng isang karaniwang tao na mayroon ding imortal na kaluluwa gaya din ng isang normal na tao.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang pananaw ng Kristiyano tungkol sa cloning ng tao?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries